Chapter 7 Secret Garden

4 7 0
                                    


"Salamat sa pag papatuloy saakin sa bahay nyo" sinserong pasalamat nya saakin, ngumiti ako sakanya "Walang anuman, palagi kang welcome sa bahay noh" naka ngiti ko sayang niyakap, kumalas agad ako sakanya dahil may nakatingin saamin


Hinila ko ang kamay nya at nag madaling pumasok sa sasakyan nila
nagtataka nya akong tinigan


"Bakit mo ako hinila?" nagtataka nya akong tinanong, inaayos nya a seat belt nya bago ako nilingon

"Nothing, Baka malalate tayo sa school kaya hinila na kita" sagot ko at tumingin sa likod baka sakaling makikita ko pa ang lalaking iyon
ngunit pagtingin ko ay wala na ito kaya binalewala ko na lamang ito
siguro namamalik mata lang ako o sadyang praning lang


"Ay oo nga noh HAHA ngayon ko lang naalala na may pasok pa pala" tawa nito, kinuha nya ang cellphone nito sa mini bag nya at naki pag text sa boy-friend nya, natawa nalang ako dahil kanina pa ito ngi ngiti ngiting mag isa


Umayos ako ng upo, hinarap ko ang bintana para matanaw ko ang ganda ng paligid.. Sa tagal ko nang naninirahan dito ngayon ko lang napansin ang ganda ng paligid dito
palagi kasing sa harap o sa baba lang ako nakatingin at hindi ko ito pina pansin dahil naka tuon lang talaga ako sa harap


Nakarating na kami sa bahay nila ay nag madali itong pumasok sa bahay nila at umakyat sa kwarto nito, hindi inalintana ang pag bow ng mga maid nila.. Mag bo bow rin sana sila saakin ngunit pinigilan ko ito
ngumiti sila saakin kaya nguniti rin ako pabalik


Narinig ko pang bumulong ang mga ito bago ako tuluyang makalayo sakanila


"Grabe ang bait talaga ni ma'am Audrey" narinig kong puri saakin ng isa sa mga maid nila


"Mabait naman si young lady ahh, pero tama ka mabait sya hindi gaya ng mga nakaibigan ni young lady noon, mga mata pobre" pag sang-ayon ng isa pang maid, umalis na sila para mag linis at mag impake ng mga hindi na kaylangang gamit  dito sa mansion



Umakyat na ako sa engrandeng hagdan nila at pumasok sa kulay orange na may halong kulay crema
Pagkapasok mo ay bubungad sayo ang malaki at malawak na kwarto
sa gitna ay ang queen size bed, sa gilid nito ay may lampshade, sa harap naman nito ay may malaking flat screen t.v na may kasamang sofa




Sa pinaka gilid ay nandoon ang bintana na hugis bilog, may pahabang sofa doon para matanaw mo ang view sa ibaba



Nagulat ako ng biglang lumabas si venice sa c.r para kumuha ng damit sa walk in closet nya, pag binuksan mo ang pintuan doon ay makikita mong maraming iba't ibang dress, gowns, bag, shoes, jewelry at iba pa



Nang naka pag palit na sya ay nag blower muna sya at kinulot ang kanyang buhok, tumingin sya saakin
"Gusto mo itry? " alok nya saakin ngunit tinanggihan ko ito, hindi sa ayaw ko pero hindi ako sanay sa mga ganyan unlike her na sanay na sanay




"Halika na, it's already 7:50 am" bumaba na kami, pinahanda nya ang masasakyan namin dahil hindi pa sya fully marunong mag drive, minsan tina takas nya yung kotse nya para mag walwal



Nang makarating na kami ay dumiretso kami sa parking lot
"Manong, pwedeng mag hintay nalang kayo dito?" tanong nya sa driver nya, tumango laman ito bilang pag sang ayon



Naglakad na kami hanggang sa marating namin ang room

"Good morning venice!"

"you're so ganda venice!"

"Mary me babe!"


Yan mga sigawan sa loob, nasa pintuan palang kasi siya, nginitin nya ang nga ito at nag lakad patungo sa upuan nya..sumunod ako sakanya papunta sa upuan

Unexpected Identity (WHO AM I) (Ongoing) Where stories live. Discover now