Chapter 1

3 1 0
                                    

Third person's POV

Iyan dapat ang mga napapala ng isang traydor na kaibigan. Masarap sa pakiramdam, hindi ba?

At kinakampihan mo pa talaga ang taong 'yan, Nic? 'Yan ang napapala sa mga katulad niya!

Sana hindi ka na namin kinaibigan pa.

F*ck you!! Liar!!

"Drew!" Humahangos na napabangon si Xenon mula sa pagkakahiga niya sa kama ngunit napahinga uli sa kaniyang kinahihigaan dahil naramdaman niya ang sakit sa kaniyang tiyan.

Napatitig siya sa kisame ng kuwartong kinabibilangan. Napanghap niya rin ang pamilyar na amoy na bumabalot sa silid at kalauna'y napagtanto niyang bumalik ulit siya sa ospital.

Unti-unting bumabalik ang kaniyang alaala ang mga nangyari sa Airport, kasunod ang pamumuo ng mga luha niya sa gilid ng kaniyang mga mata. Liban sa pisikal na sakit na nararamdaman niya ngayon, walang ibang maramdaman si Xenon kundi pagkawalay, pagkalito, at matinding hinagpis sa mga oras na 'yon.

"Mi hijo..."

Bumaling si Xenon sa gawing kanan niya at dumoble ang kalungkutan na nararamdaman niya nang nakita niya ang kaniyang Mama na luhaan at nakaluhod sa gilid niya.

"Nurse! Nurse, my son is awake! Get the doctor immediately!" Bulalas naman ng kaniyang Ama.

Agad namang tumalima ang nurse sa utos ng kaniyang ama at dali-daling lumabas sa silid. Lumapit sa kaniya ang Ama niya sa kabilang gilid.

"Anak... k-kumusta ang lagay mo? May kailangan ka ba? N-nauuhaw ka ba? Anong masakit sa 'yo?" Aligagang tanong ng Papa niya.

Tila'y masisiraan ng bait ang Papa niyang si Simon sa sinapit ng kaniyang anak. Salamtala, lugmok na lugmok ang puso ng Mama niyang si Lyra dahil nakikita niya ulit na nakahiga ang anak niya sa kama ng ospital sa pangatlong pagkakataon.

"M-ma... Pa... I need to see them. I-I need to apologize to them," luhaang sambit ni Xenon.

"Xenon, makinig ka sa 'kin," aniya ng Mama niya saka hinawakan ang kaniyang kamay, "magpagaling ka muna, ha? Pakiusap, magpalakas ka mu—"

"No!" Marahas na binawi ni Xenon ang kamay niya. "Gusto ko silang makita. I want know what happened to them after I was comatose for a year!"

"Anak—" hinawakan ng Papa niya ang kaniyang magkabipang balikat "—huminga ka muna ng malalim at tumahan. Ayaw namin ng Mama mo na nakikita kang ganya—"

Hindi matapos-tapos ang mga sasabihin sana ni Simon nang makita niya ang hinagpis at pagdurusa sa mga luhaang mata ng kaniyang anak.

"P-pa... pakiusap naman, oh. N-nagsusumamo ako sa inyo. Puntahan natin sina Drew..."

Napabitaw si Simon sa pagkakahawak ng balikat ng kaniyang anak at umiwas ng tingin dahil hindi niya kayang titigan ng matagal si Xenon na sukdulan nang lumuluha dala ng pagdurusa.

Tumigil ang lahat nang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor kasama ang dalawang nurse na nakasunod sa likod nito.

"Good morning po, Sir. I'm hear to check up your son."

Marahang tumango lamang si Simon at hinayaang lapitan ang kaniyang anak. Ilang sandali ang lumipas ay natapos na ang doktor pag-check up ng anak niya at agad na lumapit sa kaniya.

"Mr. Evankhelle, your son's physical status is normal and can be treated right away. However, he has been diagnosed to depression. Based on his current status, his mentality had been severely damaged due to what happened to him two days ago, but I'll give you some medicines and things that you have to do for his fast recovery. Excuse me." Agad na lumabas ng silid ang doktor matapos ang mahabang pagsalaysay niya sa ama ng pasyente.

Vivid MemoriesWhere stories live. Discover now