Chapter Two

5 1 0
                                    

Tutor

"Napaka hilig mo talagang mag basa ng libro, Nina." Napatingin ako kay Macey na nasa tabi ko habang kumakain at naka harap sa kanyang laptop.

Nasa loob na kami ngayon ng private plain namin at pauwi na kami ng Pilipinas. Mabilis lang naman ang magiging byahe namin, siguro pag dating ng umaga ay nasa Pilipinas na kami kaya di na ko nag abala pang matulog.

Nagbabasa ako ngayon ng paborito kong libro, actually maraming beses ko na naman talaga tong nabasa pero kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng pananawa sa bagay na ito.

"Comfort zone." Simpleng wika ko.

"Mabuti ka pa nakakapag chill ngayon." Narinig ko ang pag hinga niya nang malalim kaya naman napakunot ako ng noo.

"Do you have any problem?" Tanong ko sa kanya dahil mukhang problemado talaga sya.

"I promise my sister na when I come home, I'm going to find her the best tutor she needs but I forgot about it because I thought it was unnecessary but mom send me a picture of her report card and she's really failing it..." She said,

Nung narinig ko iyon ay pakiramdam ko bigla na lang may mga maliliit na karayom ang tumutusok sa dibdib.

Ang tagal na ng panahon na nakalipas bakit ba patuloy ko paring naalala ang mga bagay na iyon?

"Hey Nina are you okay? Bakit bigla mong tinigil ang pag babasa mo?"

Napatingin ako muli kay Macey, hindi ko napansin na nakatingin na rin pala siya sa akin.

Dahan dahan akong ngumiti sa kanya at umiling, "Nothing. I'm fine."


-

"Sir Juande, pinapatawag niyo daw po ako?" Bungad ni Zanina sa taong tumulong sa kanya upang magkaroon ng pansamantalang tirahan dito sa Manila.

Si Juande ang amo ng kanyang ama, isa rin ito sa mga tumutulong sa kanya upang ilakad ang hustisya para sa kanyang mga magulang.

"Kamusta ka, Zanina?" Malalim ang boses nito habang nakatitig sa dalaga na naka tayo sa kanyang harapan. "Maupo ka muna."

"Maayos naman po ako." Ngumiti sya ng tipid at iniwas ang paningin. Dahan dahan siyang lumapit sa upuan na nasa harapan ng table nito.

"I heard from Maria na galing daw kayo kanina ni Kaloy sa police station, nag salita ka na ba bilang witness ng mga magulang mo?"

"Opo. Nabalitaan ko po kasi na walang gustong tumistigo sa nangyaring pag patay sa mga magulang ko." Kahit na anong pilit ni Zanina na gawing normal ang kanyang boses, hindi niya pa rin naitago ang pait sa bawat binitawang salita.

"I see... anyway hindi talaga iyan ang pakay ko kung bakit kita pinapunta dito." Wika ni Juande.

Yumuko ito ng bahagya at doon nakita ni Zanina ang mga paper bag na hawak nito. May tatak iyon ng isang mamahaling unibersidad na kilala dito sa Manila. Sa pag kaka tanda nya ay maraming beses na niya itong nakikita sa tv at internet dahil nga sa ganda ng paaralan na iyon.

"Gusto ko tong ibigay sayo." Inabot niya sa dalaga ang mga paper bag.

Dahil sa pagiging kuryoso ni Zanina ay dahan dahan nya iyong kinuha at tiningnan ang laman na nasa loob. Bumungad sa kanya ang mga naka plastik na uniform sa loob at sa gilid naman noon ay ang isang sobre na may tatak din ng unibersidad.

"Siguro ay nasabi na sayo ni Sario noon na naghahanap kami ng mga students na bibigyan namin ng scholar. Binalita sa akin ng mga tauhan ko na maganda ang mga grado mo at pasok na pasok ka sa standard at deserving ka para sa opportunity na ito."

Way The Ball BouncesWhere stories live. Discover now