OREO 46

129 7 0
                                    

Chapter 46

Ask Lang po, saan kaya pwede i-post ang gawa ko para naman po may maka-basang iba.
HeLp me pLease? 😁




PASARA NA SI OREO NG MAULINIGAN ko ang mga boses ng kaibigan ko mula sa malayo. Katulad ng dati ay maiingay na naman sila habang pumupunta sila dito sa palengke. Kaya naman ay pinagtitinginan sila ng mga tao sa paligid. Akala mo palagi na lang may kaaway ang mga ito kung mag-usap. Dinaig pa ang mga palengkera sa palengke kung mag-usap. Hindi naman sila palengkera pero sadyang maiingay lang ang mga ito kapag nagkakasama-sama. Gano'n naman kami kapag magkakasama. At pinaka-maingay samin si Sofia na subrang lakas ng boses. Akala mo gustong marinig ng mga tao ang boses niya.

At hindi ko rin alam kung bakit andito na naman sila, samantalang nandito sila kahapon para makigulo samin ni Raikko. Hindi ko sila tinawagan o tenext para damayan ako sa pagdadalamhati ko ngayun tapos andito na naman sila. Ayaw ko kasi ng kausap at mas gusto kung mapag-isa kapag malungkot ako dahil ayaw kung tinatanong ako about samin ni Raikko. Mas lalo lang kasi ako maiiyak kapag kinakausap nila, pakiramdam ko kasi para akong inaapi.

Ayaw kona rin umiyak at lumuha kasi kanina pa ako umiiyak simula ng umalis ang binata. Namamaga na nga ang mga mata ko kakaiyak at sumasakit na rin ang lalamunan ko sa pagpipigil ng hikbi dahil ayaw ko mapansin ng mga tao kapag umiiyak ako. Marami pa namang marites sa palengke at tatanungin ka kung bakit namamaga ang mga mata ko. Hindi pa naman ako sanay na napapansin ng ibang tao.

Pinipilit ko rin magtinda kahit masama ang pakiramdam ko kasi kailangan kung maghanap buhay para may mauwe akong pera samin. Hirap mang kumilos dahil may dinaramdam ay pinipilit kona lang.

Parang ang hirap kumilos kapag may pinagdadaan ka. Tipong ang bigat ng pakiramdam mo tapos bigla-bigla na lang tutulo luha mo kapag naaalala mo siya. Masakit, subrang sakit ng puso ko ngayun kapag naaalala ko ang pag-iwan sakin ni Raikko kanina. Hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan. Sinabi ko lang naman na napapagod na ako sa ka dramahan niya tapos iniwan na lang niya ako bigla. Alam ko may pinagdadaanan siya. At pinipilit ko naman siya unawain kahit nakakainis na dahil ang dami niyang issue sa buhay. Pero kahit anong gawin mong pang-unawa ay gano'n parin. Kasi kapag nakarinig siya na hindi angkop para sa kanya ay bigla bigla na lang siyang umaalis.

Gusto kung magalit sa kanya dahil sa pag-iwan niya sakin. Pero mas nangingibabaw sa puso ko na gusto ko parin siyang makita kesa magalit kasi namimiss ko agad siya. Kahit ilang oras palang kami hindi nagkikita pero miss na miss kona siya. At gusto ko sana siyang sundan pero natatakot naman ako dahil baka ipagtabuyan na naman niya ako katulad noon.

Kaya naman nanatili na lang ako sa tindahan kung babalik pa siya. Pero lumipas ang ilang oras ay walang bumabalik na Raikko kaya naman tinangap kona lang na baka nga hanggang dito na lang kaming dal'wa.

" Hi beshie." Bati sakin ng tatlo ng makalapit sila sakin.

Pero hindi ako umimik at patuloy lang ako sa pag-aayus ng paninda para makasara na saka makauwe. Gusto ko na kasing umuwe dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan ko kahit wala naman masyadong tao kanina. Mabuti na lang kasi wala talaga akong gana magtinda ngayun.

Tinulungan naman ako ni Amber sa pagsalansan ng mga magulay habang kinakausap ako. Samantalang si Jayda naman ay nakatayo lang habang nakatingin samin habang nakahalukipkip. Akala mo siya ang may ari ng tindahan.

MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon