21

7.1K 163 9
                                    


WARNING: R18 MATURED CONTENT. NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS.

--
MAGMULA ng pumunta ako dito sa kusina ay hindi ko na narinig pa ang boses niya, hindi rin siya sumunod. Halos thirty minutes na nga akong nandito sa kitchen at nagluluto pero wala pa rin akong nakikitang Kier. Nagtampo kaya siya? Or baka naman gusto niya lang mapag-isa but I won't blame him kung nagtampo nga siya.

Nakaka-inis namin kasi ang ginawa ko para ko siyang pinaasa.

Matapos ko na magsaing at magluto ng pagkain ay inihanda ko na ang dining table, nagtimpla na rin ako ng juice . 

"Kier luto na ang pagkain tara na!" Sigaw ko habang nag-lalagay ako ng kanin sa bowl. "Kier!" Muli kong pagtawag sa pangalan niya. "Nasaan na kaya ang lalaking 'yon?" Ani ko nang mailapag ko ang rice bowl sa dining table. Inalis ko ang apron na suot ko pati na ang kitchen gloves at iniwan ito sa end table na nasa dining area.

Nagtungo ako sa living room at nagbakasali na naroon siya but I'm wrong, walang Kier. Bukas ang television pero wala namang nanonood, umakyat rin ako sa kwarto namin ngunit wala rin siya roon kaya naman muli na akong bumaba.

"Nasaan na kaya siya?" Bulong ko sa sarili, naisipan ko na lumabas ng bahay at magtungo sa garden para hanapin siya. "Kier?" Muli kong pagtawag sa pangalan niya ngunit wala siya. Naisipan ko na magtungo na rin sa pool area  baka naroon siya  at nagpapahangin.

Hindi nga ako nabigo, he's really there. Nakaupo siya sa poolside habang nakalublob ang mga paa sa pool. Half naked siya at walang pang-itaas na suot. Maliwanag dito dahil sa ilaw na mula sa terrace kaya kitang-kita ko ang matipuno niyang katawan, nagtataka nga ako kung paano niya namemaintain ang fit body niya. Ang lakas-lakas niyang magkanin pero hindi siya tumataba but that's not the issue here.

Galit siyea, and thats the undeniable fact.

"Nandito ka lang pala," sambit ko habang naglalakad patungo sa pool area. Agad siya na nag-angat ng ulo at tinignan lang ako saka muling ibinalik ang mga tingin sa pool. "Kakain na tayo, nakapagluto na ako." Hindi siya sumagot, ni hindi rin niya ako tinignan. "Galit ka ba?" Muli ay hindi siya umimik, "Kier… Kier I'm talking to you."

He keeps on ignoring me kahit na naka-ilang tawag na ako sa pangalan niya, mukhang galit nga siya.

"Sorry…" mahinang sambit ko. "Do you need some space?" Hinintay ko ang sagot niya ngunit bigo ako. "Kumain ka na lang kung gusto mo, nakahanda na naman ang pagkain sa dining. Good night," wika ko bago ako bumalik sa loob ng bahay. 

Nang makapasok ako sa bahay ay agad na tinungo ko ang kusina at tinakpan ang kanin at ulam na naroroon bago ako umakyat patungo sa kwarto namin. Naglinis muna ako ng katawan, nag-toothbrush, at nagbihis ng pantulog. Isang puting shorts na malambot at puting tank sando ang isinuot ko. Pagkabihis ko ay agad ako na umakyat at humiga sa kama. Iniwan ko na nakabukas ang pinto, pumasok siya kung gusto niya.

Now I know the feeling of being ignored, my karma came so fast.

Sa sandaling oras  pa lang na hindi ko siya nakakasama ay hinanap ko na agad ang presensya niya. I must admit that I miss him. Bigla kong na-miss ang panunuyo niya, ang pangungulit niya.  I miss him. I long for him like the love sick moon pulls the tide. I miss him and I want to be with him.

I want to be with Kier.

"Wait— What?" Mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga. "Bakit ko naman siya ma-miss? Ano ba itong iniisip ko?" Napatampal ako sa sariling noo. "Ganito siguro kapag buntis," bulong ko sa sarili. "Yeah tama, buntis lang ako. Buntis lang ako kaya hinahanap ko ang presence niya."

THE PROFESSOR'S WIFE (COMPLETED/ UNDER REVISION)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora