Prologue

4.6K 78 1
                                    

Nang iminulat ko ang mata ko ay agad ako napapikit ulit dahil sa nasilaw ako.

"Call the doctor, she's awake." hindi pamilyar na boses na narinig ko kaya ng imulat ko ulit ang mata ko ay nagtama ang paningin namin


"Hi." kunot ang noo na hinawakan ko ang ilal ng ilong ko na meron palang oxygen at akmang aalisin ko iyon ng pigilan ako ng lalaking nasa harapan ko


"please don't, kailangan mo pa yan sa ngayon." tahimik na tumango nalang ako


Alam kung nasa hospital ako ngayon pero hindi ko alam kung bakit ako nandito kung ano ba ang nangyari sakin.



Dahil wala ako maalala.....maliban sa pangalan ko.



Matapos i check ng doctor ang vital sign ko at kinausap ang mag asawa na kasama ng lalaki ay umalis na din siya.

"t-tubig." mahinang sabi ko kaya agad na tumayo ang lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakilala at kinuha ako ng tubig at pinainom sakin.


"may kailangan ka pa ba?"


"s-sino ka?" natigilan naman siya at mapait na ngumiti


"h-hindi mo na talaga ako matandaan no?" dahan dahan akong umupo na agad naman niya akong tinulongan at sumandal ako sa likod ko na tinaas niyang unan.

"s-sorry, hindi ko alam kung sino ka sa buhay ko dahil kahit ang sarili ko hindi ko alam kung ano o sino ba talaga ako." nagtatakang tumingin naman siya sakin


"what do you mean?"

"wala kasi ako maalala, maliban sa pangalang kung Ashley Montenegro." nagulat naman ako ng bigla siyang umiyak


"b-bakit ka umiiyak?" agad naman niyang pinunasan ang luha niya


"pasensya na, akala ko kasi kinalimutan mo talaga ako pero totoo pala ang sinabi ni Mom kanina na may amnesia ka....pero wag kang mag alala dahil aalagaan kita at ang mga nawala mong memory ay papalitan natin ng bago at masasaya." hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang kikod ng palad


"anyway im Ashi Montenegro your only Kuya."

©sweetspicyqueen

The Mafia Boss WifeWhere stories live. Discover now