Kabanata 6

2.9K 77 5
                                    

Kabanata 6

Dali dali agad akong naglakad patungo sa room. I know i am too late for the class dahil nagpuyat ako kagabi at hindi din ako naka tulog ng maayos dahil nga doon sa nangyari. Nangigigil ako sa inis dahil sa kahihiyan. Kahapon kasi halos hindi ako maka baba ng kwarto at harapin ang mga magulang ko. I'm sure medyo nagtataka na din sila pero hindi naman nila ako pinilit pa. Nagpahatid lang ako ng hapunan ko sa kwarto kagabi.

Nakapasok na ako sa room at tyaka hinagilap ang taong sumisira sa araw ko palagi.

"Tyler, nandito kana. Nadala na din namin iyong project natin kanina tyaka si Shamsy na daw bahala mag introduce non!" Tumango lang ako sa sinabi ni Benji at pumunta na sa upuan ko. Pabagsak kong inilagay ang bag ko sa harapan ni Laizer kaya nabaling ang atensyon niya saken mula sa bagong babaeng katabi nito. Naaalala ko ito iyong kasama niya kahapon sa canteen. Or should I'll say ang bago na naman niyang paiiyakin.

"What's wrong with you?" Tanong nito saken kaya pati ang atensyon ng babae ay napunta na din sa gawi ko. Akala ko sasama din ang tingin nito pero wala. Wala akong maramdamang masama sa kanya. I'm sure isang maria clara itong na bingwit ng mokong. Kawawa naman. Napakatahimik pa naman.

"Oh? Nandito ka pala sorry naistorbo ko ba kayo? Sige tuloy niyo lang sorry sa abala!" Tyaka ako umupo sa upuan at hindi na sila nilingon pa na dalawa dahil nababadtrip ako. Oo nababadtrip ako hindi ako nag seselos.

"Just don't mind him. He's just on the labor!" Dumikit bigla ang dalawa kong kilay at tinitigan ito ng masama.

"What did you say?" He smirked tyaka umakbay sa babaeng kasama niya na ngayon at nagtataka at nagugulat sa nangyayari. "I am on a labor?"

"I didn't mentioned a name!" Tyaka ito nag kibit balikat. Naghamunan kami dalawa ng tingin. Hindi ako maka rebat baka pagsabihan pa ako na assuming at hindi ako ang pinag uusapan nila. Kahit obvious naman na ako talaga.

"Tyler, may tumatawag sa'yo!" Tawag ng isa kong ka klase na si Donna. Katabi naman nito si Benji habang naka palibot sila ng barkada niya maingay na naglalaro ng mobile legend. Tyaka ko muna sinamaan ng tingin sandali si Laizer at tumayo na papunta sa gawin ni Donna.

"Donna, sino?" Tyaka niya tinuro ang lalakeng nasa labas ng classroom door namin habang tinutulak ng mga kasama niya. Naaalala ko mga varsity sa kabilang campus ito ah. Sila iyong mga nakalaban nila Laizer naalala ko ito si Symon Blaire Lorenzo ang Captain team leader nila. Wow anong kailangan nila saken? Kinabahan ako baka may nagawa akong kasalanan.

"Go, Captain kaya mo yan!" Sigaw ng isa niyang barkada kaya tinaasan ko sila ng kilay kung ano ba ang kailangan nila.

"Sy, pumorma kana nag hihintay na yang crush mo oh!" I blushed matapos sabihin iyon ng kasama niya lakas nila mag biro. Nakita ko naman si Symon na napakamot ng batok niya at nahihiyang ngumiti saken. He's handsome and tall medyo mahulma din ang katawan nito. Masarap din na nakabalandara ang bicep niya sa soot nitong sleeveless shirt.

"Yes?" I ask.

"U-Uhm, I'm Symon by the way p-pwede ba maano—" Hindi niya matapos ang sasabihin niya dahil sa biglang nag si tawanan ang kasama nito. Pati iyong mga classmates ko nakiki chismis nadin naka abang sa likod ko.

"Ang ano?"

"Pwede ko ba mahingi number mo?" Tila naman naka hinga siya ng maluwag after niya masabi ang gusto niyang sabihin. Medyo nagulat ako pero hindi naman gaano. Napalunok ako ng laway tyaka pinahinto muna ang hiyawan ng mga kakalase ko.

"S-Sure!" Tyaka ako tumango kaya para namang kinilig ang mga kaklase ko.

"Thanks, let's text later tyaka add mo na din ako sa Facebook." Tyaka sumilay ang killer smile nito habang nagkakamot padin sa batok niya at nahihiyang hinarap ang kasama nito.

Group Study (MTGO#3) [BxB Mpreg] On going.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon