C79

706 94 7
                                    

Jaydee's Pov

Nakasuot na ako ng aking damit at diretso lang akong nakatingin sa may salamin , pinagmamasdan ko ang aking sarili habang may namumuong luha sa aking mga mata.

I need to be strong para harapin lahat ng ito , Im sorry mom for commiting a mistake twice, masasaktan ko na naman po yung babaeng pinakamamahal ko.

Patawad ayan nalang ang masasabi ko sa ngayon , napatingin nalang ako sa may bandang maleta ko naka prepared na ang lahat ng gamit ko.

Bukas na ang nakatakda kong pag alis at sasabay na ako sa pagpunta ng airport kila jie , nasabi na din sa akin ni tito matthew ang kondisyon ni jie.

Nasa stage 4 cancer na siya at ang tanging hiling ni tito ay ang maging masaya man lang siya kahit sa kahuli hulihang hininga nito.

OTPC

"Hey bitch?! Ano masasabi mo sa offer ko , pumapayag kana ba? Or idi decline mo? Bilis bilisan mo ang pag decide jaydee sapagkat mainipin pa naman ako" sa buong buhay ko laney ngayon ko lang ninais na pumatay ng tao , napakagat naman ako sa may labi ng dahil doon.

"Gagawin ko na ang gusto mo laney! Luluwas na ako ng states at makikipag break na ako kay frances mamaya! Ano masaya kana?!" Inis na inis na tugon ko sa kanya kahit anong piliin kong daan ay may masasaktan pa din akong tao.

"Hmp that's good to hear jaydee! Madali ka naman palang kausap eh! Tuparin mo lang ang sinabi mo ngayon? At nang maging masaya ang mundo!" Binabaan niya ako kaagad ng tawag pagkatapos niyang sabihin yun , napaka walang hiya mo talaga laney.

Wala na akong masabi pa sa mga pinanggagagawa mo balang araw may karma ding babalik sayo at ayun ang hihintayin ko.

EOTPC

Itinapon ko na kaagad yung phone ko nang napakalakas sa may kama sa sobrang galit na aking nadarama.

Napapasabi nalang ako na kasalanan ko naman itong lahat kaya kailangan kong magdusa.

This past few days ko lang narealized na wag kang magpapadala sa unting saya na natatamasa mo sa ngayon  lalo na kapag maling gawain kasi for sure isa itong peligro sa hinaharap which is nangyayari na ngayon.

Pinapunish na ako sa maling nagawa ko at kasabay ng aking pagdurusa ay nadadamay din yung mga importanteng tao na nasa paligid ko.

Pinunasan ko na yung mumunting luha ko sa aking mga mata at tumingin muli sa may salamin.

"Let's go self! Let's enjoy this moment first at tanggalin ang worry para sa mamayang gabi , everything will happen kahit anong lungkot man ang madama ko" mahinang sabi ko saka kinuha na yung bag ko at yung susi ng sasakyan ko.

Bumaba na ako at nakatingin lang sa akin si daddy , dumiretso lang ako hanggang sa makalabas ako ng bahay, natuto na talaga ako mawalan ng paki sa kanya.

Kahit anong hiling ko na sana one day ay magbago siya? Walang epekto? Siguro need ko na din siyang sukuan dahil napapagod na din akong intindihin siya.

Pinaandar ko na yung kotse ko at nag pokus nalang sa pagda drive dumaan muna ako sa may flower shop upang bumili ng bouquet of sunflowers at pagkatapos ko nun ay bumili muna ako ng pagkain sa drive thru para diretso nalang ang byahe namin mamaya ni queen.

A few minutes ay nakarating na ako sa bahay nila queen , naka white dress siya na mas lalong nagpatingkad ng kulay niya.

Mala pinkish ang kanyang mga pisnge at medyo mapula yung labi niya , ilang minuto lang akong natulala dahil sa sobrang kagandahan niya.

LOVE , LIES WITHIN YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon