Epilogue

1.7K 50 71
                                    

"Ayos ka lang ba Lea?" Inangat ko ang aking tingin kay Rex habang nakaupo lang sa beat box ni Alex. Binigyan niya ako ng isang ngiti at ginulo bigla ang aking buhok. "Mas lalong lumiliit 'yang mga mata mo." simula nang nag-iwan ako ng sulat kay Mrs. Carpenter ay wala ng tigil ang luha ko. Pero pinipilit ko pa ring bumangon para sulitin ang mga huling araw ko dito sa University.

Marami na rin ang nangyari at masayang kasama sila Rex. Sila lang yata ang mga naging totoo kong kaibigan dito sa University. Hindi ko na alam ano pa ang nangyari sa mga iniwan ko na pero sana maging maayos lang ang lahat. Maging mas magaan na para sakin.

"Titigil ka ba talaga sa pag-aaral?" tanong ni Alex at nakita ko namang gumamit ng sign language si Alexis. Ngumiti ako tapos tumango bilang sagot. Dahil tanggap ko na, baka hindi para sakin ang pag-aaral. Hindi na rin kasi ako makahabol sa mga kaklase ko, mas lalo lang akong nahihirapan.

"Ako nga nakailang bagsak pero okay lang naman haha." Natatawang sabi ni Manuel. Napailing-iling lang ako sa kanya. Kailangan kong tumigil dahil ayoko ng pilitin ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko naman pala kaya. Alam ko na malakas ang paniniwala ko dati na isa ang edukasyon para may marating ako sa buhay pero baka hindi para sa lahat. Baka sa iba nakatulong sa kanila ang arts at lalo na ang pagpipinta pero hindi siguro sa akin.

Baka may nakalaang iba para sakin.

 Hindi ko sila makakalimutang lahat. Lalo na si Chichi kahit wala na siya sakin ngayon.

"Paano mo ba nasulat 'tong kanta, may pinaghuhugutan ka ah!" sabi bigla ni Alex habang hawak ang lyrics na ibinigay ko sa kanila. Huling kanta para sa University. Baka rin kasi hindi 'to para sakin. Pero laking pasasalamat ko dahil isa ito sa naging daan para mapansin ako ng ibang tao.

"Hindi ko na pala nakikita ang prinsipe ng Wilson," sabi ni Manuel at naalala ko lang ulit tuloy si Edge. Wala manlang akong mapagsabihan sa isa sa kanila ang mga nangyari. Siguro dahil bukod sa hindi ako makapagsalita ay nahihirapan rin akong ilabas ang mga nararamdaman ko. Hindi ko na nakita si Edge simula non, pero sana maayos sila ni Elise ngayon. 

Hindi rin ako umaasang darating sila ngayon. Baka hindi ko na rin siya makikita pa. Galit siya sa akin. 

"Baka ito na rin ang huli naming pagtugtog." Natulala ako sa sinabi ni Rex. Ngumiti siya tapos inakbayan ako. "Hoy ikaw, kunan mo kami ng picture!" Kinurot ko naman ang tagiliran niya, makautos sa isa sa mga working student na nandito kasama namin sa backstage parang boss eh.

Nakakatuwa dahil si Alexis ang nakakuha agad sa tono ng kanta. Parang agad kaming nagkaintindihan kahit hindi siya makarinig.

"Cheeseeeeeeeee!"

Sumilip ako sa stage at natulala dahil marami ang mga estudyante ngayon. Kinakabahan na naman ako. Hinawakan bigla ni Rex ang kamay ko. "Kaya mo 'yan, ilabas mo lahat! Dahil ito na ang huli diba?"  

Sabi nila, ako pa rin ang vocalist nila hindi nila ako kayang palitan. Sana lahat.

Babalik ako ng bahay-ampunan at sana tanggapin pa nila ako roon. Sa ngayon wala akong alam na pwede kong balikan at puntahan. Hindi ko na gustong makisawsaw at makisabay pa problema ng mga Wilson at humingi ng tulong kay Mrs. Carpenter. Saka ko na iisipin ang iba pa, siguro may tatanggap pa naman saking iba. Tuwing nakikita ko sila Rex, umaasa talaga akong baka may iba pang tumanggap sakin. Ayoko rin naman makidagdag pa sa kanila at ayokong sabihin sa kanila ang problema ko.

Oo, naging komportable ako sa kanila at naging kaibigan ko na rin siya pero hindi ako komportable ikwento sa kanila ang buhay ko.

Nagising ako kakaisip at natuwa ako nang marinig kong isinisigaw na ang mga pangalan namin.

Angel's VoiceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz