Chapter 3

16 0 0
                                    

Naririnding bumangon sa higaan si Ian dahil sa ingay na naririnig niya sa labas ng kanyang kwarto. Ginulo gulo ng binata ang kanyang buhok sa sobrang irita na naririnig niya sa labas ng kanyang kwarto.

"Naknamputa... PEDRO!!" iritang sigaw ni Ian nang makababa siya mula sa kanyang kwarto. Agad na napangiwi ang binata sa nakikitang porn video sa kanyang tv, hininaan niya ito at agad na pinatay ang tv niya.

"Gising ka na pala..."

Masama ang tinging napalingon si Ian kay Peter na masayang kumakain ng natirang ulam niya kagabi. "Tangina mo."

"Good morning rin." Mapang-asar na bati sa kanya ng kaibigan at umupo sa sofa. Napasimangot naman kaagad ito nang mapansin na patay na ang tv. "Bakit mo pinatay? Nanunuod ako!"

Napahawak naman sa kanyang balingusan si Ian sabay labas ng marahan na hangin at tinignan muli ang kaibigan ng masamang tingin, kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa patay ang kaibigan niya. "Tangina mo, wala ka bang sariling tv at dito ka sa bahay ko nanunuod ng porn?"

Umupo naman ito sa tabi ni Peter at kinuha ang hawak na pagkain nito, "Akin na nga yan, pagkain ko yan."

"Damot." Bulong nito.

"Ano ba kasi ginagawa mo dito sa bahay ko? Sabado na sabado ginugulo mo 'ko." Tanong ng binata habang may laman pa ang bibig na nakaharap kay Peter. Napangiwi naman ito at tumayo papuntang kusina.

"Sira! Ngayon yung araw ng meeting natin nila Illa at nung producer na taga ibang bansa." Halos mabilaukan si Ian dahil sa narinig niyang sinabi ng kanyang kaibigan. Napahampas hampas ang binata sa kanyang dibdib at agad namang napatakbo sa kanya ang kaibigan para abutan ng tubig.

"Ngayon ba?!" gulat na tanong niya nang guminhawa ang kanyang pakiramdam. Napailing naman si Peter at humalukipkip, "Oo, pre. Ikaw pa nga nag set mismo ng schedule diba? Kasi nabadtrip ka sa akin dahil di ko sinabi kaagad sa'yo na hindi matutuloy yung meeting."

Napasandal naman si Ian sa kanyang sofa at napahinga ng malalim. "Kailan ka pa naging makakalimutin?" napatingin lang si Ian sa kanyang kaibigan sabay iwas ng tingin.

Sa totoo lang ay hindi niya rin alam, pero tingin niya alam niya kung ano ang dahilan. Napapikit na lang siya at isinandal ang ulo sa sofa, "Sige na, mag aayos na ako."

Tumayo ang binata at sinamaan ito ng tingin, "Buksan mo yung tv, pero please lang wag kang manuod ng porn sa tv ko."

Tumawa lang ang binata at iwinagayway ang kamay sa harap nito na tila pinapaalis na siya. Umiling na lang si Ian at umakyat muli sa kanyang kwarto upang maghanda na para sa kanilang meeting.





Nakatingin lang si Ian sa phone niya habang namimili nang ipapa deliver niya na pagkain para sa kaninlang lunch meeting. "Wala ka bang io-order para kay Illa?" Tanong ng binata kay Peter.

"Pre, pwede bang mamaya na yan pag dating nila? Mamaya oorder tayo, di naman pala nila gusto yung food."

Napatango tango na lang si Ian at kung ano ano na lamang ang ikinalikot sa kanyang phone pampalipas ng oras. Naisipan kasi ng dalawa na dito na lamang sa office nila gagawin yung meeting para mas formal at hindi gaano kaingay, tutal ay hindi naman ganun kaliit ang kanilang office at medyo malaki ang meeting room nila. Pasalamat na rin talaga sa mga naging sponsor nila nung nag uumpisa pa lang sila.

"Good afternoon. Thank you, guys, for your patience." Bungad na bati ni Illa nang makapasok sila sa meeting room. Tumayo naman kaagad ang dalawang binata at napatingin sa babaeng sunod na pumasok sa kanilang silid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mine TonightWhere stories live. Discover now