18

6.2K 147 44
                                    


"KAZUMY…" Halos lumuwa ang mata ni Kier nang makita niya ako. 

"Ang lupit pala ng ex mo na 'yan, kung sino-sino pala ang sinipingan. Iba't-iba ang laway na nakatikim sa kanya, ano 'yan? The more the merrier? " I slowly clap my hands as I walk towards them. "Now I'm doubting, anak nga ba talaga ni Kier ang dinadala mo?" I mean it baka mamaya hindi nga kay Kier ang dinadala ng babae na 'yan at gusto ko lang gulohin ang buhay mag-asawa ng dalawa.

"H'wag kang mangielam dito," malakas na bulyaw ni Shane sa akin.

Defensive 'yan?

"Mangingielam ako kung kailan ko gusto, pamilya ng pinsan ko ang sinisira mo baka nakakalimutan mo lang," Aba! Hindi naman ako papayag na sigaw-sigawan lang ako ng babaeng 'to.

"Wala akong sinisira,"

"Ah talaga? So anong purpose ng  pagpunta mo here na may dala-dalang ultrasound  at hinahanap si Kier, wala lang? Trip mo lang?" Pambubuska ko pa sa kanya.

"Ako ang unang minahal ni Kier, girlfriend niya ako at may anak kami."

"At asawa niya si Charity, kasal sila."

"Anong pakielam ko? Kasal lang naman sila,"

"Really? May gana ka talagang maliitin ang pagiging kasal nila? Sabagay, gawain 'yan ng mga desperadang kabit." Sarkastiko ko siya na nginitian.

"Hindi ako kabit, ako ang mahal ni Kier."

"Yuck,"  nilapitan ko si Kier at minasdan ko siya mula ulo hanggang paa. "Kier, hahanap ka na rin lang ng ipapalit mo kay Charity 'yon pang nilawayan na ng buong bansa."

"Kazumy tama na!" From my back, narinig ko ang sigaw ng pinsan ko. Mabilis ko siya na nilingon, shes with Harold. Marahan siya na lumalapit sa direksyon namin habang naka-alalay sa kanya si Harold  "Tama na, bumalik na tayo sa loob. Wala na naman tayong magagawa kahit magalit ka pa o magwala. May bata na sa sinapupunan niya," nakita ko ba bumaling ang mga mata ng pinsan ko kay Shane. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa, ganon rin ang ginawa ni Shane bago ito nagsalita.

Meron din naman siya sa tiyan niya, hindi pa sure pero malakas ang kutob ko na meron nga.

"You must be Charity, the wife." Sarkastiko ang tono ng pananalita niya.

"Yes I'am," ngumiti lang si Charity. "And you must be Shane, the desperate ex." Mariin ang pagkakasabi niya sa mga salitang iyon dahilan para panlakihan ng mga mata si Shane.

"Anong sinabi mo?"

"Kailangan ko pa ba na ulitin?" I saw Charity steps  toward Shane. "Your name is Shane, the DESPERATE ex." She said without hesitation, emphasizing the word "desperate".

"Kilala mo ba ako? Kilala mo ba si Shane Sanchez na tinatawag mong desperate? Ako lang naman ang greatest love ng asawa mo,"

"Anong pakielam ko?" Kalmado ang boses ni Charity at pangiti-ngiti pa.

"Kayang-kaya ko siyang bawiin sa'yo," pagbabanta ni Shane.

"Go! The hell I care, he's not that worth it anyway. You can go have him," she then rolls her eyes. 

"Narinig mo ba 'yon? You can have him daw, kung 'di mo naiintindihan. I can translate it for you." Pambubuska ko pa at sinabayan ko ng hagalpak ng tawa.

"You can have him Shane," muling sambit ni Charity. "And about you my unfaithful husband, you can now pack your things ang leave my house. Wala ng dahilan para mag-stay ka sa bahay ko,"

"Charity mag-usap muna tayo," pagmamaka-awa ni Kier.

"Ayoko, pagod na ako. Magsama na kayo ni Shane, please. Hahayaan ko na kayo, sa korte na lang tayo mag-usap." Tinalikuran na siya ni Charity. "Ang gusto ko, pag-uwi ko mamaya. Wala ka na, wala na ang mga gamit mo. Wala na kahit isang bakas mo,"

THE PROFESSOR'S WIFE (COMPLETED/ UNDER REVISION)Where stories live. Discover now