Chapter 5

1.7K 42 0
                                    

Ashley's Pov.

Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi. Jason is my ex-boyfriend three months ago ng mag break kami.

"anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko habang hindi nakatingin sakanya

"i want you back hon." napalingon naman ako sakanya at sarcastic na ngumisi

"hindi yun ganun kadali Jason, at kahit ano pa ang sabihin mo hindi parin magbabago ang desisyon ko. Ayoko na kaya tumigil kana."

"please....give me a second chance promise magbabago na ako." umiling ako

"hindi na ako umaasa pa na magbabago ka, ilang beses ka na bang nangako sakin na magbabago ka pero sa huli lolokohin at sasaktan mo parin ako ha?" akmang hahawakan niya ako ng agad ako umatras at naglakad papunta sa opisina ko at hinayaan na tumulo ang luha ko

Isang taon din ang itinagal ng relasyon namin ni Jason at minahal ko siya pero sa isang taon na iyon wala siyang ibang ginawa kundi ang saktan ako.

Una palang alam ko na Playboy siya pero ang sabi niya noong nililigawan niya ako na magbabago siya para sakin na ako lang ang babae sa buhay niya, pero noong sinagot ko siya ay parang nakalimutan niya ang lahat ng pangako niya sakin.

Kabi kabila ang mga babae niya at pinaglagpas ko ang lahat ng iyon kahit na nasasaktan na ako kahit nagmumukha na akong tanga pero sumobra na siya e.

Naabutan ko siya at ng babae niya sa condo nito na gumagawa ng milagro at iyon din ang araw na sumuko na ako na nakipag hiwalay na ako sakanya.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi at huminga ng malalim bago lumabas aa office ko ang im relieved dahil ng lumabas ako ay wala na siya.

"ayos lang po kayo ma'am?" pilit na ngumiti ako at tumango

"im fine Jeni." sabi ko sa empleyado ko na lumapit sakin.

Alam kasi nila ang kwento ng lovelife namin ni Jason dahil dito kami lagi sa cafe nag lalambingan, at dito rin kami una nagkakilala at dito niya ako lagi kinukulit noon na ligawan.

©sweetspicyqueen

The Mafia Boss WifeWhere stories live. Discover now