Chapter Thirty Five

53.5K 808 13
                                    


"Tss." Rinig kong pagmamaktol niya muli. Umirap lang ako at pinagpatuloy ang panunuod.

"Liam kung maaari lang, please huwag kang malikot." Binigyan niya lang ako ng nakakaawang expression. Umiling ako at muling tumingin sa tv.

Sa gilid ng mata ko, hindi mapakali si Liam. Maya't maya niyayapos ang throw pillow o di kaya ay hinahagis sa ere. Hindi ko pinapahalata ang bahid ng pag-ngiti, panay kasi ang titig niya sa akin at binabantayan ang magiging reaksyon ko. Sa ngayon pagkayamot sa kanya ang pinapakita ko.

"Cold woman.." Tumayo siya at nagpuntang kusina.

Hindi ko maiwasang mapabungisngis sa kanyang inasal. Ang laki nyang lalaki para mag-inarte. At daig niya pa ako kung magtampo.

Tumawid muli ako ng upo at tinutok ang mata sa tv ng siya'y bumalik. May dala siyang pitchel at dalawang baso at nilagay sa coffee table. Tumabi na siya ngayon sa akin, kung kanina ay nasa magkabilang dulo kami ng sofa ngayon ay parang mauubusan siya ng space sa pagkakasiksik.

"Liam ano ba. Ang laki ng pwesto mo, oh." Sabi ko sbay turo sa space ng sofa.

"Pati ba naman sa pag-upo, bawal pa rin tayong magkatabi?" Naiinis niyang sabi.

Huminga ako ng malalim at nginitian siya. "Hindi naman sa ganun, babe. Kaso alam mo naman na ayaw ni Daddy masyado tayong magkalapit." Naikwento ko na kasi kina Mommy ang namamagitan sa amin ni Liam. Kung si Mommy tuwang-tuwa kabaliktaran naman ang naging reaksyon ni Daddy, over protective kung baga.

"Paano niya malalaman kung 'di mo naman sasabihin, di ba?" Tumaas-taas pa ang kilay nito at hinalikan ako ng mabilis sa noo.

"Tse! Sundin na lang natin si Daddy kaysa naman mayari pa tayong dalawa."

"Ewan ko ba sayo Shana, protective naman si Tito Denzel noon pa man sayo, pero bakit ngayon ka pa natakot kung kelan naging tayo. Noong di pa tayo panay ang landi mo sa akin."

Sinikmuraan ko nga, ang kapal ng mukha. "Hoy, ikaw ang maharot sa ating dalawa. Nadadala lang ako, kaya ngayon kailangan na natin mag-control."

"Paano naman ako, Shana? Paano ang gabing malamig kung wala ka sa tabi ko?"

"Ang baduy mo! Manahimik ka na nga lang!"

"Ok, fine!" Nagtatampo niyang sabi. "Payag na ako, break na tayo. Kaya tara na magtabi na tayong matulog!"

Ilang gabi na rin kasi kaming hindi magkatabi ni Liam sa iisang kama, kaya ganyan siya ngayon dahil hindi ako pumapayag na magtabi kami. 'Di dahil kay Daddy, para na rin 'to sa sarili ko. Ang hirap pigilan kapag katabi ko si Liam, kahit ngayon na magkatabi kami may kuryente at init ang dumadaloy sa buong katawan ko.

"Gusto mo talaga tayong magbreak?" I dare him.

"Ito naman hindi mabiro. Halika nga dito." Mabilis niya akong hinila at niyakap. "I love you."

"And I love you, too. But please understand our situation." Naramdaman ko naman siyang tumango at niyakap ako ng madiin.

"Tara na, matulog na tayo. Baka hindi pa kita pakawalan." Wala ng pagtatampo sa kanyang himig, maingat niya akong inalalayan papuntang kwarto.

"Good night, please behave, ok?"

"Oo na. Good night kiss ko?" Ngumuso siya at humilig sa pintuan ng kwarto ko.

"Ikaw talaga, matutulog na lang! Humaharot pa!"

Tumingkayad ako at dinampian ng halik si Liam sa labi. Ang dapat na smack lang ay pinailalim ni Liam. Humawak siya sa batok ko at pilit na binubuka ang aking bibig. I obliged.

I'm His Private DancerWhere stories live. Discover now