Part 2: Chapter 81

329 23 0
                                    

Napataas ang kilay ko nang makita si Izaak sa aking harapan habang dala-dala ang isang bouquet of yellow flowers. Tinagilid ko ang aking ulo na para bang inoobserbahan siya sa kaniyang mga kilos kahit na naglalakad lamang ito papalapit sa akin. Buti na lamang ay walang mga katulong sa paligid.

Huminga ako nang malalim bago tumayo. "You're here... again," disappointed kong sambit sa kaniya. Sawang-sawa na akong paalisin siya dahil palagi lang siyang bumabalik dito kahit na pinagbawalan ko na. Hindi ko rin naman siya pwedeng paalisin nang basta-basta dahil nga isa pa rin siyang anak ng hari.

2 and a half years na siyang pabalik-balik dito. Matapos umalis ang aking ama at ang kaniyang kapatid, tatlong taon ang nagdaan at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sumusuko kahit na ilang beses ko na siyang sinabihan.

Oo tanga ako, pero hindi ako desperada para bumalik sa taong nagpapatay sa akin, may rason man siya o wala.

"You know that we were always the topic of the gossips in the main city, right?"

Tumango siya sa akin at inilapag ang bulaklak sa isang mesa malapit sa amin at isinuksok ang kaniyang kamay sa kaniyang bulsa. Matapos ay ngumisi siya sa akin at tinitigan ako nang diretso sa aking mga mata, ang kaniyang magulong blonde na buhok, ang nagniningning niyang kulay asul, na para bang isang payapang dagat na mga mata.

"Of course, and I like it." Napataas ang aking kilay sa kaniyang sinagot at napatawa nang mahina. What a joke.

I licked my lips before responding to what he said, "What did I expect? You still haven't change even a single bit. You likes to be the talk of the town even if I will end up as the bad guy," I said as I grinned at him and shaking my head in disappointment.

"You never fail to amaze me with your disappointment actions, Izaak."

"Why?" Magkasalubong ang kaniyang kilay na tumingin sa akin habang ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom. "Were you insulted because they named you as a slut? Whore? Cheater?" pagtatanong niya.

Lumapit ako sa kaniya nang hindi inaalis ang aking mata sa kaniyang mga mata. Tumigil lamang ako ng ilang distansya sa kaniya. "They can call me names. Slut? So be it. Whore? I can be like that. Cheater? Okay." Ngumisi ako sa kaniya bago itagilid nang bahagya ang aking ulo. "But aren't you ashamed of yourself? Your brother's fiancé, the future queen of this land... that's me. In the end, you'll be the loser. The man who seduced the lady, the man who love his brother's fiancé, the man who betrayed his family, ex-lover, and his nation; committing treason."

"That's you, Izaak." Ngumiti ako sa kaniya bago mahinahong sinabi ang aking huling mensahe, "...before and after." Napatawa ako bago yumuko sa kaniya bilang paggalang sa kaniya.

"I hope this will be the last time that I will see you." Iniangat ko ang aking ulo at tinignan siya ng seryoso sa kaniyang nagwawalang dagat na mga mata. "I am just being polite because you are a member of the royal family now, that's why you could coming back and forth in our residence. As my respect also for the former duke of this land, as he's loyal with your family. Mind you, this is still our residence and not the royal castle. I am not hoping for you to understand that, but I'll greatly appreciate if you will comply with what I want," matigas kong saad sa kaniya.

"I hope you could respect what I want. Not as your friend or your former queen, but for the sake of the woman you once loved." Huminga ako nang malalim at nilagpasan na siya ng lakad.

Ngunit sa ilang hakbang ko pa lang na nakalalagpas sa kaniya, isang tanong ang nagpatigil sa akin. Wait... it's not a question but he's like declaring a statement.

"You like him." Mabilis akong napatigil at kasabay ng aking paglingon sa kaniya ay nakita ko ang isang nakayukong Izaak habang ang kaniyang balikat ay bumaba na para bang nalulungkot siya.

Crown Series #1: The Dark Era of DiademTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon