[7]

331 16 4
                                    

Nandito ka na naman?!

Agang aga, may hawak akong isang balde ng malamig na tubig. Ito kasing si Jake nasa tapat na naman ng gate namin at may dala-dalang tatlong box ng almusal. Pag ‘to nagpumilit talaga, bubuhusan ko talaga ‘to SA MUKHA! “Tinatrabaho mo na nyang paghahatid ng almusal a? Magkano bayad sa’yo?

Whoa. Bago ko sagutin yan, please ibaba mo muna ‘yang –

IBABABA KO ‘TO PAG UMUWI KA NA!

May binulong syang hindi ko narinig o kung narinig ko man, hindi ko rin naintindihan. Bwiset ‘to. Minumura na ata ako nito ng harapan hindi ko pa alam. “Hoy, anong sinabi mo?!

Wala.” Nakapamulsa sya at nakasibangot nang talikuran nya ako. Uuwi na sya, I bet. Binaba ko na ang bitbit kong balde at papasok na sana ng bahay, SANA kung hindi biglang bumukas yung gate sa likuran ko at nagtatakbo paloob ng bahay si Jake. BULLSHIT. “JAKE!

Eh ano pang magagawa ko? Makulit e.

Masama ang tingin ni Lance kay Jake, well, ako rin naman. Pero hindi naman siguro nya pinapansin kasi ang saya saya nya habang kumakain ng tapsilog na binili nya. “Kain na rin kayo!

I just rolled my eyes, Lance did the same.

Pinanood lang namin syang kumain nang kumain. Bwiset talaga. Pano pag biglang dumating sina Fred dito? Mahilig pa naman silang mamasok ng bahay ng may bahay –

GOOD MORNING BOSS! Eh?” Lagot na. ‘Yan na nga ba ang sinasabi ko. “SINO ‘TO?

Kaming tatlo nina Lance at Jake e nakatingin lang kina Fred at Klein, na kung kanina e high na high ang spirits, ngayon biglang nag-aapoy na. Nakakita sila ng alien e. Masama pa nito – lalaking alien, sa pamamahay ko. Sinipa ni Klein ang binti ko at sinabing, “Mukhang magbebreak na kayo ni – MM!” Tinakpan ko kagad ang bibig nyang napakadaldal.

Kung ayaw mong masaktan, tumahimik ka,” bulong ko sa kanya.

BOSS. Sino nga sya? Mukhang manyakis –

Seryoso ka ba?” Biglang tumayo si Jake at hinamon ng suntukan si Fred. Hindi naman nagpatinag si Fred, sya pa mismo ang sumugod kay Jake pero syempre, pumagitna ako agad. Nako susme, magkakarambulan ata dito! “Maggie umalis ka dyan! Uupakan ko ‘yang kapal kilay na ‘yan!

Ano? ANONG SINABI MO?

Ibang klase, gusto talaga pinauulit-ulit –” at biglang sinuntok ni Fred si Jake sa mukha. Napasigaw ako. Agad kong tinulak palayo si Fred at inalalayan kagad si Jake. Napatingin ako kay Lance na nanlalaki ang mata sa nakita nya. Mukhang first time nyang makakita ng ganito. “Hoy ikaw, hindi tayo close kaya wag na wag mong papansinin ‘tong kilay ko!

Eh totoo namang makapal –” tinakpan ko na ang bibig nya para manahimik na sya.

Tama na kasi. Gusto mo pang masapak?” Nagmake-face sya sakin kaya binatukan ko sya.

Sya naman ‘yung nauna –

Tama na nga sabi.

Psh. Kung di lang,” hinintay kong tapusin nya ang sasabihin nya pero hindi na nya tinuloy. Tumayo na sya at pinagpagan ang sarili, saka iniaro ang kamay nya kay Fred. Napanganga ako. “Hi, I’m Jake. Nice to meet you,

Nagtinginan lang kaming lahat sa isa’t isa. Ibang klase. Hindi namin sya ma-gets.

Habang masayang nagkekwento si Jake tungkol sa adventures nya abroad (at habang may ice pack sya sa pisngi), nakatitig lang kaming lahat sa kanya. Napatingin sa’kin si Klein, nakangisi syang hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin. I read his lips saying, “Break na. Break na. Break na.” Sinipa ko sya sa ilalim ng lamesa.

She's The Boss II: Stealing The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon