26

6.8K 147 24
                                    


"I LOVE YOU and I'm going to risk and sacrifice everything just to be with you,"

"I love you and I'm going to risk and sacrifice everything just to be with you,"

"I love you and I'm going to risk and sacrifice everything just to be with you,"

"I love you and I'm going to risk and sacrifice everything just to be with you,"

Kagabi pa nagpe-play sa isipan ko ang mga kataga na binitiwan ni Kier noong nakaraang araw, ni hindi ako pinatulog nito at animo'y musika ito na nagpapaulit-ulit. Pasado alas-tres na ngunit heto pa rin ako, gising na gising ang diwa at mulat ang mga mata. Samantalang ang asawa ko ay nahihimbing na ng tulog at mukhang nananaginip pa.

Is this my karma? Is this my mind's way of making me realize that I'm wrong?

Oo na po, mali na ako. Mali ako sa part na inisip ko na ang paghihiwalay namin ang makakaresolba sa issue sa school. Mali ako sa part na binalak kong iwanan ang lalaking mahal ko at mas lalo akong mali sa part na-

Wait...

Ano ulit ang sinabi ko?

"Mali ako sa part na binalak kong iwanan ang lalaking mahal ko."

Mahal ko?

Sinabi ko ba na mahal ko siya?

Tama ba 'tong iniisip ko? Tama ba na sabihin ng isip ko na "mahal ko siya".

T-Teka...

Bakit ang lakas ng tibok ng dibdib ko? Dala na naman ba 'to ng pagbubuntis ko?

'Tong anak ko na 'to na talaga, lagi na lang akong pinag-iisip at pinaparamdaman ng kakaibang feeling sa ama niya. Mukhang baby pa lang siya pero alam na alam niya na ang kahinaan ko, ang ama niya. Maybe I'm just indenial but the truth is, I do really love him. I do really love Kier. I was just afraid to admit it to myself but the truth is, I had already fallen for him.

Mula sa pagkakatihaya ng higa ay tumagilid ako para humarap sa kanya, napangiti ako nang masiliyan ko ang gwapong mukha ng asawa ko. Hindi ko napigilan na haplusin ang pisngi niya pati na matangos niyang ilong na talagang nagpagwapo sa kanya.

"Mahal na mahal kita Kier," out of nowhere ay sambit ko kung kaya't mabilis kong natampal ang bibig ko. Narinig kaya niya? Sana naman ay hindi.

Tama hindi niya narinig, kumalma ka lamg Charity. Tulog siya, wala siyang narinig. Wala kang sinabi, inhale, exhale. Kalma na, kumalma ka na Charity.

Mabuti na hindi niya alam na mahal ko siya, mas maganda na ito. Hindi pa rin kasi nawawala sa isipan ko ang posibilidad na siya ang ama ng dinadala ni Shane, 'yon pa rin ang bumabagabag sa akin. Kaya kahit nga pagbubuntis ko ay itinatago ko muna para kung mapatunayan na siya nga ang ama at mas piliin niya si Shane over me. Ay madali akong makaka-alis, makakamove-on dahil kahit papaano ay may iniwan siyang remembrance.

"Mahal na mahal rin kita Charity,"

Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang baritonong tinig ni Kier, tinitigan ko nang maigi ang mukha niya. Nakapikit pa rin ang mga mata niya ngunit unti-unti ay iminulat niya ito kasabay ng pagkurba ng kanyang mga labi sa isang ngiti.

"K-Kier..."

"Oo narinig ko, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya nang sabihin mo ang mga kataha na 'yon. You made me the happiest, my wife."

He leans closer to me to claimed my lips for a second, it's just a short kiss pero parang tanga na naghurumintado ang dibdib ko. Hindi ako makapagsalita, ni hindi ko rin maigalaw ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay naistatwa ako sa kinahihigaan ko ngayon.

THE PROFESSOR'S WIFE (COMPLETED/ UNDER REVISION)Where stories live. Discover now