5

4 0 0
                                    

Okay so... First day ngayon and to be honest I'm pretty nervous. Sino ba namang di kakabahan kung ang gaganda at ang popogi ng mga klasmeyt ko.

Ano yun dapat lahat istitik. Bat pa ba kasi ako nagprivate school. Huhu. Nahahighlight pagiging slapsoil ko.

Anyways, attendance na and natawag na ako at buti naman wala akong ginawang katangahan. Last person na pero wala pa ring sumasagot. First day absent siguro to.

"Ma'am! Sorry We got caught up in traffic"
May pumasok na lalaki. Matangkad, chinito, at mahaba haba rin yung hair. In fairness pogi siya ha.

Di ko narealize na nakatitig na pala ako kung di lang ako kinalabit ng nasa likod ko. Tawag pala ako ni maam. Makakatabi ko raw si guy. At ako kinilig na nahiya kasi nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Kampante na ako kanina na wala akong katangahan na gagawin eh.

"Hi! I'm Andrei Jon. I'm a transferee so I hope we could be friends." Bigla namang salita ng katabi ko. Pero sheeeet ang pogi niya ng malapitan. Ang pogi ng boses mapapa i do father ka nalang talaga.

Pero inglishero wag na baka duguin pa ako dyan eh.

Nginiti ko na lang siya. Para naman di na ako mapahiya noh.

Pagkatapos nun ay nag-introduction na lang kami hanggang umabot na ng break time.

Tatayo na sana ako para pumunta ng canteen ng hawakan ni Andrei ang kamay ko. Kilig naman si ate ghorl niyo. Lambot ng kamay ha.

"Hey ummm.. can I come with you? I'm a little bit embarrassed to ask someone else eh. You were the first person I talked to so.."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang cute niya. Tinanguan ko na lang siya at naglakad na palabas. Nasa hallway na kami at grabe mga sis. Kung makatingin sila samin parang namang may dumaan na anghel. Well, to be honest totoo naman. I mean first time nila makikita tong si Andrei. And he's hella fine.

Kung gaano kalagkit ng tingin nila sa kanya ganon rin katalim ang titig nila sa akin. Like dude wala akong ginagawa dito tapos maggeglare kayo sa akin. Sinasamahan ko lang naman yung tao.

Nakarating na kami sa canteen at nagorder nadin. Mabilis din kami nakahanap ng mauupuan dahil wala namang gaanong tao.

Hanggang ngayon di pa rin kami nagkikibuan. Di ko kasi sure kung marunong bang magtagalog ito eh. Don't get me wrong kaya ko naman mag-english. Nahihiya lang talaga ako sa kanya.

Magsasalita na sana ako ng umubo siya ng peke.

"Ummm.. are you uncomfortable? I can leave if you want." Akmang aalis na sana siya kaya pinigilan ko. "No! It's fine. I'm just shy"

Relief was visible on his face when I said that. He sat back down and continued eating. Na o awkwardan na ako kaya I took the chance para tanungin siya.

"Hey, I just want to ask." Napatingin naman siya sa akin. Pero dzai yung titig niya nakakafall.

"Can you like understand or speak tagalog" tinanong ko para di na ko madistract sa tingin niya.

"Yes, nakakaintindi at salita rin ako. Mas comfortable lang talaga english sa akin."

Napatitig na lang ako at unti-unting napangiti. Ang cute ng tagalog niya. Halatang may lahi, may accent eh.

Tumango nalang ako. Kakain na ulit sana ako ng may maalala ako.

"Cleo Mae" napatingin siya ng may pagtataka sakin "Pangalan ko, baka kasi nakalimutan mo na eh" Pagexplain ko.

He chuckled and said something that made me blush so hard. " How could I forget such a beatiful name for a beautiful girl"

Sabi niya na may pasmerk pa. Tangina naman walang ganyan pards. Walang pakiligan.

After that scene ay umalis na kami, tapos naman na kami eh.

Nasa classroom na kami at as a normal classroom would look like ay maingay ito. Pumunta na kami sa upuan namin which is at the last row. Not to brag pero matangkad aketch.

Habang naghihintay sa prof namin ay itong katabi ko walang ibang ginawa kundi magkwento ng magkwento. Nabubulol pa minsan kung nagtatagalog. Napapangiti na lang ako ang cute niya like super.

Nakikinig lang ako sa kanya ng tumahimik ito bigla. Napatingin naman ako sa kanya. He was just looking at the front. Napatingin naman ako at nakatingin napala sa amin silang lahat. May mga nagpipicture pa eh.

"Yieeeeeee"
"Bagay kayo pramis"
"Shiiiiip"
"Respeto po sa mga single!"

Nahihiya naman akong napatungo. Gusto ko na silang patigilin pero tong katabi ko bigla nalang akong tinawana bwesit talaga. Di na sana to matatapos kung di lang talaga pumasok prof namin.

Kahit nagkaklase may mga napapatingin pa rin sa amin tapos bigla nalang kikiligin. Genon na ba sila kasingle na sa relasyon nalang sila ng iba kikiligin.

End of classes na ng may nagsend sa akin ng picture na classmate ko since last year na classmate ko ulit ngayon. Inopen ko naman yun agad aba malay ko kung importante ba yon.

But the content shocked me. It was photo of me and Andrei kanina. Nakangiti ako habang nagdodoodle meanwhile siya naman ay nakatingin sa akin habang nagkwekwento siya.

It looked like a child telling his mom about his crazy stories. Kinilig naman po akow. Sinong di kikiligin eh sa paraan ng pagtitig niya ay full of admiration. It just warms my heart.

Nasa labas na kami ng campus para maghintay. Yes, kasama ko pa rin po siya. Para ngang asong nakasunod lang sa amo niya.

Should I introduce him? Well he's Andrei Jon my boyfriend for 2 years and counting. He lost a bet kaya he has to act as if he doesn't know me. Pero wala talo ulit siya sa dare kanina pa ako nilalandi eh.

"Mal, can I get a kiss na?" Paglambing na naman niya sa akin. He's currently behind me while hugging me. Bale naka back hug siya sakin.

"Mal, you failed your dare. And you know what that means right? No kisses" hinarap ko na siya at nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang pisnge niya. He was visibly pouting.

He may seem childish but I love him still. It's just a sign na he's comfortable with me. Di kasi siya pala salita sa totoo lang. But I'm glad I made the first move and made his world colorful again.

----------------------------------------------------------------
Note: Sorry po if di pasado sa inyo fist time ko lang magsulat ng ganto eh. Open po ako for criticisms basta say it in a nice way po. Thank you.

:)
<3

Random Writing ShizzWhere stories live. Discover now