CHAPTER 3

380 16 0
                                    

Gaya nga ng sabi nya ay sa bahay na nya daw ako tutuloy at ipapakuha na lang daq nya kay miss Dianne ang mga gamit ko tinawagan ko na rin si Karen para hindi na sya mag alala sakin at sya na daw bahalang mag ayos ng gamit ko para mapadala dito...

Ito naman kasing pangit na to kung makahila akala mo tatakbuhan eh..kung hindi ko lang boss to kanina ko pa to binigkwasan eh.

Ilang minutong pang pagmamanehong daig pa ang may tumambay na anghel sa loob ng kotse dahil sa sobrang tahimik...ay nakarating na rin kami sa sinasabi nyang bahay...pero hindi naman to bahay dahil mansion to...takte...pinagluluko ata ako nito eh.

"Dito ka nakatira?....eh hindi naman to bahay eh...mansion yan....grabe ang ganda ah" sabi ko...ang ganda naman kasi tlaga..

"Yes....Let's go inside" sabi nya at hinila naman ako....nakakarami na to ah....chansing na to.

"Hindi mo naman ako kailangan hilahin hindi naman ako tatakas...kung makahila ka akala mo kamay mo ah" inis kong sabi dito

"Can you shut up....nakakarindi yang boses mo" inis din nitong sabi sakin...wow ang ganda kaya ng boses ko lalo na pag sa cr.

"Pake ko....bitawan mo kasi ako." Masungit kong sabi...napabuntong hininga na lang ito at binitawan ang pulsuhan ko...at nauna ng lumakad...sumakit pa yung pulsuhan ko dah sa higpit ng pagkakahawak nito kanina....mapanakit hmmmpt..

Nakangusong sumunod ako dito...ng makapasok ay agad kong nilibot ang mga mata ko sa loob ng mansion nya...grabe ang ganda parang bahay ng mga artista at mga Hollywood.....mag isa lang ba sya dito?

"Nako nandito kana pala iho....at sino naman itong magandang kasama mo...ito ba inyong nobya?" Namula naman ako sa sinabi ni manang

"Nay pasing hindi po....P.A ko yan...amazonang yan"sabi nya pero hindi ko narinig yung huli nyang sinabi

"May sinasabi ka?" Taas kilay kong tanong dito.

"Wala....ito nga pala si nanay pasing...mayordoma dito....nay sya si Savannah Reyes...P.A ko" pakilala nya sakin at kay nanay pasing...

"Magandang hapon po nay pasing" magalang kong bati dito

"Abay kay gandang bata...magandang hapon eneng...kumain naba kayu?" Tanong nya umiling na lang kami.."abay kung ganon ay hali na kayo at ng makakain na kayo saktong kakatapos lang namin mag luto ng haponan.....ito nga pala si dalya....apo ko mukang magkaidad naman kayu...pakiwari koy mag kakasundo kayu" pakilala ni nay pasing sa apo nitong si dalya muka ngang mabait ito at maganda rin.

"Magandang hapon sayu dalya" bati ko rito

"Magandang hapon din po maam at sir" magalang na bati nya..

"Nako wag mo ng i maam...hindi naman ako amo dito...pareho lang tayong nag tatrabaho dito sa pangit nato.....este kay sir pala hehe" sabi ko at nginitian ko sila ng pilit....

"Ganon po ba....okay po" magalang pa rin nyang sabi...nagugutom na ako wala akong oras para i tama pa ang pag po nya sakin...

"Hala segi mamaya na yang kwentuhan ninyo at kumain na muna kayu dito" sabi ni nay pasing...kaya kumain na muna kami...hindi lang ako masyado makakain komportable dahil nakikita kung nakatitig sakin yung boss kong pangit.....tumingin ako dito ng masama kaya napa iwas naman ito ng tingin at kumain na ulit.....ang sarap naman ng luto ni nay pasing...

Matapos kaming kumain ay nag kwentuhan muna kami nila nay pasing at dalya sa may garden...si boss pangit naman ay hindi ko alam kong saang lupalop yun pumunta basta may tumawag kanina dito...dinig kong boses ng babae yun...pero pake ko ba...bahala sya sa buhay nya no.
Matagal na palang nagtatrabaho dito si nay pasing simula daw nong lumipat ng bahay ang alaga nya which is si boss pangit nga...si dalya naman ay 2 years ng nagtatrabaho dito ahead ako ng 1 year sa kanya nag aaral din sya 3rd year college....

Captured your heart (Storm siblings #3) Ethan Kael Storm (COMPLETE)Where stories live. Discover now