Chapter 2

22 0 0
                                    

Ikatlong araw na nila Ian ngayon sa villa ni Peter at grabe yung pagod na nararamdaman nila ngayon, naisipan kasi ni Rhian na i-shoot na ang next scene ng palabas nila para pagbalik ng Maynila ay puro city scenes na sila. Gusto man nilang magreklamo ay may tama naman sa sinabi ni Rhian. Mahirap rin magpabalik balik sa lugar kung pwede namang gawin na ng isahan doon ang kailangan.

Ikalawang gabi na rin nila ni Peter itong pagpupuyat sa pag-aayos ng clips at ng poster na ire-release sa susunod na linggo. "Ahh! Tangina. Magpahinga na tayo, pre."

Napahilot naman si Ian sa kanyang balingusan ng ilong at nagunat-unat nang marinig ang sinabi ni Peter sa tabi niya na nage-edit rin.

"Bukas na natin tapusin 'to." Dagdag na tugon ni Ian kay Peter.

Habang nag-aayos ng mga gamit ay biglang na alala ng binata ang naging usapan nila ni Illa. Hindi na kasi nito nasabi pa kay Peter nung araw na iyon ang napag-usapan nila dahil na rin sa pigiging abala nila buong araw hanggang kahapon.

"Nga pala, Pedro..." naramdaman niya na napalingon sa kanya ang kaibigan at inaantay ang sasabihin niya.

"Oh?"

Napaharap naman si Ian rito na nakabalik na sa pag-aayos ng gamit sa lamesa, "May balak daw makipag-collab sa atin na company sa ibang bansa, sabi ni Illa nung isang araw." Napangisi si Ian nang biglang napatigil si Peter sa ginagawa at marahas na humarap sa kanya.

"Gago?!"

Dali-daling lumapit si Ian kay Peter at agad na tinakpan ang bibig nito dahil sa gulat sa lakas ng boses nito, "Taena mo! Hinaan mo lang boses mo."

"Pare! Totoo ba?"

Napalayo naman si Ian sabay ipinagpag ang kamay sa damit at tumango tango kay Peter bilang sagot. "Balak ko sana tayong dalawa ang haharap kay Illa sa miyerkules, para hindi lang ako ang magdidisisyon at may suhestiyon."

Malapad namang ngumiti sa kanya si Peter at hinampas nang malakas ang likod nito, "Sige, pre. Good night."

"Aray ko! Gago!" daing na sigaw nito na ikinatawa naman ng isa habang palabas ng working room nila.

Nakangiting nag liligpit si Ian ng ilan sa mga gamit niya, bago siya naglatag ng comforter sa sahig ng working room at doon na lang naisipang matulog dahil sa sobrang pagod.





Napapailing na napahawak sa batok si Peter at Ian nang makita nila ang shots. Last day na nila ngayong araw at maya maya ay aalis na rin sila. Ngunit dahil sa mga nakikita nilang resulta ng shots nila ay mukhang gagabihin pa sila sa pag-uwi sa Manila.

"Guys, alam kong ilang araw na tayong pagod pero kaunting emosyon naman. Halata kasi masyado na ang tamlay tamlay na. Last shoot na to, tapos pack-up na tayo." May bahid nang iritasyon sa boses ni Peter na ikinatahimik na lang ni Ian at pinagpatuloy ang shooting nila.

Halos limang oras na silang nagshu-shoot at sa wakas ay nagtuloy tuloy ang scene nila.

"Nice! Isang take lang. Good job!" Ika ni Ian sa mga actors nang matapos nila ang last beach scene sa film nila.

"Okay guys, pack-up na!" Sigaw ni Peter at nagsigawan naman ang mga crew nila. Natawa na lang si Ian dahil halata rin sa mga ito na pagod na pagod na rin sila sa one-week straight shoot nila.

Nag meeting muna ang crew saglit para sa mga sususnod na scenes na gagawin nila sa Manila, nang matapos sila sa meeting ay nag kanya-kanyang alisan na ang mga actors at ang ibang staff nila.

Mine TonightWhere stories live. Discover now