Chapter 4

32 5 10
                                    

Chapter 4 - Savior.

#Bad_Breath.
#Gem_To_The Rescue.
#Four_Shokoy_And_Gem.

*****

:Gem's POV:

"Bwesit naman, oh!"

Inis na inis ang buong sistema ko, feeling ko gusto kong lunurin ‘yung poging hinayupak na nag-night swimming dito dagat.

Grabe, hindi naman ako pumasok sa refrigerator pero ramdam na ramdam ko ang lamig na bumabalot sa buong katawan ko. Malamig ang simoy ng hangin at idagdag mo pa ang malakas na hampas ng alon dito sa dagat na, kaya mala Dyesebel talaga ang peg ng pagrescue ko.

Nagpalinga-linga ako sa paligid, puro alon ang nakikita ko. Tudo na rin ako sa paglangoy upang mahagilap ang walang‘yang poging hinayupak na nag-night swimming kasama ang mga pating.

Kapag nakita ko talaga ang lalaking ‘yun ay hindi ako magdadalawang isip na lunurin siya. Anong akala niya sa akin? Sirena?

Mabuti na lang talaga mabait ako at pogi siya. Sayang naman kasi kung gawin siyang hapunan nung mga pating, edi nalugi na ‘yung mga pating kasi payat ‘yung lalaki, parang si Baboy 2 lang.

Ilang minuto na akong lumalangoy pero hindi ko pa rin makita ‘yung lalaki. Napapaisip tuloy ako, isa ba siyang sirena na nagmula sa kaharian ni Dyesebel at dahil miss na miss na niya ang alaga niyang pating kaya naisipan niyang bumalik sa karagatan?

Hala! Kung ganun nga ang nangyari ay dapat hanapin ko ‘yung lalaki! Mahirap na, sabi pa naman ni Auntie Mez ay huwag ko raw sasayangin ang isang opportunity.

Ngayon, pagkakataon ko na para makapunta sa kaharian ni Dyesebel! Tama, tama. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay hanapin ‘yung lalaki para maisama niya ako sa kaharian ni Dyesebel.

Hihihi. Matalino ka naman pala Gem, eh. Tss. Si Auntie Mez kasi eh palagi akong tinatawag na bobo, tanga, shunga at kung ano-ano pa. Eh, si Auntie nga itong shunga dahil hindi niya nalaman noon na mula sa aso ng kapitbahay namin ‘yung gatas na tinimpla ko para sa kaniya. Naubusan na kasi kami ng powder milk at wala naman akong pera para ipambili kaya dinekwat ko muna ‘yung aso ni Mang Karlo.

"AY MANG KARLO!"

Halos malaglag ang bra na suot ko dahil may biglang humawak sa paa ko mula sa ilalim ng dagat.

A-Ano kaya ‘yun?! Ay hala nalintekan na! Balak ko sanang lumangoy pabalik sa dalampasigan nang may mapansin ako.

At sino naman ang walang pusong nilalang ang nagtapon ng isang sapatos sa karagatan? Anong akala niya sa sarili niya si Jose Rizal?

Hindi ko na sana ito papansin pero may napagtanto ako. Hay, kahit kailan shunga ka talaga Gem! Tsinelas ‘yung nawala kay Jose Rizal hindi sapatos!

Habang iniisip kung tsinelas o sapatos nga ang nawala kay Jose Rizal ay biglang may pumasok sa utak ko.

Hala! ‘Yung poging hinayupak!

Tudo bigay ako sa pagsisid sa ilalim ng dagat dahil ngayon ko lang naisip na baka ‘yung poging hinayupak ang humawak sa paa ko. Imposible naman kasing shokoy ang humawak sa paa ko dahil paniguradong hihilahin ako nun papunta sa kaharian nila. At mas lalong imposible kung pating ‘yung humawak.

Sinikap ko na aninagin ang paligid dito sa ilalim ng dagat kahit ang totoo ay sumasakit na ang mga mata ko dahil sa tubig.

Hanggang sa nakita ko na ‘yung lalaki na parang si Sleeping Beauty kung matulog sa may malalim na parte ng dagat. Aba! Nagawa niya pa talagang matulog sa lagay na ‘yan?

(Un) Married Again? || On-GoingWhere stories live. Discover now