Chapter Two

560 36 11
                                    

"O, ayan na prince charming mo!" Tukso ni Rynah kay Vixyn.

Kaagad nilingon ni Vixyn ang pintuan at nakita niyang naroon nga si Percy habang may bitbit na dalawang malalaking paper bag sa magkabilang kamay. Nakangiti niyang sinalubong ang binata ngunit nahiya ng kaunti nang umugong ang hiyawan sa paligid.

"Kailan ka dumating?" Tanong ng dalaga.

"Kararating ko lang, dito na ako dumirecho." Sabay abot ng mga dala sa kanya.

"Ano na naman itong mga dala mo?" Nakangiti habang sinisipat ang nasa loob ng mga paper bag.

"Your favorites."

Natuwang sinilip ni Vixyn ang nasa loob niyon at paborito nga niya ang laman. Assorted doughnuts, chocolate chip cookies, cheesecake cups, some macarons, and chocolate crinkles. She always crave for sweets as if she had never eaten anything like that before.

"Thank you!" Masayang sambit niya na hindi maitago ang galak sa mukha. "Nag-abala ka na naman."

"Maliit na bagay lang yan. Alam mo naman na gusto ko palaging nakikitang masaya ka."

Umugong na naman ang hiyawan at kantiyawan sa paligid. Naroon sila sa loob ng munisipyo ng San Agustin kung saan Mayor ang nakatatandang kapatid ni Percy na si Mayor Thaddeus Montenegro.

"Ang sweet naman talaga nitong si Inspektor eh!" Kantiyaw ni Rynah na sinegundahan naman ng ilang mga matatandang tauhan roon.

"Iba talaga pumorma itong bunso ng mga Montenegro, matindi kung mambakod." Sabay halakhak ng isa sa mga tauhan ni Mayor roon.

"Ganyan talaga ang mga lahing Montenegro, matitinik sa mga babae pero sweet lover naman." Segunda naman ng isa pang lalaki.

"Kayo talaga Mang Pilo at Ka-Berting nilalaglag niyo naman ako eh." Pabirong banat naman ni Percy na tinawanan lang din ng lahat.

"Swerte mo dyan, Hija, bukod sa gwapo na at mayaman, ubod pa ng bait at matapang pagdating sa trabaho. Ayaw na ayaw niyan na may naaagrabiyado na kahit na sino." Si Ka-Berting.

Vixyn knew what the old man is talking about. They thought She and Percy are in some kind of a courtship stage but they aren't. Wala naman sinasabi sa kanya ang binata kung kaya't ayaw niyang mag-assume.

"Magpahinga ka na muna, kagagaling mo lang sa mahabang pag-da-drive." Ani Vixyn sa binata imbes na magkomento sa sinabi ng matanda.

"Punta muna ako sa bahay, parating din kasi sina Mama at Papa mamaya."

Nakaramdam ng kaunting kaba ang dalaga sa narinig. Magmula ng isama siya ni Percy mula sa Ireland papunta rito sa Pilipinas ay hindi pa niya nakilala ang mga magulang ng binata. Dito siya dinala sa San Agustin upang makapagsimula ng bagong buhay dahil wala talagang naghanap sa kanya na kahit sinong kapamilya, kamag-anak o maski nakakakilala man lang.

And because she can't still
remember her past, even her name, she decided to give herself a new name- Vixyn Isolene Torrejon. Ginamit niya ang itinawag sa kanya ng mga nakasama sa women's facility na Vixen ngunit iniba lang niya ng ispelling upang maging unique.

It's been months since she started living in his hometown. The people welcomed her with open arms and they even tried helping her get her memories back but still no luck.

Sa opisina siya ng Mayor nagtatrabaho. Tumutulong siya sa mga tauhan roon at nagugulat siya paminsan-minsan dahil may mga alam siya sa mga gawain na marahil ay nagagawa na niya pala noon pa man gaya ng pag-eencode sa computer. Mabilis siyang magtipa at tila ba bihasa siya sa pag-access ng mga software.

F.L.A.W Series Book 3: RUBYWhere stories live. Discover now