#FS2

16.5K 502 171
                                    

#FS2

I hit his arm after seconds of shock. "Did you even brush your teeth, huh!"

He laughed.

"Of course. I took a bath before coming here. Calm down. I'm clean, woman!"

"Even so! That's gross!" I scrunched my nose in disgust.

Umawang ang labi niya habang nakatingin sa akin at parang nainsulto na may pagtatampo. Natatawa ako pero pinipigilan ko kaya kunwaring nagtakip ako ng ilong ko.

Mabango siya at malinis talaga. His breath usually smells mint as if he chewed a gum or something. Palagi siyang mukhang fresh kahit pa pagod mula sa gig or school. I didn't know how he could do that. Also, I wasn't grossed out by what he did. I just didn't expect he'd do that. Mandidiri ako kung hindi ko kilala ang bawat sulok niya kaso madalas naman kaming maghalikan at mag-make out.

Kaya ano pang bago roon?

Kinurot niya ang ilong ko kaya napasunod ang mukha ko sa paghila niya. He planted few tight kisses on my lips then chuckled.

"Selan mo na po, ah!"

Humagalpak ako sa tawa dahil sa accent niya kapag nagta-Tagalog. Hindi ko talaga mapigilang matuwa at matawa roon. He sounds manly in a cute way whenever he speaks Tagalog. It's adorable that I can't get over with. I want him to talk like that.

"You're so cute! Keep talking like that!"

He tickled my waist.

"Babe!" I warned while squirming, but he didn't stop. "Stop! Hesperus! Hesperus Wolfe!"

He groaned and stopped abruplty. Tumawa ako at inayos ang damit kong nagulo. Nasulyapan ko siyang matalim ang tingin at nakabusangot.

"It suits you, blue eyes like a wolf!" pang-asar ko sabay dila.

Ayaw na ayaw niya ang second name niya dahil galing sa daddy niya. And we know that he hates his father even when they look exactly the same. Mas pinaguwapong version lang si Hesperus dahil asul ang mga mata habang ang kay Mr. Delacerde ay kulay abo. Siguradong sa mommy nila nakuha ang asul na mga mata. All in all, he's the younger version of his dad with different eye color.

"You meanie! That's ugly!"

I smiled while staring at his handsome face. "Where are you planning to bring me, though? Dito lang tayo?"

Hesperus is such a hot guy-he's also smart, witty and talented. He can sing, play different instruments and cook. What do you expect from an independent man like him?

Noon pa lang alam kong hindi siya umaasa sa daddy niya kahit madalas kong marinig kay Henrika na pinapauwi ni Mr. Delacerde si Hesperus sa kanila para mas makapag-focus sa pag-aaral. He still chose to be alone in his condo because Mr. Delacerde didn't like his hobby. Iyong pagbabanda kasi ay parang ginawang buhay ni Hesperus. Mas madalas pa siyang pumunta sa gigs kaysa ang pumasok sa klase.

He was an educ student, and he dropped it this year because he loved playing in the band. Bukod sa gigs, hindi ko alam kung ano pa ang source of income niya.

Sa bagay, iyong condo niya ay hindi naman na binabayaran dahil regalo sa kanya ng auntie niya at iyong sasakyan niya ay galing sa daddy niya. Wala naman siyang ibang iniisip na bayarin kundi ang pangkain lang sa araw-araw dahil hindi na nga siya umuuwi kina Mr. Delacerde.

Hesperus didn't tell me where we are going. He just drove away from our village.

"Have you visited your home?" I asked. "Nagkita na kayo ni Henri kanina?"

"Yeah. We went out and I let her drove my car around the village."

"Really?! Marunong na siya?"

Baka tinuruan siya noong boyfriend niya sa America? Marami na nakuwento sa akin si Henri kagabi tungkol kay Colin at nakakatuwa namang masaya si Henri sa kanya at sa kanilang relasyon ngayon. He seemed like a good guy from what I've heard about him.

Epicenter Tape #4: Faded SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon