Chapter 12

1 1 0
                                    

Gumising ako ng maaga para mag saing at mag luto ng agahan para samin ni mama. Ang niluluto ko ay apat na hotdog, isang itlog at nag templa ng gatas para saming dalawa ni mama.


Umuwi ng maaga si venice ng hindi nag papaalam kayat tinext ko nalang sya at binati ng magandang umaga pagkatapos ay ginising ko na si mama para mag umagahan


Pagkatapos kong kumain ay nag madali akong pumasok sa kwarto para maligo at mag bihis


Hinalikan ko muna si mama sa pisngi bago ako umalis papunta sa hintayan ng jeep

Nasa sakayan na ako ng jeep at naka upo ako ngayon, nakatingin sa bintana, tatlo palang kami na naka upo at wala pa masyadong tao kasi maaga pa dahil 5:25 palang ng  umaga.


Dahil sa biglaang pag liko ng driver ay.........natumba ako at nag pagulong gulong buti nalang ay napa kapit ako sa katabi ko na ngayon ay tawa ng tawa kasama ang kaibigan nya yata (Btw ganyan nangyari kay author ngayon kaya dinamay na nya ako, eto sya ngayon sinusulat ako)

Nakita ko naman na nilingon ako ng driver at tinanong kung ayos lang ako, tumango ako bilang pag sagot pero hindi nakatakas sa aking paningin ang pag pipigil ng tawa kasama angg kanyang katabi na lalaki. Pinag patuloy nya ang pag d-drive at hindi ko na sya binigyang pansin


"Sorry po" pang hihingi ko ng paumanhin sa aking katabi na ngayon tawa parin ng tawa, palihim ko silang inirapan at pinag sasalita ng kung ano ano na para pang kinu kulam ko sila Haha joke


Nakakahiya yung ginawa ko kainis! Isama pa yung driver bwisit!.. Bad trip akong bumaba ng jeep hanggang sa maka pasok sa room


Padabog akong umupo at pinikit ko ang mga mata ko dahil inaantok pa ako ngunit bigla namang may pumitik sa noo ko kaya tinignan ko ng masama kung sino ang may gawa nun at nakita ko naman syang tawa ng tawa


"Hoyy! Burdagul kahit ngayon lang tumigil ka nga sa pang iinis saakin, bad trip ako ngayon" malamig kong saad sa kanya, hindi sya umimik kaya tumayo nalang sya para salubungin ang barkada nya at naki pag apir


Tinungo ko nalang ulo ko sa arm chair at pinikit ang mata, narinig ko ang boses ni venice na karatating lang dahil narinig ko ang pag upo nya


"Drake Aiden wag na wag mong iinisin si Audrey kulang yan sa tulog, mag kaka black eye ka ng walang oras nyan HAHAHA" babala ni venice kay aiden sabay halakhak ng malakas, narinig ko naman na napa tss si aiden kaya inangat ko nalang ang ulo ko dahil nasira na ang tulog ko sa ingay nila o niya


"Venice libre mo ako ng fries mamaya" bagot kong saad kay venice kaya tumango ito biglang pag sang ayon. Narinig ko pang may binulong sya sa mag kakaibigan.


"May chuckie ba kayo dyan kahit yung Normal size lang" tanong nya sa mga mag kakaibigan, lahat sila umiling buti nalang ay sumagot si William


"Yeah meron kaso nasa room namin  yun ehh, bakit mo natanong?" sagot nya sabay tanong, lumingon ako sa kanilang gawi at tumingin ng deretso kay venice

"Ahh ehh kasi yan yung paborito ni audrey na inumin actually yung chuckie kasi ang stress reliever nya ha ha " nag aalangan sya kung sasagutin nya ang tanong ni William pero sinagot niya rin naman sa huli.

"Weird right?" sambit ni venice kay William "Yeah"

" Parang bata" bulong ni aiden sa sarili ngunit rinig naman namin. Palihim ko syang sinulyapan at tinignan ng masama ngunit inirapan nya lamang ako


Well sabihin nyo ng isip bata ako, paborito ko kasi ang inumin na iyon lalo na yung fries, sabihin nalang natin na yun yung pampawala ng galit o inis ko. Weird right? I know


Unexpected Identity (WHO AM I) (Ongoing) Where stories live. Discover now