C78

749 89 3
                                    

Jaydee's Pov

Kasalukuyang nakahiga lang ako dito sa may sasakyan ko habang nakatingin lang sa may itaas ng kotse ko, nilalagyan ko ng icebag yung sa may bandang mata ko.

Nakainom naman na ako ng gamot for pain killer at medyo naging okay naman na yung mukha ko.

For sure magugulat si frances pag nakita niya itong mukha ko ngayon but sasabihin ko nalang na may nantrip sa akin sa daan.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapaisip sa pagbabantang ginawa ni Laney , natatakot ako sa kalalabasan if gagawin niya nga yung sinasabi niya.

For sure magagalit silang lahat sa akin lalong lalo na si ate brei sapagkat panibagong issue ko na naman ito , hindi ko naman sinadyang gawin yun , si madie ang nagpumilit na gawin yun at hindi lang ako makaiwas dahil sa tuksong nararamdaman ko that time.

Ayokong isisi kay frances na kasalaan niya kung bakit ako natukso cause it's me! It's my choice , nilimot na namin ni madie ang nangyari at nangakong hindi ipagsasabi sa lahat.

Kaso si laney? Talagang hindi siya titigil at nakahanap pa talaga siya ng alas para muling sirain kami ni frances.

Tok! Tok! Tok!

Katok sa may windshield ko na nagpabalik sa wisyo ko agad ko nang pinunasan yung luha ko at tsaka pinagbuksan iyun.

Bumungad naman ang masayang ngiti sa akin ni frances , mukhang naging okay na siya ah hindi na toyoin gaya nung kaninang umaga.

Nawala naman ang mga ngiti niya ng mapagmasdan ang mukha ko at agad na siyang pumasok sa sasakyan at hinawakan ang aking mukha.

"Jaydee?! Anong nangyari sa pagmumukha mo? Bakit puro pasa at sugat? Sino may gawa niyan sayo?!" Nag aalalang tanong sa akin ni Frances napaiwas naman ako ng tingin sa kanya bago nagsalita.

"Ah may nantrip lang sa akin kanina queen , may saltik ata sa pag iisip at bigla bigla nalang akong pinagsasapak sa daan buti nalang at may dumating na guard at naawat niya kaagad" sabi ko saka biglang tumingin sa kanya , naiiyak na siya ngayon dahil na din siguro sa nakikita niyang mukha ko.

"Grabe naman yung ginawa niya sayo love! Nasaan na yun at kakalbuhin ko siya! Wala siyang karapatang saktan at sirain ang pagmumukha mo!" Naiiyak na sabi niya agad ko naman siyang niyakap dahil doon,. I don't know queen kung bakit ba pinipilit ko yung sarili ko na maging deserved ka.

Kung sa una palang ay hindi naman na talaga , hindi kita deserve queen dahil sa mga ginagawa ko.

I know nagkamali ako but one thing is for sure wala kang kasalanan sapagkat ako? Ako ang may mali mula una hanggang dulo.

"Don't worry okay naman na ako Queen! At tsaka eto nga pala may dala akong cookies and cream na icecream na pinaka favorite mo! May pizza din akong dala kasi i know na gutom ka galing sa klase" sabi ko saka unti unting kinuha yung dala kong pagkain sa may back seat.

"Thank you for this love!" Muling sabi niya saka niyakap ako ng mabilis , pagkakalas niya ng yakap ay napatingin lang siya sa akin ng diretso at tsaka biglang bumaba ng kotse na ikinapagtaka ko.

"I'll be back love ah! Wait for me mabilis lang to!" Pagpapaalam niya sa akin sabay takbo ng mabilis paloob ng University , bigla namang pumatak ang mga luha ko habang pinagmamasdan siyang makalayo sa akin.

"You don't deserve a liar like me queen! Tomorrow evening , I'll confess everything to you! Mas mabuti nang sa akin manggaling kesa sa iba! I'ved decided na na samahan si Jie hanggang sa pag galing niya at maging sa pagtanda, I'm really sorry!"  Pinipigilan ko na ang paghikbi ko ngayon pero ang hirap , sobrang bigat sa pakiramdam na nasaktan ko na naman siya dahil sa mga maling desisyon ko na nagawa dati.

Maya maya ay nakabalik na siya at tsaka may dala siyang med kit , napatingin naman ako ng pagtataka sa kanya nagamot na kasi lahat ng sugat ko at wala naman na ibang gagamutin pa.

"Lapit ka sa akin? Nagdurugo yung siko mo at hindi mo man lang ramdam yung hapdi niyan" aniya niya sa akin napatingin naman ako sa may bandang siko ko, tama nga siya may sugat pero hindi ko ramdam yung sakit.

"You need to take care yourself first bago mo ako alalahanin jaydee? Nakuha mo ba ah?!" Napatango nalang ako sa kanya at nakakaramdam ako ng lungkot.

"Hmp done! Here oh! Sabay tayong kakain ng icecream since favorite mo din naman to at tsaka hindi ko naman ito mauubos sa sobrang laki nito" binigyan niya ako ng isang disposable spoons na hindi ko alam kung saan nanggaling pero tinanggap ko naman na yun.

Nagsimula na kaming kumain at napapatingin lang ako ng diretso kay queen may mga icecream kasi siya sa may ibaba ng labi niya.

Agad ko na iyong pinunasan gamit ang kamay ko at tsaka tinikman ko , na nagpalaki ng mga mata niya.

Napatakip nalang siya ng kanyang mukha sa sobrang pula ng pisnge niya ,  ang cute mo sobra frances.

Napakabuti ng kalooban mo , napaka sweet and caring mo , napaka selfless mo , maganda , matalino , mapagbigay lahat na ng mabuting traits ay nasa iyo.

Habang ako? Im just a person na laging nagsisinungaling , kung si Pinocchio ako? Malamang sobrang haba na ng ilong ko dahil sa mga kasinungalingang ginawa ko.

"Alam mo jaydee?! Can you please stop staring at me na parang last na kita na natin to? Nalulungkot kasi ako , ayoko mag overthink kaya sinasabi ko sayo to make me ease my mind" parang nagbibirong sabi niya kumuha naman ako ng icecream at pinapanganga siya para isubo ko iyun.

Hindi ko nalang pinansin yung tanong niya sapagkat baka may masabi pa akong iba.

"Siya nga pala about tomorrow? Susunduin kita at exactly 8am ah? Malayo layo kasi yung place na pupuntahan natin bukas kaya dapat maaga tayo , nagpaalam nadin ako kay tito at tita at pumayag naman sila" nakangiting sabi ko , this is the last at sisiguraduhin ko na bago kita tuluyang iwan at palayain ay naging masaya tayo sa kahuli hulihan.

"Yeah sure! I'm really excited na bukas at sa mga susunod na bukas na darating sa buhay natin!" Nakangiting sabi niya din habang kumakain pa din ng icecream , nakatingin lang ako sa kanya , para kasi siyang bata kung kumain ng icecream.

Habang pinagmamasdan siya ay napadako ang tingin ko sa labi niya , unti unti kong nilapit ang mukha ko saka binigyan siya ng halik.

Napahawak naman ako bigla sa may bandang ilong ko kasi hindi ko inakalang bigla niyang isasangga yung takip ng icecream sa kanyang labi.

"Omg! I'm sorry! Nasaktan ka ba mahal? Hindi ko sinasadya kung sakali!" Nag aalalang tanong niya sa akin , napailing naman ako at muling nilapit yung mukha ko sa kanya at hinalikan na siya.

Mabilis lang yung halikan naming dalawa sapagkat may kumatok na guard sa may sasakyan ko , need na naming umalis dahil bawal ang matagal na nakapark doon sapagkat for Vip's only lang yun.










A/N: :)

LOVE , LIES WITHIN YOU Where stories live. Discover now