Kabanata 10

2.4K 68 4
                                    

Kabanata 10

I am so nervous right now. Tiffany keeps talking about our relationship with her cousin Laizer. Nagtitimpi lang ako na hindi maka gawa ng ingay. Nilingon ko si Shamsy na may nakatagong multong ngiti sa mukha niya. And I'm sure nahahalata niya ang ginagawa ngayon ni Laizer sakin. Matalino siyang tao at hinding hindi mo ito mauuto. Mahirap talaga makasama ang mga taong may utak.

Paubos nadin itong kinakain ko while itong lalake naman sa harap pilit akong nilalandi cina-career niya ang pagiging boyfriend. Kahit ako din naman nagustuhan ang ginagawa niya. He act like he was the sweetest boyfriend on the world. Halata namang iniinis niya lang ako at pinapahiya.

"Babe, eat this." Binigay saken ni Laizer ang burger nitong order dahil nahahalata niya atang paubos na itong akin. I just smiled sweetly pretending that I like the way he act.

"May ka sweetan ka pa palang naiwan sa katawan mo insan!" Pang aasar ni Tiffany. Nahihiya naman akong parang napapayuko dahil halos lahat ng tao sa canteen naka tutok na ngayon sa pwesto namin.

"Well excuse me guys. I need to go may meeting pa ako mamaya. Bye!" Pag papa alam ni Shamsy habang may mapanuyang ngiti at tingin ang iginawad niya sakin. I blushed dahil sa ginawa niya hindi ko alam na marunong din pala mang asar ang mga nerdy type na kagaya niya. Shamsy is an SSG President nitong school. Kaya alam ko na din na always itong busy at may meeting na ina attend. Iyon nga lang medyo asal marites siya kanina.

"Bye Ty, thanks for the chitchat kanina!" I smiled on her bilang tugon. Nagpa alam na din sila Tiffany sa kanya hanggang sa nawala na ito sa paningin naming tatlo.

Nilingon ko naman si Tiffany na nililigpit ang naubos nitong pagkain habang may ngiti sa labi. Ngiting parang may binabalak. Tumigil na din si Laizer sa kanyang ginagawa kanina at bigla atang tumahimik.

"Anyway Tyler, napakilala ka na ba ni Laizer sa magiging manugang mo soon?" Bigla akong napa ubo matapos kong inumin ang milk tea dahil sa tanong niya ng biglaan. Hindi pa ganun katagal ang fake relationship namin ni Laizer pero bakit meet the future in law na agad. Di pa ako handa magpa kasal. As if naman papakasalan ako ni Laizer libog lang naman alam nito.

"Hindi pa. Maybe next time!" Nabaling ang atensyon ko kay Laizer dahil sa sinabi niya. Seryoso ko siyang tinignan at pinipigilan ang mapangiti. Nakita ko naman kung paano napatakip ng bibig si Tiffany gamit ang kamay nito wariy kinikilig.

"I love that idea insan. What about later. Mamayang uwian. Miss ko na sila Tita I'm sure magiging masaya iyon sila sa balita." Hindi ko mapigilan ang kabahan sa sinasabi ng pinsan ni Laizer dahil parang hindi ata magandang ideya iyon. Meeting Laizer's parents makes me feel nervous. Baka hindi nila ako magugustuhan. Wow masyado naman ata akong feeling na ipapa kilala talaga ako nito sa magulang niya.

"A-Ah hindi kasi ako free mamaya Tiffany e may kikitain ako." Tyaka ako awkward na ngumiti. Palusot ko para lang hindi matuloy ang pinaplano niya mamaya.

"Who?" Seryoso naman sambit ni Laizer at bigla atang sumungit.

"S-Si ano." Natigilan muna ako at hindi maka sagot ng diretso dahil hindi ko alam kung ano ba isasagot. "Iyong ano ko—"

"Tyler!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may biglang tumawag saken sa kung saan. Sabay namin tatlong pareho nilingon ang pinaggalingan nito. Nanlaki ang dalawa kong mata dahil sa napagtanto kung kanino galing ang boses na'to. Napatayo ako ng wala sa sarili ang kinakabahan sa harap ng dalawa. "Nandito kalang pala kanina pa kita hinanap I texted you kanina pa di ka nag rereply!"

Awkward kong nginitian si Symon habang hindi maka lingon ng diretso sa dalawang mapanuri kaming tinitignan. Nakita ko din kung paano naging cold ang awra ni Laizer na parang hindi nagustuhan ang nakikita nito sa ngayon.

Group Study (MTGO#3) [BxB Mpreg] On going.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon