19

896 37 0
                                    

"Ilagay mo nalang din mga damit mo sa closet ko marami namang space dun eh." Huminga ako ng malalim. Talaga bang papatulugin niya ako dito? sa kwarto niya? dito sa dorm nila? Napatingin ako sa calendar na naka-display dito, Sunday. Tapos ipinalipat niya ako dito. Hindi ko nga alam kung pwede ba ito?

Pero teka hindi talaga ito pwede! Dahil, lalaki siya tapos babae ako.

"May problema?" Napatingin ako sa kanya at napalunok dahil sa kaba. Kasi naman nakakailang eh..

"Ayaw mo? mas makikita mo ako lagi." Natigilan naman ako sa sinabi niya at ngumisi siya. Umirap lang ako at napailing iling.

"Nakita ko mga notebook mo." Natigilan ako sa sinabi niya pati ba naman mga gamit ko pinapakealaman niya?

"Tama bang iguhit si chuchu tapos si chichi wala ka man lang notes na natatapos?" Napalunok ako sa sinabi niya at napakamot sa batok ko.

"Nag-aaral ka ba talaga?" Ngumuso ako tapos inagaw niya sakin bigla ang maleta at siya na naglagay sa walking closet niya.

"Kita mo yon?" Napatingin naman ako sa lamesang itinuturo niya malapit sa mesa niya maramong libro.

"Humingi ako sa ng guro mo ng references sa mga lessons nila humabol ka." Pagod pa nga katawan ko dahil sa performance night.

"Ipagluto mo ako." Napatingin ako kay Edge dahil sa sinabi niya. Kinabahan ako bigla.

Ipagluto?! oo kung sana marunong ako!

"Bilis! pang almusal ah." Napahawak naman ako sa tiyan ko. Hindi pa pala ako kumain ng agahan,pero paano 'to? hindi ako marunong. Itinulak niya ako bigla papunta sa kusina niya. Napalunok naman ako at hindi ko naman agad napigilan ang luha ko. Hindi kasi ako marunong.

Napatingin ako sa laman ng maliit niyang ref. Kumuha ako ng hotdog at ham.

Huminga ako ng malalim, priprituhin lang naman 'to diba?

"Bat ka umiiyak?" agad kong pinunasan ang luha ko at umiling iling. Umiwas naman siya agad sa harapan ko at humiga sa kama niya katabi si chichi. Naoabuntong hininga ako at naoanguso, paano ba 'to? Wala 'to sa amin. Halos lahat De kuryente naman halos ng kagamitan niya dito isang saksak lang ito siguro. Kumuha ako ng mantika at nag umpisa na ako.

Halos mag-iisang oras nang matapos ako, pinagpawisan pa ako don. Sana okay na toh. pinakamadali lang naman lutuin ay yung kanin.

"ka..ka-kain k-kana" agad naman siyang bumangon at dumiretcho sakin tinitigan niya muna ako bago naupo. Halos hindi ako makahinga, napayuko agad ako, pinipigilan ang luha ko.

"Seryoso? sunog na hotdog? sunog na ham?" rinig kong sabi niya. Kaya hindi ko napigilan ang mga hikbi ko

"Hindi ka marunong magluto?" napaangat ang ulo ko at napatingin sa kanya, tinataasan niya ako ng kilay ngayon. Napailing iling siya.

"sino kakain nito?" ayoko namang kainin niluto ko alam kong sobrang ewan ang lasa ng mga yan. Tumayo siya at hinawakan bigla ang kamay ko, sumunod naman ako, pinaupo niya ako. At napatulala ako nong nagluto siya. Napapatingib lang ako sa mga kilos niya, at hindi maiwasang mapangiti...ang gwapo lang kasi titigan...Ilang minuto ang lumipas ay batapos siya agaf naman niyang inihanda sa mesa. Mas better kesa yung sakin.

"Kain na." napangiti pa ako ng todo, agad naman ako kumuha ng kanin at hotdog

"Hindi ka pa pwedeng maging asawa." natigilan naman ako sa sinabi niya, napanguso lang ako at kinuhanan ko din siya. ng kanin at ulam.

"Pagkatapos nito. mag aral ka." napakamot ako sa batok ko naalala ko yung algebra naming subject may mga ibinigay na siyang work sheet. Napahinga ako ng malalim kay hirap hirap ba naman ng math. Nagsulat ako sa white board ko

ALGEBRA

"gusto mo tulungan kita?" agad akong napatango tango.

"hindi ako marunong sa math." napanguso ako, hindi din siya marunong. naku hindi atah ako makakapasa ngayong sem dahil sa math.

"Biro lang." napatingin ako ulit sa kanya

"Tuturuan kita isang beses lang." napalakpak ako na parang isang bata. Yehey! Pagkatapos kong kumain ay naligo muna ako, nakakahiya kay edge sinundo niya ako kanina nakaligo na.

"Ang sabihin mo hindi ka nakikinig sa guro mo, naoakadali lang nito." napasimangot ako sa sinabi niya, siguro sa kanya sobrang dali lang. Ang jirap hirap kaya parang mauubudan ako ng buhok kakaisip ng solusyon sa problema

"High school pa toh eh." Talaga? Nakinig naman ako habang nagsasalita siya at nagsusulat. Pero kahit nakikinig na ako parang nahihilo pa din ako. Tapos kayhaba haba pa ng sinasabi niya. Pwede bang sagutan nalang niya lahat?

"Ikaw naman." ha? ako na? inabot niya bigla sakin yubg lapis at ipinasa sakin yung papel. Ehhhh hindi ko pa rin naiintindihan!

"ano na?" napanguso ako at inaral yung solution niya, grabeh napakahirap intindihin. Kaya hinfi ko maiwasang mapaguhit ng baboy sa mga gilid gilid.

"Mute ano ba?" napayuko ako, at binitawan yung lapis.

"akala ko ba gusto mong nakapagtapos?" huminga ako ng malalim, at nagsulat sa white board

BREAK MUNA?

Inirapan niya ako at dumiretcho sa computer niya. Labas muna ako magpapahangin. Lumabas ako ng kwarto niya. Pagkasarado ko palang ng pinto niya may lalaking lumapit agad sakin.

"Ikaw si Lea diba? nakita ko yung pag suntok mo kay Nikkie." sino toh? napakunot ang noo ko sa kanya

"tipo kong mga babae palaban.." sabi niya sabay ngisi.

"Im Mike. date tayo?" napatulala ako sa sinabi niya, date?. Umiling ako agad sabay talikod pero hinawakan niya ang kamay ko bigla,. Bunukas naman ang pinto ng kwarto ni Edge.

"Bitawan mo siya." Si Edge...agad naman akong binitawan nitong lalaki.

"Sana all nakakapagdala ng babae dito sa dorm" tinitigan lang siya ng masama ni Edge, hinawakan naman ako ni Edge sa kamay

"Magdala ka din." walang ganang sabi ni Edge at hinila ako papasok ng Kwarto niya, ano ba yan magpapahangin ako sa labas eh.

"Tapusin mo ang pagsagot mo." sabi niya sabay tulak sakin, napakamot nalang ako sa buhok ko. Napatingin ako ulit sa solution niyang ginawa, hindi halata sa mukha ni Edge na marunong siya sa Math, hmmp tinuturuan ba niya ako ng tama?

"Wag mo ng pagdudahan sagot ko. bobo ko lang talaga na hindi mo makuha yan." rinig kong sabi niya, minsan talaga napapatanong ako kung naririnig ba niya ako.

PLAGIARISM IS A CRIME

Angel's VoiceWhere stories live. Discover now