" A Diary of a forgotten love story"

177 9 1
                                    

⚠️ a work of fiction ⚠️

Marso 17, 1891

Ngayong araw na ito ay nakilala ko ang isang ginoong nag-ngangalang Herminio. Magalang siya at Makisig. Hindi ko alam kung bakit ganito ang tibok ng aking puso. Malakas ang kabog nito habang kami ay magkasama.

Marso 18, 1891
Ipapakasal ako ni papa sa isang lalaking Hindi ko kilala. Masakit man isipin na makukulong ako sa isang kasal na walang pag-iibigan ngunit mahal ko ang aking papa.

Marso 19, 1891
Nagkita ulit kami mo Ginoong Herminio. Pinasyal nya ako sa parke. Hindi maganda ang araw ko dahil nakilala ko ang aking mapapangasawa. Pero pinagaan ni Ginoong Herminio ang aking pakiramdam.

Marso 20, 1891
Inaya ako ni Herminio na pumunta sa isang lawa malapit sa gubat. Noon ay natatakot akong pumunta rito pero parang nawala lahat ng takot ko pag nakikita ko siya. Bukas ay magkikita uli kami.

Marso 21, 1891
Malakas ang buhos ng ulan. Tulad nang aking damdamin na walang bahid ng kasiyahan. Hindi dumating si Herminio.

Marso 22, 1891
Napagkaalaman kong kagagawan ni papa ang hindi pag sipot ni Herminio sa aming kasunduan. Pinagbawalan na rin nya akong sumama kay Herminio.

Marso 30, 1891
Simula nang pagbawalan ako ni papang makita si Hermino ay nawalan na rin ako ng ganang magsulat dito. Hindi ko alam pero posible nga bang sya ay sinisinta ko na?

Marso 31, 1891
Sinuway ko ang kagustuhan ni papa at pumunta sa tahanan nila Herminio. Nagulat ako sa aking natuklasan. Kasamahan pala sya ng mga Gerilyang kumakalaban sa Gobyerno.

Abril 1, 1891
Wala akong pakialam kung ano ang kanyang pinaglalaban. Mahal ko sya iyan lamang ang aking alam.

Abril 2, 1891
Nalalapit na ang araw ng aming kasal ni Arualdo. Hindi ko sya mahal at nais ko lamang na makasama si Herminio.

Abril 3, 1891
Nahuli ako ng aking papa. Hindi ko napuntahan si Herminio at alam kong naghihintay sya sa lawa. Patawad mahal.

Abril 4, 1891
Bantay sarado ako ng mga tauhan ni papa. Hindi ako makatakas at wala pa rin akong balita kay Herminio.

Abril 5, 1891
Nalaman ko kay Maria na nahuli ng mga guwardya sibil ang aking mahal habang naghihintay sa akin sa may lawa.

Abril 6, 1891
Tumakas ako sa tulong ni Maria at pumunta sa tahanan nila Herminio. Napagkaalaman ko kasi na naisalba si Herminio ng kanyang mga kasamahan.

Abril 7, 1891
Napagdesisyunan ko nang hindi na umuwi sa bahay. Dito nalang ako mananatili sa tabi ni Herminio. Nang makita ko syang sugatan at walang malay kagabi ay halos madurog ang puso ko.

Abril 8, 1891
Binisita ako ni Maria. Nagkita kami sa may lawa sapagka't ayaw kong malaman nya kung nasaan kami nanatili ni Herminio. Kilala ko ang aking ama hindi sya titigil sa paghahanap sa akin.

Abril 9, 1891
May pumunta na mga guwardya sibil sa tahanan namin ni Herminio. Pinadala sila ng aking papa at sapilitan nila akong iniuwi sa bahay.

Abril 10, 1891
Masakit ang katawan ko dahil sa pinarusahan ako ni papa. Pero mas masakit sa puso ko dahil hindi ko kapiling ang aking mahal. Mabuti nalang ay nakatago siya kahapon kung hindi ay baka nahuli na sya ng mga guwardya sibil.

Abril 11, 1891
Bukas ay araw na ng amin kasal. Pinilit ni papa na mapadali ang pag aasikaso ng aming kasal upang hindi na ako makatakas.

Abril 12, 1891
Habang nagaganap ang seremonyas kahapon ay biglang dumating si Herminio. Tinangka naming tumakas pero nabaril sya. Wala na ang mahal ko. Wala na ang saysay ng aking buhay.

Abril 13, 1891
Biyernes. Ngayong araw na ito ay pumili ako. At pinipili kong makasama ang mahal ko. Mahal na mahal kita Herminio aking sinta.

Regine's POV
I closed the book that I was reading. Sakit naman non. Hindi sila nagkatuluyan. At ang mas masakit ay totoo ang lahat ng iyon. Hindi ito basta bastang libro kundi isang diary. Nahanap ko to sa isang box diyan sa kabinet.

Kaka-lipat lang kase namin dito sa lumang mansyon. Irerenovate namin to. Sayang nga eh kase antique house na sya pero luma na kase atsaka hindi an matibay.

I putted the book on my side table pero nahulog ito. Shit ang lampa ko. Pero nagtaka ako ng may mahulog na sulat.

By the way the book has blood. Nagpakamatay kase yung may ari ng Diary. Pati tong letter may dugo rin.

Herminio aking mahal

Alam kong masama ang magbasa ng sulat ng may sulat pero binasa ko na nga yung diary dito pa ba ako hihinto.

Aking minamahal na Herminio,

Patawad mahal sapagka't sa lahat ng babae sa mundo ay ako pa ang nakilala mo. Patawad at ako ang naging dahilan ng pagkamatay mo. Patawad sapagka't hindi ko nasabing magiging ama kana! Nagdadalang tao ako mahal. Nagbunga ang ating pagmamahalan. Patawad kung pipiliin kong mawala kasama mo kaysa mabuhay nang wala ka sa piling ko. Mahal magkikita na tayo. Mahal sana sa susunod na buhay ko ay makilala kita. Sana sa susunod na habang buhay papayagan na ni tadhana na tayo'y magsama.

Nagmamahal Regina

How sad. Magkaka anak pa pala sila. Hindi man lang nila natupad ang pangarap nilang magkapamilya.

Ilalagay ko na sana ulit yung letter sa sobre nang nay makita pa akong isa pang nakalagay sa sobre. A picture.

I looked at the picture and it was...... Me?

What the heck!

Hindi ko alam pero nagpanick ako nagmadali akong bumaba sa sala pero nagulat ako ng parang hindi na luma ang bahay.

Naging makintab ang sahig at naging makabago ang dingding.

Asan na ako?

"Regina!"
Narinig kong may taong tumawag sakin.

Sakin nga ba?

Pagtalikod ko ay naharap ako sa isang malaking salamin.

Hindi naman nagbago ang mukha ko pero nagbago ang suot kong damit.

Parang bumalik ako sa mga panahong espanyol pa ang namumuno ng pilipinas.

Dali dali akong tumakbo papalabas ng mansyon pero nang tuluyan akong makalabas sa gate ng mansyon ay bumalik ito sa dati.

Naging luma uli ang mansyon at bumalik ang suot kong dress at heels.

Sa pag iisip ay hindi ko na namalayan na may sasakyan na palang parating. I tried to save myself by running pero sa pagtakbo ko ay muntikan na akong matumba.

Napapikit ako at hinihintay ang pagbagsak ko pero ilang minuto ang lumipas ay walang nangyayare.

Binuksan ko ang mga mata ko at nakitang sinalo ako ng isang lalaki. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nasisilaw ako sa liwanag ng araw.

"Miss? "

Tinitigan ko sya at unti-unting lumitaw ang maamo niyang mukha.

" Herminio."




The end.

One shot storiesWhere stories live. Discover now