Chapter 14

23.9K 735 198
                                    

"Oh? Naparito ka?" Gulat na tanong ni Justine at agad na pinatay ang sigarilyo nito.

Pagkatapos niyang magpahinga sa bahay niya ay dumiretso siya sa tambayan nila ng tropa niya.

Napasimangot siya at umupo sa tabi nito, bahagya pang napangiwi dahil medyo makirot pa.

"Sina Julius?" Tanong niya rito.

Nagkibit balikat ang kaibigan niya saka tumabi sa pahabang kahoy na upuan sa tabi niya.

"May problema ba?" Seryosong tanong nito.

Napabuga siya ng hangin.

"May yosi ka pa ba diyan?" Tanong niya.

Agad siyang nakatanggap ng sama ng tingin dito.

"Huwag ka na magyosi. Nakakamatay."

"Oo nga, no. Ba't ba na-imbento kung sakit lang naman ang epekto pero gago kasi, pampakalma lang, isang stick lang." Pamimilit oa niya.

Napailing na lang si Justine at kumuha ng sigarilyo sa box na nasa bulsa nito. Agad siyang napangisi at sinindihan iyon.

"May problema ka nga." Usal ng kaibigan.

Nagkibit balikat siya.

"Balik na ako sa dating gawi. Nakaw-nakaw para mabuhay." Aniya.

Napalingon agad ang binata sa kanya. Napakunot ang noo.

"Bakit? May nangyari ba sa inyo 'nung Harvie na 'yun?" Seryosong tanong nito.

Napasinghap siya at napalingon dito.

"Hala, paano mo nalaman na may nangyari sa amin?" Gulat na tanong niya.

Hindi naman siguro rinig sa buong baranggay ang ungol niya, no? Paano nito nalaman agad na may nangyari sa kanila ni Harvielat----ng dati niyang boarder?

Kumunot ang noo ni Justine.

"Ha? Hindi ko alam. Ang ibig kong sabihin, nag-away ba kayo?"

Nakahinga naman siya ng maluwag.

"Akala ko naman alam mong may nangyari sa amin."

"Ano?"

"Ha?"

Shuta talaga ang bibig niya, oh. Walang kwenta pa rin talaga kahit kailan.

"Tangina. Nasaan na siya? Tinakbuhan ka ba? Aba, gagong 'yun. Ano ipapatumba na ba----"

Agad na pinigilan niya ang pagtayo ng kaibigan.

"Sandali! Kalma, hindi ko naman na siya pababalikin dito, eh." Aniya.

Mas lalong kumunot ang noo ng kaibigan.

Napakamot siya ng ulo.

"Benjamin, eh."

"Ano?"

"Hindi siya Betlogan. Benjamin siya. Nagsinungaling siya sa akin kaya ayaw ko na siyang makita."

"Anong nararamdaman mo ngayon?"

Nagkibit balikat ulit siya at nakatingin sa kawalan.

"Ewan... Malaki rin ang naitulong sa akin ni Harvie kaya nahihirapan akong magalit sa kanya. Siguro nagtatampo dahil pinagmukha niya akong tanga na Betlogan siya. Pero kahit na Benjamin talaga siya, dahil sa ginawa niya mukha siyang betlog kaya betlogan pa rin siya."

"Ang gulo mo."

"Hindi naman, parang ano rin 'yan, eh...Sabi ng Mama mo, Tita na lang daw ang itawag ko sa 'yo--sa kanya. Kaya naman Mama ko na siya, ang tita mo noon--ngayon----"

Hidden Desire (4th Gen #12)Where stories live. Discover now