Chapter 31

1.1K 30 1
                                    

Ashley's Pov.

Paglabas ko ng banyo pagkatapos kung mag half bath dahil gabi na ay naabutan ko si Sibal na nakaupo sa malaki at mahabang natutulog kaya napabuntong hininga nalang ako.


Hindi ko nga alam kung paano kami matulog, dahil kahit malaki at kasya kami sa sofa ay napaka akward naman kung maGkatabi kami matulog.

Sinabit ko sa plastik na upuan ang tuwalya na ginamit ko at nilapitan si Angela at hinalikan sa noo

"goodnight my Angel." malambing kung bulong habang nakangiti at ng tumalikod ako ay nagulat ako ng mabunggo ako sa katawan ni Sibal dahil nakatayo pala siya sa likod ko


"matutulog ka na ba?" tanong niya kaya tumango naman ako

"Good. Sa hita ko na ikaw mahiga uupo nalang ako." napataas naman ang dalawang kilay ko

"b-bakit? I mean....mahihirapan ka kung nakaupo ka im sure sasakit ang leeg mo bukas." sabi ko at umiwas ng tingin


Ayaw naman kasi namin tumabi kay Angela dahil baka masikipan siya at single bed din kasi ang higaan niya.


"concern ka ba sakin?" nang tumingin ako sakanya ay nakangisi siya kaya umirap ako

"hindi ah! Bahala ka nga dyan, basta ako matutulog na." aabi ko at sakto paghiga ko ang pag upo niya kaya napahiga ako sa lap niya.


"sleep well love, i love you." malambing niyang bulong at hinalikan ang noo ko bago kumuha ng dalawang unan ang isa nilagay niya sa lap niya para sa ulo ko at ang isa naman ay para sakanya at pumikit na din siya para matulog.


Siguro, mahal na mahal ko siya noon. Dahil kahit ngayon na hindi ko pa naalala ang lahat ay yung puso ko ay laging nagwawala para sakanya lalo na kapag malambing ang boses niya at nakangiti sakin pakiramdam ko e aatakihin ako sa puso.

Dahil sa subrang pagmamahal ko sakanya kaya siguro nakalimutan kung mag ingat dati ng masaktan niya ako kaya ito ngayon nahihirapan kami pareho ng anak ko.

Pero hindi ko na siya sinisisi sa lahat dahil narealize ko na may kasalanan din ako. Nasaktan lang talaga ako lalo na hindi agad sinabi sakin noong una kung sino ba talaga siya sa buhay maging si kuya at ang parents ko pero naiintindihan ko naman sila kahit papaano na ginawa lang nila yun para sa kapakanan ko.

They don't want me to get hurt.


©sweetspicyqueen

I'm very sorry talaga guys dahil hindi ako nakapag ud last night. Madami kasi ako ginagawa kaya hindi na ako nakapag sulat.

Merry Christmas everyone❤.

The Mafia Boss WifeWhere stories live. Discover now