Chapter 2

8 1 0
                                    

Third Person's POV

LUHAANG lumalakad papalapit si Yiera sa kamang hinihigaan at pinagpapahingahan ni Xenon. Hindi niya inalintana na nahulog sa sahig ang bag niya. Kagaya ng mga magulang ni Xenon, abot-abot din ang kalungkutan nararamdaman Yiera ngayong nasa harapan na niya ang taong minamahal niya patago.

Makalipas ng ilang araw, kalat na sa buong paaralan ang nangyari kay Xenon kung kaya't nalaman ito ni Yiera. No'ng una, hindi siya makapaniwala na bumalik ulit si Xenon sa ospital. Todo ang pagtanggi niya sa mga kaibigan niyang nagsabi sa kaniya, hanggang sa tinawagan siya ni Cipher at sinabing nakaratay si Xenon sa higaan ng ospital. Doon siya tuluyang kinain ng matinding kaba at takot at dali-daling pumunta sa ospital.

Nakita niya ang mga magulang ni Xenon at hindi na niya napigilan na bumugso ang damdaming kanina niya pa pinipigilan. Hinatid siya ng mga magulang nito sa silid ni Xenon at iniwan siya sa silid bilang pagrespeto sa kanilang oras sa isa't isa.

"Xenon..." Napaupo si Yiera sa bakanteng silya sa gilid ng hinihigaan ni Xenon. "What happened? You don't deserve this kind of pain. Please, wake up, my love." Kinuha nito ang isang kamay ni Xenon at hinalik-halikan.

"I don't want you to be here. H-Hindi ko gustong makita ka na nagdurusa. Pakiusap, gumaling ka na," dagdag pa nito sa gitna ng kaniyang paghikbi.

Her heart was covered in excruciating pain, and the pain she's feeling fueled even more by the thought that she couldn't do anything to make him better. Right at the moment, all she could do was to sit right next to Xenon.

"Wala pang isang linggo magmula no'ng ma-discharge ka dito, heto ka na naman, nakaratay at nagpapahinga." Maingat na inilapag ni Yiera ang kamay ni Xenon sa kama at inabot ang pisnge nito saka dahan-dahang hinaplos. "Kung gaano kaamo at kainosente ang taglay ng mukha mo, taliwas naman ang mga nangyayari sa 'yo," bulong nito sa hangin.

"I wanna feel your warmth again. I want to hug you, shower you with so many kisses and spend more time with you. I have so many things that I wanna try with you. Please get well soon.. hmm?"

Patuloy na kinakausap ni Yiera si Xenon kahit hindi ito sumasagot. Alam niyang natutulog lang ito, pero natatakot pa rin si Yiera sa kung anong mangyari sa taong mahigit isa't kalahating taon na niyang minamahal patago. She couldn't help herself to overthink some scenarios that might happen in the future. Even if those things were just made up by her mind, it could still bring fear to her.

Babawiin na sana ni Yiera ang kaniyang kamay nang bigla na lang siya pinigilan ni Xenon dahilan para mapapitlag sa kaniyang kinauupuan.

"Kisses, huh?" Xenon uttered with his sleepy voice while his eyes were still close.

"Y-You're awake," ang tanging naisantinig lamang ni Yiera sa kaniya dahil hindi pa rin siya makabawi sa nangyari.

"Please don't cry," minulat ni Xenon ang kaniyang mga mata at tiningnan si Yiera, pagkatapos ay inangat niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng kamay ni Yiera at pinunasan ang mga luha sa pisnge nito, "you're ruining your looks."

Yiera chuckled, "kasalanan mo 'to, eh."

For the first time since he was hospitalized a few days ago, a small smile crept on Xenon's lips. Yiera saw it, making her smile with glee also.

"Magandang gabi, Yiera."

Lalong lumawak ang mga ngiti ni Yiera sa pagbabati sa kaniya ni Xenon. "As gentle and respectful as always," she then chuckled, "good evening to you, too, Xenon."

Sinubukan ni Xenon na bumangon kung kaya't inalalayan siya ni Yiera at isinandal sa headboard ng kama. Nagpasalamat naman siya kay Yiera na sinuklian siya ng matamis na ngiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vivid MemoriesWhere stories live. Discover now