Chapter 40

1 1 0
                                    

C H A P T E R 4 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Sila ba ang mga dati mong kaibigan?" nakangiting tanong ng lola niya ng maka-uwi na ang tatlong itlog. 

Dumalaw sila upang madalaw at makilala nila ang lola ni Zephire. Ang dami pa nilang biniling pagkain para sa lola niya pero, sila rin lahat umubos. May mga natira naman para sa lola niya pero hindi aabot 'yun ng isang araw. 

Tumango siya at humiga sa hita nito. "Pero hindi po nila naalala 'yun." 

Hinaplos nito ang buhok niya katulad ng paborito niya laging gawin sa dalaga. "Dahil ba sa aksidente na nangyari noon?" 

Agad siyang tumango. "Siguradong kapag nakaalala na sila ay lalayuan at kakamuhian na nila ako." 

Ngayon ay hinihilot-hilot na nito ang braso niya. "Wag mo silang pangunahan ang mararamdaman nila kapag naalala na nila ang totoo." 

Agad na tumango si Matthew. "Oo 'nga. Malay mo naman maintindihan na nila ngayon at papakinggan 'yung side mo, d'ba?" 

Malakas siyang bumuga ng hangin at puno ng frustasyon siyang nag padyak. "Ano satingin niyo pwede kong gawin? Hintayin ko na lang sila na makaalala o sabihn ko na sakanila lahat ang totoo?" 

Sumubo ng ubas si Matthew saka nag dekwatrong upo. "For me sabihin mo na lang sakanila. For sure magugulat pa sila o maguguluhan pero sigurado ako pag sinabi mo 'yun bigla na nila maalala 'yun." 

Tinanguan niya si Matthew at tiningala ang lola niya. "How about you, lola?" 

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Gano'n din ang suhestyon ko katulad kay Matthew." 

Malakas na bumuntong hininga ang dalaga at tumango na lamang. Tumitig siya sa puting kisame at hnulog ang sarili sa malalim na pag-iisip. 

Ngayon ay kailangan niya ng magplano upang sabihin sakanilang tatlo. Kailangan niyang humanap ng tyempo kung kailan pwede niyang sabihin ang lahat. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Tara sparing tayo!" pang-hahamon ni Joan sa isa niyang classmate kaya agad itong tumayo. 

Napailing na lang si Zephire saka hinila si Joan sa tabi niya ng umamba ang hinamon nito. 

"Mamaya na lang kayo mag sparing, natutulog 'yung tatlong itlog," nakangiwi niyang sabi. 

Nakadukdok silang tatlo sa lamesa na animo'y pagod na pagod. May ginawa raw kasi silang mahalagang bagay kahapon kaya konting oras lang ang tulog nila. 

"Edi doon kami sa labas!" pagpupumilit pa ni Joan. Agad namang sumang-ayon ang hinamon niya. Hindi niya na pinigilan ang dalawa dahil mukhang gusto nilang magpapawis. 

Pinagpatuloy na lamang ni Zephire ang activity na pinapagawa sakanila. Tapos niya na sakaniya ang kay Azriel na lang ang ginagawa niya. 

Pero agad din siyang napatigil sa pagsasagot ng marinig niya nag mahinang ungol ng tatlo. Ang ungol na iyon ay para silang nahihirapan kaya agad niyang nilingon ang tatlo. 

Kumunot ang noo niya ng makitang pinagpapawisan ang mga ito at kunot na kunot ang mga noo. Sabay-sabay pa silang humihinga ng mabigat kaya agad niyang ginalaw ang mga balikat nila. 

"Azriel, gising," malumanay niyang sabi habang niyuyogyog ang balikat niya. 

Ilang beses niya pang tinatawag ang tatlo habang niyuyogyog bago sila sabay-sabay magising. Hinahabol nila ang mga hininga nila habang nakahawak sa dibdib nila. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Where stories live. Discover now