Prologue

14 1 0
                                    

"Happy birthday Mama!" Masayang bati ni Zanina sa kanyang ina nang makita niya ito sa kusina na nagluluto para sa kanilang almusal.

Agad niyang niyakap ito patalikod at ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat nito. Kaarawan ng kanyang pinakamamahal na Ina ngayon at wala syang ibang balak gawin kundi ang pasayahin ang taong nag palaki sa kanya simula pagkabata.

"Wow ang bango bango naman nyan, Ma!" Halos mag ningning ang mata nito ng makita nya ang niluluto ng kanyang ina na Spaghetti.

"Ay sus ikaw talagang bata ka! Gutom ka lang naman kaya ka ganan!" Natatawa na lang ang ina sa naging reaksyon ng kanyang anak.

"Oh gising ka na pala Zanina!"

Agad na napatingin ang dalaga sa kanilang likuran at ganun na lang din ang mas lalong pamimilog ng kanyang mata ng makita niya naman ang kanyang Ama.

Katulad ng ginawa niya sa kanyang mama, agad nya itong niyakap na sinalubong naman ng matanda. "Hala kailan ka pa dumating papa! Bakit hindi ko alam?"

Para itong nagmamaktol habang naka subsob ang mukha sa dibdib ng kanyang ama. Natawa nalang ang mag asawa, napaka swerte talaga nila at nag karoon sila ng anak na halos hulog nang langit sa kanilang dalawa.

"Kaninang madaling araw lang at surpresa talaga ang pag uwi ko para sa mama mo."

Napangiti si Zanina sa kanyang narinig. Nagtatrabaho kasi ang kanyang ama bilang isang mekaniko sa syudad at dahil malayo nga ang Manila sa probinsya ng Batangas ay kinakailangan nitong doon manatili. Binigyan naman sila ng sariling matutuluyan ng kanilang amo kaya naman hindi masyadong nangangamba si Zanina at ang kanyang mama kahit malayo ito sa kanila.

"Kayong dalawa, pumarne na kayo't tayo'y kakain na. Kailangan natin umalis ng maaga para hindi maging mainit ang byahe natin."

Naka hain na ang nilutong pagkain ng kanyang ina sa kanilang maliit na hapag kainan. Bago kumain, nakasanayan na nila ang magdasal muna kaya naman agad na namuno si Zanina upang makapag pasalamat.

Nang matapos iyon ay nag simula nang lagyan ng kanyang ina ng pagkain ang kanyang plato, ganon na rin sa ama nito. Napangiti nalang sya dahil simula bata sya ay hindi pa rin nagbabago ang pag aalaga sa kanila ng kanyang ina.

"Ma may tanong nga pala ako, saan tayo pupunta ngayon at maaga ata kayong nag luto ng handa?" Tanong ng dalaga. Nag tataka kasi sya sa sinabi nito kanina dahil sabi ng ina nya ay aalis sila ngunit wala naman syang natatandaan na pinag usapan nila.

"Ipapasyal daw tayo ng papa mo sa Maynila." Nakangiti nitong tugon.

Agad na namilog ang mga mata ni Zanina. Hindi naman ito ang magiging unang beses nya na pumunta sa syudad pero kahit ganun ay hindi niya pa rin maipaliwanag ang pagiging masaya sa ideya na iyon.

"Hala talaga po? Saan naman po tayo pupunta doon?" Puno ng saya na tanong nito.

"Diba sabi mo noon gusto mong makapunta sa National Museum?" Agad naman siyang tumango sa tanong ng kanyang ina. "Kung ganon ay doon tayo pupunta!"

Hindi na naiwasan ni Zanina ang mapalakpak sa tuwa. Kitang kita din naman ang saya sa mga mata ng kanyang magulang dahil sa naging reaction nya.

Nang maka bawi na sya sa kanyang pag didiwang, tiningnan nya naman ang kanyang ama na naka ngiti. "Papa, hindi po ba mahal ang bayad doon?"

Agad na ginalaw ng kanyang ama ang buhok nito at umiling, "Ke mahal man sya o hindi, dadalhin ko parin kayo don ng mama mo. Kaya nga ako nagtatrabaho, diba? Para maibigay ko lahat ng kagustuhan nyo."

Natahimik si Zanina at napangiti nalang. Hindi niya alam kung paano siya nagpapasalamat at kung paano niya masusuklian ang lahat ng mga mabubuting bagay na ginagawa sa kanya ng kanyang mga magulang.

Way The Ball BouncesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum