Chapter 13 Nightmare

0 1 0
                                    

Audrey's Pov


"Alam ko ginagawa ko dude wag mo kasi ako pangunahan.... Ohh come on alam mo naman na hindi ako aabot sa ganyan..... Wala ka bang tiwala saakin?.... Ehh yun naman pala eh.... Oo na oo na i love you byee" sabi ko sabay pinatay yung tawag

Dahil sa mga narinig ng katabi ko ay walang hangganan ang panunukso saakin kung sino yung kausap ko

"Yieeee may jowabels na yung kaibigan kong bitter yieeeeee" panunukso saakin ni venice na siyang ikina mula ng aking pisngi. Binatukan ko siya bago nag salita

"P-pinag sasasabi mo diyan parang tanga" suway ko sa katabi ko na ngayoy tawa ng tawa at ako naman ay namumula parin

"Tumigil ka nga diyan! Nag pra practice lang ako noh!" dugtong ko sa sasabihin ko. Pinulot ko ang notebooks na nagkalat sa sahig at binalik sa bag ko. Nag advance reading kasi kami dahil para alam na namin ang isasagot sa professor eh palaging tanong ng tanong pa naman yun

" Alam ko-HHAHAHAH- tsaka nag bibiro lang naman ako alam mo na para ready na me para alam ko na ang pang inis ko sayo HAHA kaylan ka ba kasi mag kaka jowa" saad ni venice habang nag susuklay ng buhok sa harap ng salamin. Tumayo ako para tulungan siyang suklayin ang mahaba niyang buhok

"Tsee wala munang jowa jowa istorbo lang yan sa pag aaral at isa pa paiiyakin ka rin lang naman nila kaya bakit pa ako mag hahanap ng jowa" sagot ko sa kanyang tanong.



"Kahit kaylan ang bitter mo talaga ka. Makakahanap karin ng tamang lalaki na hindi ka papaiyakin at aalagaan ka ng husto" sambit niya at pabiro akong hinampas sa braso. Nag palit kami ng puwesto at siya naman ang nag susuklay sa buhok ko

"Tssss" yan lang ang naisagot ko sa sinabi niya.


"Tss ka ng tss ano ka ahas? Hindi bagay sayo maging ahas beh mas bet ko pa kung magiging tigre ka nalang" biro niya saakin habang sinu suklayan ang maikli kong buhok. Normal na samin ang mag suklayan ng buhok dahil parang kapatid narin ang turing namin sa isat isa

"Matulog na tayo maaga pa tayo gigising bukas" saad ko. Tumayo ako at nagtungo sa higaan habang inaayos ko ang higaan namin ay hindi ko maiwasan mairita sa kasama ko

"Of course kumain na ako. Ikaw kain kana rin" malambing nyang sambit sa kanyang kausap

"Bakit nag iiba ang boses mo kapag kausap mo yang lalaki nayan" inis kong sambit habang sarcastic na tuma tawa. Inis niya akong binatukan na mas lalong ikina tawa ko 

Inis niyang nilayo ang kanyang cellphone at sinabing "Kuwang kang maingay diyan kundi kukutusin kita" banta niya saakin sabay taas ng kanyang kamao kaya napa taas ang dalawang kamay ko bilang pag suko

"Tulog na tayo" sabi ko sakanya at nahiga na. Nakita kong pinatay niya  ang tawag at ang ilaw. Nahiga narin siya sa aking tabi. Ipipikit ko na sana ang aking mata ngunit bigla akong tumayo. Nagulat naman ang katabi ko kaya tinanong niya ako

"Anong problema mo uyy? , akala ko ba matutulog na tayo?" kunot noong tanong niya saakin. Umiling ako bago nag salita

"Wala tulog ka nalang ulit hehe. May nakalimutan lang" sagot ko hinayaan ko nalang siya at lumapit sa drawer ko at may kinuha dun bago ako nag tungo sa kusina

Pagka tapos kong ininom yung puti at maliit na iyon ay dumiretso na ako sa kwarto. Itinago ko muna yung kinuha ko kanina at nahiga na sa kama

Pagka gising ko, nilibot ko ang paningin ko at napansin kong wala si venice sa aking tabi. Tumayo ako at inayos ang pinag higaan ko bago lumabas sa kwarto. Pumunta ako sa kusina dahil naririnig kong may nag luluto akala ko si venice iyon ngunit mali pala ang hinala ko

Unexpected Identity (WHO AM I) (Ongoing) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum