Chapter Thirty One

62.7K 1.3K 176
                                    

Taas-kilay akong bumaba ng hagdan. Nasa sala si Liam habang masayang s kay Daddy.

"Dad." Pukaw ko rito.

Sabay naman silang tumingin sa pwesto ko. Iniwasan ko ang titig ni Liam sa akin. Kakaibang ilang ang nararamdaman ko habang papalapit ako sa pwesto nila.

"May bisita pala kayo Dad."

"Ah, oo. Nakikilala mo pa ba si Liam? Iyong kababata mo? Bigla ka na lang nawala noong party ng kapatid mo. Hindi ko tuloy siya napakilala sayo." Hinawakan ni Dad ang balikat ni Liam habang sinasabi 'yon. Dinaanan ko lang ito ng tingin bago bumalik kay Dad.

"Sorry Dad, may mga alaala pa akong hindi masyadong natatandaan." Pagsisinungaling ko. At kung alam mo lang Dad na kilalang kilala ko yang kababata ko.

Sa totoo lang lahat ay naaalala ko na. Simula ng mawala ako hanggang kupkupin nina Nanay Celine. Bumalik lahat ng memorya ko noong nagkita kami nila Mommy at Daddy. Samut-saring memorya.

"That's alright, hija. Sa ngayon hindi mo pa natatandaan, pero paniguradong matatandaan mo si Liam kung siya lagi ang kasama mo."

"Tito.."

Sinamaan ko lang ng tingin si Liam. May ginawa itong lalaking 'to. Pero nagkibit-balikat lang ito na kinainis ko.

"Dad, bakit kailangan ko pang makasama 'to." Sabay turo kay Liam. Wala akong pakialam kahit masama ang ibinibigay niyang tingin sa akin.

"Para na rin may taga-bantay ka. Maraming pasikot-sikot ang Manila at makakatulong na rin 'to para maalala mo si Liam."

"He's not my driver nor bodyguard. Kaya ko ang sarili ko."

"Don't be stubborn Shana. Isang linggo ka pa lang sa Manila at lagi ka pang nakakulong dyan sa kwarto mo, mahirap na baka mawala ka."

"Hindi ako nagkukulong, nagtatrabaho ako, Dad."

I'm designing a lingerie. Pagmamay-ari ko ang Daisies Lingerie sa may Makati Avenue, na bukas na ang opening. Naisip kong ipangalan ang botique kay Tita Daisy, ang Mommy ni Liam. Nahiligan ko na ang lingerie noong binilhan niya ako noon.

Noong mga panahon na kakalayo ko lang kay Liam ay nagtagpo muli ang aming landas ni Chad, at iyon din ang tagpong ibinigay niya sa akin ang mga gamit na ibinili sa akin ni Tita Daisy. Doon ko lang din napansin na hindi ko pala nauwi iyon sa isla.

"Maiwan ko na kayo, Liam. Ikaw na bahala kay Shana."

Tumayo na si Dad at hindi na ako pinansin. Ngingiti-ngiti naman si Liam nang maiwan kaming dalawa sa sala.

"Walang-hiya ka, anong ginawa mo sa tatay ko!" Hinila ko ang buhok nito na lalong kinatawa niya. "Bwisit!"

"Good morning to you, too, baby." Kinuha nito ang kamay na nasa kanyang buhok at dinala sa kanyang labi para halikan. Nangilabot naman ako sa kanyang ginawa kaya naman hinampas ko na lang ang bibig nito.

"Baka makita ka nila!"

"So? Baka nakakalimutan mo, may kasalanan ka pa sa akin."

"Excuse me? Wala akong natatandaan na kasalanan sayo?"

"Umalis ka ng walang paalam noong party ng kapatid mo, tapos ngayon hindi mo natatandaan?" Hinapit nito ang beywang ko at pinalapit sa kanya, parang tanga naman akong sumunod. Nakatayo ako sa harap niya at yakap-yakap ang beywang ko habang nakatingala sa akin.

"Liam!"

"Yes?" Malanding sabi nito. Gumapang ang kanang kamay niya sa aking beywang, palikod hanggang tumaas ang kamay nito. "Shit, Shana."

I'm His Private DancerWhere stories live. Discover now