#FS3

8.6K 331 115
                                    

#FS3

The weeks continued rolling. Hesperus and I were still in the no-label kind of thing. Hindi ko na lang inisip iyong sitwasyon dahil masaya naman ako sa kung anong mayroon lang kaming dalawa at 'yon ang mahalaga sa buhay.

I sighed heavily. I raised my hands to feel the air while Henri was driving. We're currently having a great time driving around the village today. Binibida niya iyong driving skills niya.

She's really adorable and I love her for treating me like I'm an all-in-one human being. Her bestie and sister. Wala naman kasi akong kapatid na babae kaya pabor sa akin iyon. Ang mga Alarcon namang babae ay may kaniya-kaniyang circle at hindi nila ako ganoon kagustong kasama except kay Brigdette, kaso busy naman sa boyfriend niya ngayon. Kaya si Henri ang madalas kong kasama.

"Whoa-hoo!" Henrika was screaming. She seemed so happy.

I laughed with her and enjoyed the ride.

Ayaw ko nang kalungkutan. Maikli lang ang buhay kaya gusto ko ay palagi lang masaya. 

"Hey, Brookey! Are you enjoying this?!" she shouted her question.

"Yeah!"

"You wanna drive naman?!"

"No. I'm fine. Just be a little careful. Maraming humps!"

Minsan kasi hindi niya napapansin ang humps. Hindi pa sanay masyado.

"I know. I know!" She laughed. "Anyways, do you wanna watch a gig? You know Hesper has a band and they're playing in Isla Verde most of the time."

Kumunot ang noo ko at medyo nag-alangan sumagot.

"Marunong na ako mag-drive. Sunduin na lang kita if ever may gig siya na alam ko ang sched! Masaya 'yon, Brooke! May mga guwapo rin siyang friends na mababait daw kaya malay mo, biglang mawala sa isip mo 'yong F-buddy mo!"

Natawa ako. Hindi niya alam na kapatid niya iyong tinatawag niya sa ganoong term at minsan nga ay a-hole pa.

I smiled at the thought of Hesperus. Looking at Henrika makes me remember him. Hindi ko nga lang sigurado kung anong ibig sabihin ng ngiti ko ngayon.

Honestly, I don't wanna ask for more because I know that he's not very serious about me. About us. I know my place and I don't wanna be demanding. I grew up without demanding for the things I wanted in life. It'd be a shame for someone like me.

A week ago, I'd admitted to myself that I like him and I somehow want a serious thing. But it wouldn't be enough to sacrifice my pride for something temporary, for something I could find anywhere without begging for it.

Lalaki lang 'yan. Ang dami niyan kahit saan.

That's my reminder every time I think about my feelings for him.

Lumipas pa ang ilang linggo. Medyo iniwas ko na lang ang sarili kay Hesperus. Busy rin siya sa buhay niya at tinatawagan lang ako kapag may libreng oras o kaya miss "daw" niya ako. Mabuti na lang naaaliw rin ako sa pag-wo-workout at pag-aaral. Hindi ko siya masyadong naiisip sa buong araw, sa gabi na lang.

"Hi, Brooke!" bati sa akin ng isang kaibigan nina Zarjiel na hindi ko agad napansin sa pagdaan ko kaya nilingon ko uli.

He's from Laguna, I think, and I forgot his name but it starts with the letter N.

Nike? What?! Who would name their child like that, Brooke! Niko? Gosh. I'm not so sure but it sounds like it!

I flashed a smile when he stepped closer. "Hey, uh..."

"Nycon," pakilala niya sabay ngiti. "You don't remember my name for sure."

Oh! He was the Nycon who tried to court me back then. Now I remembered. May best friend pa nga siyang pumorma rin sa akin noong na-basted ko siya. Parang sinubukan lang din kung papasa. I dumped them both, though. Ang dami kasing red flags na sinabi sa akin ni Zarjiel tungkol sa mga friends niya.

Epicenter Tape #4: Faded SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon