Chapter 17

14 1 0
                                    

C H A P T E R 1 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Nakangiwing pumasok ang dalaga sa likod ng pinag tra-trabhuhan n Zephire. Bawal siyang pumasok sa main door dahil baka may makahalata sakaniya na minor pa lang siya. 

"Salamat naman at dumating ka na. Mahugas ka na dito," masungit na sabi ng isa sa mga katrabaho niya. 

Hindi siya sumagot at tinanguan lamang ito. Inayos niya muna nag damit niya. Sinigurado niya na balot na balot siya kahit na mainit sa pwesto niya dahil baka maulit na naman ang dating nangyari noong naka shirt at leggings lang siya. 

See? Ang hilig ng ibang tao na ibintang sa mga mismong nahihipuan ang kasalanan ng mga nanghipo. Isisi pa nila sa suot ng babae kaya ang sarap nilang lahat pagsasapakin sa mukha. 

Mabuti na lang at payapa lang siya doon habang naghuhugas, ngunit sobra na siyang naiinitan kaya mas lalo niya pang binilisan ang kilos. Kahit na medyo malayo na siya lugar na 'yun ay rinig na rinig niya pa rin ang ingay. 

Dahil 'nga minor siya ay hindi siya pwedeng lumabas doon. Malaki naman kasi ang bayad sakaniya pero madalas lang siya pumasok, kapag kailangan lang talaga at maraming costumer. 

"Dumaan ba dito si Alejandro!?" inis na tanong ng isa sa mga waitress. 

Agad namang umiling ang dalaga at nagpunas na ng kamay. Sa wakas ay natapos niya na rin ang sandamakmak na pinggan. 

"Punta ka na doon sa office ni boss. Bigay niya na sa'yo 'yung kulang niyang pasahod noong nakaraan," iritadong sabi nito at nagmamadaling lumabas. 

Mukhang kulang na naman sa dilig ang babeng 'yun kaya sobrang sungit tungo sakaniya.

Matapos niyang matanggap ang sweldo niya ay sobrang nang ngiti niya. Kahit na may maliliit na sugat sa daliri niya dahil sa paghuhugas ay hindi niya na iyon ininda pa. At least may pera siya ngayon. Sobra pa 'nga 'yun eh. 

"Stay away from me." 

Agad nanlaki ang mata ng dalaga ng marinig niya ang pamilyar na boses na nanggaling sa 'di kalayuan. 

"Azriel!?" hindi niya makapaniwalang tanong sa sarili. 

Tinitigan niya pa ito ng ilang minuto para masigurado kung tama ba ang nakikita niya ngayon. May babaeng halos wala nang damit ang dikit ng dikit sa binata. Panay naman ang iwas sakaniya ni Azriel. 

"Tangina talaga," inis niyang bulong sa sarili. 

Mukhang pinipilit ng babae na may gawin sila kaya kailangan niya itong iligtas. Mukha pa namang lasing na rin siya kaya hindi na rin nito mapagtanggol ang sarili. 

Umirap na lang siya at mabilis na lumapit kay Azriel. Agad niya itong hinila sa braso dahilan para muntik ng mawalan ng balanse ang babae. 

"What the heck? Kung gusto 'yang lalaking 'yan na makipag se-" 

"He's my boyfriend so, back off," malamig niyang sabi at hinila na ang binata palayo sa lugar na iyon. 

"Bakit ka nandoon sa club!? Tanga ka talaga kahit kailan," inis niyang sabi dito at marahas na binitawan ang braso niya. 

Para itong gulay na nalanta na humiga sa gilid ng kalsada. Kaunti na lang ang mga sasakyan na dumadaan kaya wala siyang mahanap na taxi na walang laman. Mas lalo pa siyang namomblema ng wala siyang mahanap na cellphone na sa bulsa ng binata. 

Mukhang nanakawan pa ito. Kawawang Azriel. 

"W-Wag m-mo k-kong h-hawakan," mariin niyang sabi at mahinang niyang tinapik ang kamay niya. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Where stories live. Discover now