Chapter 5

21 4 3
                                    

Chapter 5 - Them.

#Pogi-1_Pogi-2_Pogi-3.
#Unfair_Ang_Mundo.
#Medium_Size.

*****

:Gem's POV:

Alam mo ‘yung feeling na may tatlong poging nakatayo sa harap mo?

"Hoy, Berkins! Huwag kang tumunganga dyan! Help me!" bulyaw ni kuyang pogi-1.

"Shut the hell up, Griffin! Si Mendros ang utusan mo." inis na singhal ni kuyang pogi-2.

"Kaya niyo na ‘yan." bored na sagot ni kuyang pogi-3.

Sa totoo lang, mukha silang timang sa ginagawa nila. Buhat-buhat kasi ni kuyang pogi-1 ‘yung poging hinayupak at inis na inis naman itong si kuyang pogi-2 na nakatayo sa harap niya habang itong si kuyang pogi-3 ay malagkit ang titig sa akin.

Oo malagkit. Kanina pa kasi siya nakatingin sa akin at walang pakialam sa mga kasama niya. Iyong totoo? Na-iinlove na ba sa akin ang isang ito?

"T-Torry..."

Napatingin ako sa poging hinayupak na nakapiggy ride kay kuyang pogi-1. Nakapikit pa rin ito at panay ang banggit sa pangalang Torry. Nakahit-hit ba ng shabu ito? Sa tuwing babanggitin niya kasi ang pangalan na ‘yun ay idinidilat niya ang kaniyang mga mata at hahanapin ako.

Oo, ako talaga. Sa akin siya tumitingin eh at pagkatapos nun ay muli siyang pipikit.

Jusko, Torry na pala ang pangalan ko ngayon. Sayang ang ganda pa naman ng pangalan ko, Gleana Eleonala Monica Virginia. Mas mahaba pa sa panga ng kapit-bahay namin.

"Bwesit ka, Mendros! Anong mapapala mo kung tititigan mo lang ang babaeng ‘yan?!" napalingon ako kay kuyang pogi-1 at nilingon ko si kuyang pogi-3. Nakatitig pa rin ito sa akin. Balak ko sana siyang sipain sa mukha pero sayang naman ‘yung face niyang nangingibabaw ang kapogian ‘diba?

"F*ck you, Mendros. Wala kang kuwenta." inis na singhal ni kuyang pogi-2 at tinulungan na si kuyang pogi-1 sa pagbuhat sa poging hinayupak.

Habang ako? Kasalukuyan pa rin akong nasa puwesto ko kung saan muntik ng pasabugin nung lapastangang lalaki ang medium size na cocomelon ko.

"Tss. Uhm, hey. You want to come with us?" ibinaling ko ang atensyon kay kuyang pogi-3 na sa ngayon ay lumapit na sa akin. Hindi na ata nakaya pang titigan ang mala dyosa kong pagmumukha.

Pero wait, anong sabi niya? English kasi kaya medyo hindi ko gets.

"Leave her. We don't know her." sabi ni kuyang pogi-1 at naunang naglakad papunta sa kung saan.

Saka ko lang naalala na pamilyar ang boses niya, nila pala. Sila ‘yung kausap ko sa telepono kanina! Aba! Sinabi ko lang na nasa isang parke kami kung saan mayroong sexing isda na mukhang sirena sa fountain eh nakarating agad.

"Pero gabi na, Griffin." sagot naman nitong si kuyang pogi-3 kay kuyang pogi-1.

"At kailan ka pa naging concern sa isang babae, Mendros?" nilingon ko si kuyang pogi-2 na nakangiti ng nakakaloko habang nakatingin kay kuyang pogi-3.

Mula noong dumating sila dito sa parke eh hindi ko na alam kung sino sila. Basta pinangalanan ko na lang si pogi-1 na tinatawag nilang Griffin, si pogi-2 na tinatawag nilang Berkins, at si pogi-3 na tinatawag nilang Mendros.

Namangha pa ako dahil kakaiba ang mga pangalan nila, yayamanin at halatang kapogian.

Kaya lang nadidismaya ako, english kasi sila ng english kaya hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi nila.

(Un) Married Again? || On-GoingWhere stories live. Discover now