OREO 39

118 5 0
                                    

Chapter 39

KANINA PA NAKAALIS SI HANSEL PARA PUMASOK SA SCHOOL. Kaya naman kaming dalawa na lang ulet ang natira sa tindahan ni Raikko. Hindi naman ako natatakot o kinakabahan na baka magsumbong ang kapatid ko dahil hindi naman matabil ang dila ni Hansel. Pwera na lang kay Waffer na matabil ang dila bukod doon ay sumbungera pa ang babaitang iyon kaya naman hindi ako nagtitiwala sa bunso namin. Baka isumbong pa ako sa mama ko at atakihin pa dahil sakin. High blood pa naman ang mama ko.

Mas gusto ko pa nga ang ugali ni Hansel kesa kay Waffer. Kaya naman mas close ako sa binata kesa sa bunso namin. Bata pa lang ay maldita na si Waffer dahil siguro sunod sa luho ang batang 'yun noong nabubuhay pa aking ama kaya ganito ang ugali niya.

Hindi kona lang pinapatulan at hinayaan na lang ang ugali nito. Pero kapag sumusubra na ito ay saka lang lumalabas ang sungay ko. Kilala naman ako ni Waffer kapag nagalit ako kaya tumatamik na siya kapag ako'y nagagalit.

Kapagkuwan ay pumasok ako sa loob para silipin si Raikko kung ano ang ginagawa nito. Sumilay ang ngiti sa aking labi ng makita kung natutulog ito sa may polding bed. Ganito naman ito kapag walang ginagawa sa tindahan natutulog talaga siya. Hindi ko kasi siya pinapatulong dahil baka may makakita samin. Marami pa namang marites sa palengke at baka pag-usapan lang kami at isumbong sa mama ko. Masaya ang pakiramdam ko ngayun dahil magkasundo agad ang kapatid ko at si Raikko. Wala akong nakikitang panghuhusga at inarte kay Hansel habang nakikipag-usap sa binata. Masaya pa nga'ng nakikipagkwentuhan ang kapatid ko sa binata at gano'n 'din naman si Raikko. Kuya pa ang tawag niya kay Raikko at natutuwa naman ito.

Masayang nagpapalitan ng masayang kwento ang dalawa habang nag-uusap kanina. Makikita ko rin sa itsura ni Raikko kanina na masaya talaga ito base sa kanyang itsura. Palaging may ngiti sa labi at tumatawa. Hindi katulad noon na walang kangiti-ngiti ang labi niya. Ang mga matang walang buhay at salubong lagi ang kilay. Pero ngayun ay nakakangiti na siya at nakakatawa. Maaliwalas na rin ang mukha ni Raikko ngayun.

" Magsasara kana ganda?" Napalingon ako sa nagsalita sa may gilid ko. Nasa may pintuan lang ako at hindi pumasok sa loob.

" Oo, alas dose na rin naman. At saka nagugutom na ako." Sabi ko na may ngiti sa labi.

" Tulungan na kita-"

" Wag na." Mabilis kung tanggi sa kanya. " Baka hanapin ka ng amo mo." Dagdag ko pa.

" Nah.. wala 'yun. Sige na tulungan na kita." Aniya na akmang kukunin ang mga gulay pero mabilis ko naman siyang inawat dahil baka makita niya si Raikko sa loob.

" Wag na. Okey lang."

" Sige ikaw bahala." Sambit nito na parang nadismaya.

" Salamat."

Kapagkuwan ay umalis na nga ang lalake bago ako nagsimulang magligpit.

Magsasara na ako dahil alas dose na ng tanghali. Mamaya na lang ulet ako magbubukas mga alas kwatro ng hapon. Wala naman kasing custumer kapag ganitong oras.

Nang matapos na sa pagliligpit ay pumasok na ako sa loob at nakita kung natutulog parin si Raikko. Dahan-dahan naman akong lumapit sa may kaha para kumuha ng pera. Bibili ako ng pagkain namin sa labas dahil naubos ang pagkain namin para sana sa tanghalian. Inubos lang naman ng magaling kung kapatid. Matakaw 'din ang batang iyon ey.

Nang makakuha ng pera sa kaha ay kinuha ko naman ang susi para ilock ang pinto at para walang magtangkang pumasok sa loob at baka makita pa si Raikko.

Naglakad na ako patungo sa labas ng palengke para bumili ng makakain namin ni Raikko. Hindi ako uuwe ng bahay ngayun dahil nagluto naman ako ng ulam kaninang umaga kaya dito na lang kami sa tindahan.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now