Prologue

166 2 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin na bumabalot sa madilim na kapaligiran ng lugar. Tanging bituin, bilugan na buwan at kaunting sinag ng ilaw mula sa isang maliit na lampara lamang ang silbing liwanag ng kapaligiran. Muling sumimsim ng alak ang binata habang malayo ang tanaw at patuloy naglalaro sa isip niya ang isang bagay na dapat ay hindi na niya patuloy pang ginagawa.

Napayuko at huminga ng malalim ang binata nang biglang mag vibrate ang cellphone nito,

From: ...

Malapit na ako Chi! Got your favorite snacks <33

Agad na inilagay nito sa bulsa ang kanyang cellphone, inubos nito ang alak na nasa baso bago umalis sa teresa at pumasok sa loob ng silid upang mag handa. Nang maayos na lahat ng binata ang TV set para sa papanuorin nila ay siya namang pagkatok ng isang tao sa pintuan.

"Good eve, Chi! Ready ka na for movie marathon and late-night talks?" natatawang saad ng magandang binibini na nasa harap nito. Hindi nito napigilan ang mapangiti ng malawak dahil sa nakakadalang ngiti ng magandang dilag na nasa harap niya.

"Of course! Always ready, Ree." Mas lalong ibinuka ng binata ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok ang dalaga.

"Tara na Chi!"

Rinig na rinig sa sala ang tawanan ng binata at dalaga, patuloy lamang sila sa kwentuhan at tila wala nang pakialam sa palabas na kanina lamang ay pinapanuod nila. "Hay naku, Chi..." natigilan sa pagsalin ng alak ang binata nang biglang itaas ng dalaga ang kanyang kaliwang braso at humiga sa hita nitong naka indian seat sa sahig ng salas.

"Ano na naman?" natatawang tugon nito sa kanya at itinuloy ang pag salin ng alak sa baso, "Bakit ba hindi ka na mag hanap ng iba?" napangisi ang binata, sumimsim ito sa alak at tinitigan ang maamong mukha ng dalaga na ngayon ay nakapikit ang mata.

"Bakit, Ree? Nagsasawa ka na ba sa akin?" napamulat naman ito agad at nagtama ang kanilang paningin. Bumangon ang dalaga mula sa pagkakahiga sa hita niya at muli siyang tinignan sa mata na siyang pakiramdam niya ay malulunod siya. "Chi, hinding hindi ako magsasawang makasama ka."

Ilang segundong nakatingin lamang ang dalawa sa isa't isa nang dahan dahang ilapit ng binata ang kanyang mukha sa dalaga, "Chi..." tila bumigat ang paghinga ng dalaga sa lapit ng mukha nito at sa isang iglap lamang ay naramdaman nito ang malambot na labi sa kanyang mga labi. Wala sa sariling napapikit ang dalaga nang dahan dahang iginalaw ng binata ang kanyang labi na siya namang ikinabuka ng bibig ng dalaga na nagbigay daan para sa binata upang palalimin ang halik.

Mabibigat ang hininga ng dalawa nang magdikit ang kanilang noo at nakapikit pa rin, "Bakit..." bulong ng dalaga. Inangat ng dalaga ang kanyang paningin sa binata na ngayon aynakatingin sa kanya nang banayad at may hindi maipaliwanag na emosyon sakanyang mga mata, "Ian, mali..." muling bulong ng dalaga habang unti-unting tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.

Mine TonightWhere stories live. Discover now