OREO 30

174 10 3
                                    

Chapter 30

BAGO UMUWE SA BAHAY AY NAGYAYANG kumain sa labas si Amber at ayaw pang umuwe ng dalaga. Kaya naman sinamahan ko ang bruha. Nagtext naman ako kay Hansel na hindi makakauwe ng maaga dahil nagyaya si Amber kumain sa labas. At para alam ng pamilya ko at hindi mag-alala kung bakit hindi pa ako umuuwe.

Pinapayagan naman ako ni mama basta wag lang ako masyado magpapagabi sa labas dahil babae daw ako. Masyadong strict ang mama ko lalo na si papa no'ng nabubuhay pa ito. Kaya palagi kami nasa bahay no'n at hindi nakakalabas kapag sinabi ni papa.

Kasalukuyan nandito kami ngayun sa mang-inasal ni Amber at omoorder ng pagkain.

" Yun lang po maam?" Tanong ng kahera.

Nakangiti akong tumango saka inabot na ni Amber ang bayad sa kahera.

" Wait na lang po maam. In 30mins po." Ani ng babae saka inabot ang sukli kay Amber.

" Sige salamat." Sabi ko saka hinila si Amber para maghanap ng pwesto. Medyo maraming tao ngayun pero may pwesto pa naman kahit papano. At nakahanap kami agad ng pwesto ni Amber malapit sa salamin ng mang inasal at kita ang mga tao sa labas. Mabilis kaming umupo sa pang apatan na upuan.

Abala si Amber sa cellphone nito habang ako naman ay nakatingin lang sa labas habang inaantay ang order namin na dumating.

At habang abala ako kakatingin sa labas ng store ay biglang may humintong lalake sa harapan ko at tumayo doon. Natigilan naman ako kasabay ng pagbilis ng puso ko. Kumabog ang puso ko at napuno ng saya ang puso ko ng makita ko ulet siya. Kahit nakatalikod si Raikko ay kilalang-kilala ko ang pangangatawan nito dahil sa bukod na may tungkod ang binata ay malaki ang pangangatawan nito.

" Huy! Okey ka lang? Bakit umiiyak ka diyan?"

Natigilan si Oreo ng marinig ang boses ng kaibigan at sinapo ng kamay ang pisngi at nagulat ako dahil may luha nga. Lumuluha na pala ako ay hindi ko pa alam. Miss kona kasi si Raikko kaya siguro napaiyak ako.

Umiwas ako ng tingin sa kaibigan saka pinunasan ang luha sa mata at pisngi.

" Wala. Naaawa lang ako kay kuya." Sabi ko saka tumingin kay Raikko habang nakatalikod sa kanila.

" Naaawa ka diyan? Laki-laki ng katawan." Sarkatikong sagot naman ni Amber kasabay ng pag-ismid.

" Bulag kaya siya." Sambit ko sa mahinang boses habang nakatingin parin sa binata. Hindi kona alintana ang mga tingin ng kaibigan.

" Bakit parang concern ka sa kanya? Kilala mo ba siya?"

Mabilis akong napalingon sa kaibigan saka napatitig. Hindi ako nakapagsalita agad at nakatingin lang sa kanya. Hindi ko kasi alam kung sasabihi ko ba sa kanya ey.

" Huy! Ano na? Tulaley lang ang peg teh?" Pumitik si Amber kaya napakurap-kurap ulet ako ng mga mata saka bumaling sa salamin na dingding at nagulat dahil wala na doon si Raikko.

" Hindi. Pero suki namin siya." Baling ko sa kanya saka binalik ang tingin sa salamin na dingding. Ayaw kung makita ng kaibigan ang lungkot sa mukha ko.

" Bakit parang ang lungkot mo? Ano bang nangyayare sayo?" Usisa ni Amber sakin habang nakatitig sakin.

" Wala." Tipid kung sagot sa kaibigan.

Magtatanong pa sana si Amber sakin. Kaya lang ay dumating na ang order naming dalawa. Kaya naman nanahimik na rin ang bruha. Tsismosa pa naman 'to, mamaya ay magkwento pa ito sa dalawa pa naming kaibigan at kulitin.

Tahimik kaming kumain ni Amber habang abala ang kaibigan sa cellphone nito. Hindi ito nagsasalita at ganoon 'din ako dahil wala naman akong ikukwento dito. Anong ikukwento ko? About sa palengke? Paulet-ulet na lang.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now