Chapter One

6 1 0
                                    

Middlemist's Red Camellia

"Nina naalala mo na naman sila?" Napatingin ako kay Macey nang tinapik nya ang likuran ko. 

Naka harap ako ngayon sa isang malaking painting ng halaman na may magandang bulaklak sa tabi ng bintana ng kwarto ko. Ako ang nag paint ng bagay na ito, napaka laki kasi ng sentimental value nito para sa akin sa tuwing naaalala ko kung saan ko ito unang nakita. 

"Alam mong hinding hindi mawawala sa isip ko ang bagay na yon." Malalim na sagot ko. 

"Alam ko iyon. Anyway ayos na ba lahat ng kailangan mo? Nasa labas na si Mason, kanina pa nya tayo hinihintay."

Tumango naman agad ako sa kanya at nag simula nang mag lakad papunta sa sala. Nandoon na kasi ang lahat ng maleta ko, ngayon ang araw na kailangan ko nang bumalik sa reyalidad at harapin lahat ng obligasyon ko. 

Uuwi na kami sa Pilipinas, masyado na rin kasing matagal ang pag papahinga ko. Oras na para mag bayad ang mga taong malaki ang utang sa akin. 

Nung nakuha ko na ang gamit ay agad kaming lumabas ng bahay, malamig ang simoy ng hangin dito. Hindi naman yun katakataka dahil nga nasa ibang bansa kami. 

"Mason, long time no see." Bati ko sa lalaking syang mag hahatid sa amin ni Macey papunta sa airport. 

"Zanina!" Agad naman syang ngumiti at niyakap ako. "So are you two really sure about this?"

"Mason, we already talked about this so many times." Wika sa kanya ni Macey. 

Hindi na ulit sila umimik kaya naman pare-parehas na kaming sumakay sa sasakyan para mag punta na sa airport. 

-

"Miss eto oh, uminom ka muna ng tubig." Inabot ng pulis ang isang bote ng tubig sa harapan ng dalaga.

Hindi naman sya gumalaw at tulala parin sa isang tabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya makapaniwala sa mga pangyayari na nasaksihan nya. Pakiramdam nya ay kahit na anong oras ay maari parin syang mapahamak.

Isang linggo na ang nakaka lipas mag mula ng mangyari ang insidente. Ngayon lang nagkaroon ang mga pulis ng pagkakataon upang makausap sya bilang witness ayon na rin sa kagustuhan ni Zanina na mabantayan muna ang burol ng kanyang mga magulang.  

"Miss uulitin ko ang tanong ko sa iyo kanina, namumukhaan mo ba ang mga taong bumaril sa magulang mo?"

Dahan dahang napailing ang dalaga at yumuko. Napaluha siya nang muli nyang maalala ang madugong pangyayari na nangyari sa mga magulang niya. Punong puno siya ng galit at puot sa kanyang puso, galit sya sa tatlong taong pumatay sa magulang nya subalit mas galit sya sa sarili nya dahil pakiramdam nya sya na ang pinaka walang kwentang anak sa buong mundo. 

Wala man lang siyang nagawa upang ipagtanggol ang mga magulang nya. 

"Chief mukhang hindi nya pa kaya mag salita ngayon, hayaan na muna natin siyang makapag pahinga." Sabi ng isang pulis. 

Kanina pa kasi nila kaharap si Zanina ngunit kahit na isang impormasyon ay wala silang nakuha mula dito dahil ayaw niyang mag salita. 

"Mukha rin siyang na trauma dahil sa naganap sa mga magulang nya." Dagdag pa nito. 

Dahan dahang tumunghay si Zanina at humarap sa mga pulis ng marinig nya ang pinag uusapan ng mga taong ito. Pagang paga na ang kanyang mga mata at halos mang hina na rin sya. Wala kasi atang araw na hindi siya umiyak sa tuwing naaalala nya ang mga magulang nya. 

"Magsasalita na po ako." Paos na wika nito. 

Dahil doon, agad nyang nakuha ang mga atensyon ng mga pulis na kanina pa naghihintay sa mga sasabihin nya.

Way The Ball BouncesOnde histórias criam vida. Descubra agora