Chapter 2

36 11 15
                                    

Chapter 2 - Strangers.

#Operation_Hanap.
#Shunga_Na_Maganda.
#Poging_Extranghero.

*****

:Gem's POV:

"Mag-iingat ka doon, Gem."

Nilingon ko si Mang Henry na kasalukuyang pinaparada ang tricycle sa gilid ng terminal. Ngumiti ako ng malawak at bumaba sa tricycle.

"Opo naman, Mang Henry! Hehehe." masayang sagot ko habang kinukuha ang nag-iisang bagahe na dala ko.

Grabe! Hindi ko akalain na pupunta ako sa Maynila! Hindi niyo kasi naitatanong eh hindi pa ako nakapunta ng Maynila kaya excited na excited ako ngayon lalo na’t alam ko na makikita ko roon si Al-al.

Kung naroon man siya.

"Mang Henry, tandaan niyo po ang mga bilin ko, ah? Huwag niyo pong hayaan na lechonin ni Auntie Mez ‘yung mga baboy ko at saka alagaan niyo po ng mabuti ‘yung manok niyo kasi nalulugi ako, eh." saad ko habang nakanguso.

Luging-lugi ako dahil ang liliit ng mga itlog nung manok niya. Hindi tuloy ako makuntento kapag piniprito ko na ito.

"Bakit ka naman malulugi?" takang tanong ni Mang Henry.

Napatakip ako ng bibig. Hala! Ayan ka na naman, Gem! Shunga ka talaga, syempre hindi alam ni Mang Henry na ikaw ‘yung nagnanakaw ng mga itlog niya.

"Ah, hehehe. Wala po, Mang Henry. Sige po ba-bye! Ingat po kayo lalo na’t may bata kayong dinadala." tugon ko habang tinuturo ang malaking tyan ni Mang Henry.

Hula ko lalaki ang magiging anak ni Mang Henry kasi matulis ang ibabang bahagi ng tyan nito. Waaaah! Pero gusto ko kasi babae eh. Hay, kailan kaya manganganak itong si Mang Henry? 15 years niya nang dinadala ang bata pero hindi niya pa ito niluluwal? Edi 15 years old na rin ‘yung bata na nasa sinapupunan niya? Grabe, ni hindi ko nga alam kung paano ‘yun nagkasya.

Natawa naman si Mang Henry, "Ikaw talaga, oh siya aalis na ako. Mag-iingat ka." paalam niya at pinaandar ang tricycle.

Kumaway ako nung makalayo na siya at kitang-kita ko pa kung paano umaalog ‘yung tyan niya.

Hay, kawawang bata.

"Miss? Ano sasakay ka ba?"

Napalingon ako sa nagsalita. Isang lalaki na mukhang naiirita na ang bumungad sa akin.

"Opo!" masayang sabi ko.

Saka ko lang naalala na kanina pa pala ako hinihintay nung bus. Hehe. Pagkapasok ko ay nagpeace sign ako sa driver dahil hindi maipinta ang mukha nito.

"LARGA NA!"

"Ay shuta!" gulat akong napahawak sa isa sa mga upuan ng bus.

Ang bastos din ng konduktor na ‘yun, ah. Hindi pa nga ako nakakaupo sa upuan ko bigla namang umandar ‘yung bus. May galit ata sa akin ‘yung driver at ‘yung konduktor, eh.

Inirapan ko ‘yung konduktor dahil ang sama ng tingin nito sa akin. Tsk. Buti sana kung pogi siya.

Para akong lasing na naglalakad papunta sa dulo ng bus dahil may nakita akong bakanteng upuan. Balak bang paliparin nung driver itong bus na sinasakyan namin?

Naupo ako sa may pinakagilid, sakto naman dahil katabi ko ‘yung bintana kaya may posibilidad na hindi ako masuka.

Taena namang bus ito, kung baga sa bola ay tudo ito sa pagbounce. Umaalog-alog na rin pati ang medium size na cocomelon ko. Mga walang-awa. Huhuhu.

(Un) Married Again? || On-GoingWhere stories live. Discover now