Chapter Seventeen

88.2K 1.2K 171
                                    

Sariwang hangin ang bumabalot sa aking buong katawan. Nakaka-alis stress sa mga nagdaang linggo. Ang mga pagod na dinanas ay nabura sa simpleng pag-upo sa malaking bato sa dalampasigan at ingay nang paghampas ng alon.

"Maganda sana kung umaga tayo dito? Ang pangit naman kung sun bathing sa ganitong gabi. Night bathing dapat ang tawag dito." Ani Diane.

Nakahiga ito sa isang mat na nakapatong sa buhangin. Ganoon din ang Nina na nakadapa naman. Nakatingin lang ako sa mga ito sa kadahilanang nasa mataas akong kinalalagyan.

"Ikaw, ang reklamador mo kahit kailan." Wika ni Nina sa kanya.

"Huwag mo na muna akong bulabugin, kailangan kong magpahinga. Nakita mo ba si Emma? Kanina ko pa tinatawagan ang babaeng 'yun hindi naman sumasagot."

 

"Tayo-tayo ang magkakasamang lumabas sa kwarto, sa tingin mo nakita ko?"

Nakakatuwa silang panoorin kung lagi silang nagbabangayan. At ang maganda doon ay wala naman nagkakasakitan. 

Hinayaan ko na muna sila doon at lumayo nang tumunog ang aking cellphone.

Sir Liam calling......

"H-hello?"

[Sino kasama mo?]

"Po? Roommate ko po, bakit?"

[Siguraduhin mo lang, nakikita kita.]

Pagkasabi niyo 'nun ay lumingon agad ako at hinanap siya sa Hotel na kinatitirikan malayo sa kinalalagyan ko. Nang makita ko siya ay kumaway kaagad ako sa kanya. Nakatayo siya doon sa kanyang veranda.

"Kumaway ka naman, Sir Liam."

[Come to my room tomorrow, 7am sharp.]

"Hello Sir. Sir! Hello, hello."

Nang tignan ko ang cellphone ay wala na pala akong kausap naisahan na naman ako. Nang tignan ko muli ang kinalalagyan niya ay wala na rin siya doon.

Bumalik na lang ako muli ako sa pinanggalingan ko kanina. Naroroon na si Emma. Naka-shorts ang mga ito at sando, samantalang ako ay naka-pantalon at t-shirt. Nadadala na ako sa pangaral niya sa akin na huwag mag-shorts. Wala naman akong nakikitang nasama doon, presko sa akin 'yun pero gusto niya yata akong pagpawisan sa suot ko.

"Saan ka galing?" Tanong ko kay Emma.

"D'yan lang, may nakalimutan lang akong gamit sa stockroom." Aniya. "Bakit dito pa tayo? Sana sa kwarto na lang para diretso tulog."

I'm His Private DancerWhere stories live. Discover now