09

1K 43 1
                                    

09: Chichi

Ayoko ng pumasok, nakakawalang ganang pumasok eh ngayong wala na si Chuchu, sabay ko siyang nangarap na magtatapos ako. Hindi ako tutulad sa mga magulang ko. Kahit ganito ako gusto kong makilala rin nila ang mga kaya kong gawin, ang pagpipinta.

Pero nakakawala lang talaga ng gana ngayon, wala akong pakealam kung ano man tumatakbo sa isipan nila kung weird ako bahala sila. Alam ko namang nagpapahinga na ngayon si chuchu, matagal na rin kasi siya sakin. Kaya ko ito last class naman na eh, Understanding the self kung saan kaklase ko si Edge. Dumiretcho agad ako sa classroom namin, uupo na sana ako sa pwesto ko nong may tumulak sakin.

Nikkie

"Sa iba ka na maupo." Maarte niyang sabi at may pangiti ngiti pa sinamaan ko lang siya ng tingin. Magkatabi kasi kami ni Edge. Siya nga talaga si Nikkie Galvez ang patay na patay sa Halimaw.

Eh di bahala ka!

Inirapan ko siya at umupo naman ako sa pwesto niya katabi ko tuloy 'tong kaibigan niya. Napabuntong hininga ako sa inis.

"Hello class!" agad kaming napatayo pagkarating ng prof at sabay sabay silang bumati. Napatingin naman ako sa pwesto ni Nikkie, wala pa si Edge. Naalala ko bigla na humingi ako ng entrance slip ni Edge sa registrat sinabi ko lang na nawala ni Edge ako pinapakuha niya. Nagbigay naman sila agad.

Bakit wala pa siya?

"Get your notebooks." Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang notebook ko, kinapakapa ko naman bag ko dahil hindi ko alam san na naman banda ang ballpen ko, teka ano ito? Anong nasa-- hinugot ko ang kamay ko at napatili ako agad kong iitinapon ang nahawakan ko isang palaka.

"Miss Lea?!" Napatingin ako sa sigaw ng prof. napalunok lang ako.

"Anong problema?" Nakakunot na tanong ng prof. Napahinga ako ng malalim at napatingin ako kay nikkie na maganda ang ngiti. Nakakbuysit. Umupo nalang ulit ako ng maayos.

"Laruan lang naman." Napatingin ako sa kaibigan niyang bwesit na bwesit rin ako. Tapos bigla namang tumili ang mga nasa harapan. Napatayo ako kasi chesmosa nga ako, bakit parang may naririnig rin akong tunog ng baboy?

"Ewwwww!" Napatingin naman ako sa bwesit na mukha ng kaibigan ni Nikkie lumakad ako at isang maliit at cute at sobrang taba na baboy nga napangiti ako bigla at nilapitan ko ito at binuhat.

"You're late Mr. Wilson at nagdala ka pa talaga ng baboy sa class ko." Napatingin agad ako sa may pinto nandon si Edge nakasandal at nakatingin sakin. Ito na naman ang puso ko. Ito ba kapalit kay chuchu? napatingin ako sa baboy at napangiti ako ang cute.

"Papasok ka ba Mr. Wilson?"

Bumalik ako sa upuan ko at napatingin ako kay Edge na pumasok dumiretcho siya sa pwesto ko. Nagulat ako nong hilain niya yung katabi ko at itinulak. Nagdabog naman yung babae at umupo sa tabi ni Nikkie. Dito pa rin sa tabi ko umupo si Edge, napatingin ako kay Nikkie at binigyan ko rin siya ng napakagandang ngiti ko.

Super behave naman ng baboy na ito, hmm parang kakailanganin kong bumili ng gatas niya at sigurado akong matakaw ito, pakiramdam ko tamad din ito. Naaahagikhik ako.

"Bakit dito ka na nakaupo?" Napatingin ako kay Edge. Ipinasa ko sa kanya yung baboy.

"Ano ba" inis niyang bulong nong buhat buhat na niya yung baboy. nagsulat ako sa white board

MAY NAKAPWESTO NA SA PWESTO NATIN

Tumango lang siya, at nagsulat ulit ako.

CHICHI

Tinaasan niya ako ng kilay. at itinuro ko naman ang baboy. papangalanan ko siyang Chichi, kinuha ko na ulit ang baboy

Wag kang pupu po sakin ah.

"Chichi ang ipapangalan mo? baduy. okay naman sa kanya ang damulag ah o di kaya tawagin mong taba." Sinamaan ko lang siya ng tingin. dati stufftoy lang na baboy ang karga ko ngayon isang baboy talaga, sobrang natutuwa ako.

After class ay ipinakarga ko kay Edge si chichi at nagsulat ako

SAYO LANG MUNA SI CHICHI

"Ano?!" kami nalang ang nasa classroom nagsilabasan na kasi agad yung iba.

KASI MAY KASAMA AKO SA ROOM. BAKA AYAW NILA KAY CHICHI.

Napabuntong hininga siya sa inis.

WAG KANG MAG ALALA. PUNTA AKO AGAD SAYO NG MAAGA BUKAS.

nNpailing iling lang siya at nauna ng lumabas karga karga si chichu nag wave goodbye naman ako kay chichi. Teka saan niya nakuha yung baboy? binili ba niya yun?

para...sakin?

napahawak ako sa magkabila kong pisngi. nag iinit na naman. Tumakbo na ako para makahabol sa kanila.

Excited na ako alagaan si chichi. Mabuti pinapasok si chichi dito sa University.

Napatigil ako sa pagtakbo nong may mga humarang saking mga lalaki. Ito atah yung mga gangters na sinasabi ni Rex.

"Girlfriend ka ni Edge diba?" tanong nong isa lima silang lahat, napaatras ako agad

"Diba ikaw yung sinasabi nilang pipi." Napalingon naman ako sa isa, mukhang sabog silang lahat. Nakakatakot.

"Pwede mo naman siguro pilitin si Edge Wilson na sumali sa grupo namin." Napakunot ang noo ko anong grupo?

"Matagal na namin siya pinapasali pero pakipot pa lakas kaya ng grupo namin at kailangannamin ng malalakas katulad niya." parang kung bad boy si Edge parang sila yung low budget na bad boy. Sinusubukan kong makaiwas pero hinaharangan nila ako.

"Hindi ako sasali sainyo."  Napalingon kaming lahat sa nagsalita si Edge, hawak hawsk si chichi

"Ang babaduy niyo eh!"

"Aba gago talaga 'to ah!" sigaw nong isa at susugurin na sana si Edge kaso pinigilan siya nong isa.

"Mas demonyo satin yan wag mo muna patulan ngayon." rining kong sabi ng isa at lumakad naman sila na palayo, napatakbo naman ako palapit kay Edge tapos yinakap si Chichi sandali.

"Bagal bagal mo kasi.." inis na sabi ni Edge sakin, napanguso lang ako at sumabay na ako sa kanya lumakad. Nagulat din ako kasi sabay pa din kaming sumakay ng bus. Eh first time ko siyang makita dito sa bus. Parang iniipit ang puso ko sa loob. Hindi ako makahinga ng maayos.

Magkatabi na naman kami!

"Sa...san..n-na..na-nay n..ni.Chi..chi" tanong ko habang hinahaplos ang likuran ni chichi. ang cute cute naman ng baboy na iyan.

"Bat mo ba tinatanong? magpasalamat ka nalang binili ko yan. Pamalit mo sa baboy mong stufftoy." Napairap ako, walang makakapalit kay chuchu pero mamahalin ko itong si chichi katulad kay Chuchu

"Th-ank yo-u." Lumingon naman siya sakin at napailing iling, siguro iniisip niya napaka-weird kong tao. Gusto ko lang naman malaman kung may nanay ba 'tong si chichi at nilayo niya lang bigla.

--

Angel's VoiceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora