[10] Home

212 14 0
                                    

"Sino naman itong batang ito?"

        Okay. Hindi ako makakapalag.

        Pagkagaling na pagkagaling ko sa outing namin nakagwardiya na ang kapatid ko sa pintuan, katabi si Lance. Nakatungo sya, pero si ate abot-langit ang taas ng noo. "Nagtatago sya sa closet sa kwarto at palagi nyang sinasabi na ikaw ang nagtatago sa kanya ron. Ano 'to? Bahay ampunan?"

        "Bahay-ampunan agad?"

        "Sumasagot ka pa ha?!"

        "Hindi na nga e, hindi naaaa."

        "E sino nga 'to?! ANAK MO?!"

      "Oy grabe, ni wala pa ngang nangyayari sa'min ni Guji, may anak agad? Ano ako, Virgin Mary?" By that, nanlaki ang mga mata ni ate saka ako sinugod para hampas-hampasin. ANG SAKIT.

        "Namimilosopo ka pa?! Sa'yo yan ha, sa'yo 'yan?!"

        "KAPATID NYA YAAAAAN!"

       Natigilan sya bigla, at nagbago ng emosyon. "BAT DI MO AGAD SINABI?!" Agad naman syang lumapit kay Lance at pinakitaan ng magagandang asal. Inaya pa nga nya itong manood ng sine o pumunta sa amusement park. Nakakaloka 'to. Kung kanina halos lamunin ako kasi nakakita sya ng alien sa bahay namin, tapos ngayon?! Nalaman nya lang na kapatid si Guji e. Sipsip.

    Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit naririto si Lance, kung bakit ko sya kinukupkop. Nagniningning naman ang mga mata nya habang nagpapaliwanag ako, sabay sabing "Wala na bang kapatid si Guji na mas matanda sa kanya? Yung ka-age ko? Pero pede ring mas matanda sa'kin,"

        "Si Daddy Kalbo available na available –"

        "E SA'YO KAYA?"

        Pumayag si Ate na sa amin muna tumira si Lance. Isa pa, hindi naman sya makalat sa bahay. Mareklamo nga lang. "Pagsabihan mo 'yang batang 'yan ha. Oo, hindi kalevel ng mansyon nina Guji ang bahay natin pero wag naman nyang ipamukha ano?"

        "I warned you, 'di ba? Lumaki 'yan sa abroad kaya prangka 'yan. Hayaan mo na,"

        "Buti nalang cute 'yan kundi naku!"

        Lance started 7th Grade at C.U. Inenroll ko sya kahit sobrang late na. Binili ko na rin sya ng uniform at supplies nya. Binili ko na rin sya ng school shoes at bag. O di ba? Parang nanay lang. Ako na rin ang naghahatid-sundo sa kanya dahil wala namang ibang gagawa kundi ako lang. Nakakaiyak. Doble ang pamasaheng binabayad ko sa jeep.

        "Why are you so nice? It's suspicious," he once told me. Aba, ako pa ang suspicious ngayon?!

        "You're welcome, bro."

        "I didn't say 'thank you' why are you saying that?"

        GRR. Sarap nyang tirisin! "O sige, ako na rin ang magtethank you sa sarili ko. Thank you, Maggie. You're welcome, Maggie. Maliit na bagay." UGH.

        One morning, Lance woke me up saying "The Moron is outside looking like a moron."

        Moron.

        Jake.

        JAKE? NANDITO NA NAMAN 'YUNG ASUNGOT NA 'YON?!

        "Hanggang kailan, Jake? Hanggang kailan?" Naiirita kong sabi sa kanya na nasa harap ng gate namin. Ayoko ngang papasukin 'to. Baka biglang dumating si Guji mag-away pa kami.

She's The Boss II: Stealing The BossWhere stories live. Discover now