Chapter 20

16 1 0
                                    

C H A P T E R 2 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Dahil 'nga lima silang lahat ay may tig-iisa silang lahat na mga topic. Pero isa lang ang taong mag rereport sa buong klase. 

"Si Joan na lang reporter natin," seryosong sabi ni Zephire dahilan para panlakihan siya ng mata ni Joan. 

"Anong ako!? Puta bulol-bulol ako magbasa!" inis na sigaw niya. 

"Basahin mo sa'amin 'yang nagawa mo," seryosong sabi naman ni Jaxsen at humigop ng kape niya. 

Napanguso na lamang si Joan dahil alam niyang hindi ito makakapalag kapag si Jaxsen ang nagseryoso. 

Nilahad niya ang kamay sa hita ni Jaxsen kaya agad nakipag apir sakaniya si Jaxsen ng palihim. 

"Good job," nakangisi niyang bulong. 

"My pleasure, Ms, Zephire." 

At walang ka hirap-hirap na nagawa nilang leader si Joan dahil sa kaseryosohan ni Jaxsen. Kaya buong araw lang na naka simangot si Joan at masama ang loob habang ginagawa ang topic niya. 

"Natapos din, punyeta," sabi ni Zephire habang nag-uunat. Ganu'n din ang ginawa ni Jaxsen ng matapos siya. 

"Edi sana lahat," nakangusong sabi nila Willie at Joan. 

Mahinang natawa ang dalaga at agad nilingon si Azriel. Kumunot ang noo niya ng nasa kalahati pa lamang si Azriel sa ginagawa niya. 

"Ang akala ko ikaw mauunang matatapos," nakangising sabi niya at tinignan ang phone niya. 

"I thought so too," he said seriously.

Tinapik niya ang balikat nito saka ang ulo niya. "Bawi ka bukas." 

Inayos niya na ang mga gamit niya at agad na tumayo, dahilan para mapalingon sakaniya ang apat. 

"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Willie. 

Sinuot niya muna ang jacket niya saka inayos ang buhok na nagulo. "May trabaho pa ko. bye!" 

Hindi niya na naman hinintay na makasagot ang mga ito at mabilis na tumakbo. Ma la-late na siya sa trabaho, sana lang ay makaabot siya sa tamang oras dahil baka bawasan siya bigla ng sahod. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Buti naka-abot ka," mariin na sabi ni Matthew habang nagluluto. Tumango na lamang ang dalaga at agad sinerve ang mga pagkain sa iba't-ibang table. 

Fortunately, no problems occurred, she finished her work smoothly. She went out to the resto to breathe fresh air.

Tumitig lamang ang dalaga sa madilim ngunit puno ng bituwin na langit. Tahimik lang siya doon ng biglang may bumangga sa balikat niya. 

"Lasing ampota," inis niyang bulong ng makitang matandang lasing lang pala iyon. 

"Sorry miss!" nakangiting baliw nito sabi at pa gewang-gewang pang lumakad. 

Napailing na lang ang dalaga at tumitig na lang muli sa madilim na kalangitan. Kailan kaya siya magiging isa sa mga bituin!?

Crazy Little Things (Little Series #3)Where stories live. Discover now