Chapter Twelve

383 38 5
                                    

Vixyn felt different and she wasn't the only one who noticed it. Her husband and kids and the Montenegros saw the way she changed. They thought she's sick and needed to be put in a psychiatric hospital because of her panic attacks.

She would scream and scream as if her head was going to explode until she would lose consciousness. That's her episodes for the last two weeks and they are all bothered about it.

Sinusubukan niyang bumalik sa dati, pinipigilan ang sarili na huwag magpadala sa mga alaalang unti-unting lumilinaw na sakanyang isipan. Ayaw niyang isipin ng lahat na nasisiraan na siya ng bait at baka ipatapon siya kung saan at malayo sa pamilya.

"Mommy, look!" Tawag sa kanya ni Sephy habang may itinuturo sa may halamanan. "It's a butterfly! It's beautiful." Nasa may hardin kasi silang mag-ina.

"It is, Baby." Sagot niya habang hinihilot ang sentido dahil sumasakit ang ulo niya.

Sa tuwing nakikita kasi niya ang stuffed bunny ng anak ay nakakaramdam siya ng galit. Galit na lumalalim hanggang sa biglang mawawalan na siya ng pakiramdam. Alam niyang may bahagi sa nakaraan niya ang may kinalaman sa laruang iyon ngunit ayaw niyang i-entertain sa isip at baka hindi niya magustuhan ang malalaman.

"It has so many colors." Patuloy ng bata. "Ooopss, it's flying away!" At tumakbo para habulin ang paruparo.

"Stop running, Sephy, or you might trip." Aniya sa anak ngunit hindi siya pinakinggan at nagpatuloy sa pagtakbo.

Paikot-ikot sa pagtakbo ang bata hanggang sa madapa ito at bumalahaw ng iyak.

"Mommy!" Iyak nito.

Pinagmasdan niya ang anak mula sa kinauupuan niya. Imbes na takbuhin ito ay dahan-dahan lang siyang tumayo at naglakad palapit.

"Why are you crying?" Tanong niya na hindi mababakasan ng pag-aalala.

"It hurts, Mommy." Sabay turo sa sugat sa may tuhod. "It's ouchy." Humihikbi pa.

"It's just a scrape." Aniya na nananatiling nakatayo lamang. "Stand up and stop crying!"

"But I can't. It hurts." Angal nito.

Tinaasan niya ng isang kilay ang anak.

"I said stand up!" Madiin niyang salita.

"Help me up, Mommy." Na inaabot pa ang kamay niya ngunit umiwas siya.

"You do it on your own!" Mas lalong dumiin ang mga salita niya. "You're the one who did that to yourself, no one pushed you and I even warned you about the outcome but you didn't listen!"

Muling bumalahaw ng iyak ang anak at mas lalo lang siyang nairita.

"I said stop crying!" Sigaw na niya kaya't napatahimik ang bata. "Suck it up and stand up! Don't be a weakling!"

Sinubukang tumayo ni Sephy habang impit na umiiyak.

"It really hurts, Mommy." Muling anas nito pagkatayo.

"Suck it up! Don't be a pussy!" Sabay hila sa anak para paupuin sa upuan. "Manang Fe!" Tawag niya sa kasambahay, pakilabas po ng first aid kit."

"Mommy, no!" Palag ni Seph at muling iiyak sana ngunit nahinto nang tingnan niya nang masama.

"Anong nangyari?" Tanong ng matanda pagka-abot sa kanya ng kit. "Nadapa si Seph?"

F.L.A.W Series Book 3: RUBYWhere stories live. Discover now