" When you are gone "

131 12 3
                                    

\\• Ang iyong mababasa ay pawang imahinasyon lamang at hindi nauugnay sa  totoong buhay. Ang mga pangalan ng mga karakter ay nagbabase lamang sa idolo ng manunulat. Kung ayaw mo yung story block agad wag na madaming say. Okay? •//

Regine's POV
Pumasok na ako sa kwarto dala ang mga gamit at pagkain na dala ko. " Hi hon! Musta?" Biro ko at hinalikan ang nuo niya.

" Hi hon ka jan! Ba't di ka nagpaalam? " Inis niyang sabi habang nilalagay ko ang mga gamit sa lamesa.

" Sorry na tulog ka kase eh. " Sabi ko at lumpit sa kama. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

" Laban ka lang hon ha? Malalampasan din natin to. " Sabi ko at nilagay ang palad niya sa pisnge ko.

" Hon pag wala na ako wag lang iiyak ha. Always remember na kahit hindi mo na ako nakikita. I'll always be there. Babantayan ko ang mahal ko. " Sabi niya habang hinahaplos ang pisnge ko. Wala sa sariling napapikit ako  tumulo ang luha ko.

" Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Hindi ka mawawala okay? Cancer lang yan! " Biro ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

I need to be strong, para saming dalawa. Ako nalang ang kinakapitan niya.

" Just don't cry when I'm gone. " Sabi niya kaya para matapos ang usapan tumango nalang ako.

Kagagaling ko lang sa trabaho, pagod na pagod ako kase ang tami kong ginawa wala pa akong tulog dahil binantayan ko si Ogie kagabi. Sumakit kase ang ulo niya.

I opened the door to see Ogie na nakahawak sa ulo niya at namimilipit sa sakit.

" Hon? " Sabi ko at tumakbo palapit.

" Aray!! Agh! Ang sakit! " Sabi niya at sinabunutan ang sarili.

" Hon, hon, hon tell me what's wrong? Saan ang masakit? " Natataranta kong tanong.

" Aghh!! " Sigaw niya at ini-untog ang ulo niya sa pader. " Ang sakit!! " Sigaw niya.

" Hon, stop hindi yan makaka tulong. " Pigil ko sa kanya. "Ayoko na!! " Sigaw niya habang hinahampas ang ulo.

" Patayin mo nalang ako please!! Patayin mo nalang ako. " Umiiyak nyang sabi habang wala akong magawa kundi yakapin siya. Napaluha ako dahil sa sitwasyon namin.

Tumawag na ako ng doctor and they injected him with something para ma relax sya and to make him fall asleep for a few hours.

I comb my hands through his hair as I look at his sleeping face.

Napaluha ako kakatitig sa kanya.

Mabait naman na tao ang asawa ko. Siya pa nga yong tumutulong sa kapwa. Siya yong nagpapasaya sa iba kahit may pinagdadaanan din siya.

Siya tong walang hangad kundi magpasaya ng tao pero bakit siya ang binigyan ng ganitong paghihirap? Ganitong sakit?

Muntik ko nang isumpa ang lahat ng santo na hiningan ko ng tulong. Pati ang Diyos muntik ko nang kamuhian.

Bakit siya pa?

Bakit hindi nalang ako?

" Hi hon! " Bati ko pag pasok ko sa kwarto. But unlike any day walang sumagot.

When they injected him with that sleeping serum hindi na siya nagising. He fell into a coma and now very much unconscious.

Lumapit ako sa kama niya and as usual I held his hand at inilagay iyon sa pisnge ko.

" Laban lang hon ha? Wag kang sumuko, kaya natin to. " Sabi ko at hinalikan ang kamay niya bago hinalikan ang nuo niya.

" Gising kana please. Miss na kita. " Sabi ko habang umiiyak.

" Hi hon! Nubayan, 1 year kanang tulog ha! Magtatampo na ako. Gising kana hon. Valentine's pa naman oh? Ayaw mo ba akong i-date? " I held his hand and put it on my cheek.

" Miss na kita, sobra. Gising kana? " Sabi ko at hinalikan ang nuo niya.

" Alam mo? Magkaka-anak na si Cacai! May pamangkin na tayo. Ayaw mo ba siyang makita? Dibale ilang months pa naman bago siya lumabas eh. Gising kana by then ha? Love you. " Sabi ko at tinitigan siya.

" Hi hon! " Galing ako sa isang Ospital at dumeretso na ako dito.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. " Di ka parin ba gigising? Miss na miss na miss na kita. " Sabi ko at nilagay ang kamay niya sa pisnge ko.

" Alam mo? Nanganak na si Cacai, Baby girl. Ayaw mo ba siyang makita? Gising kana oh?" Sabi ko habang lumuluha.

" Gigising kapa ba hon? " tanong ko kahit alam kong walang sasagot.

" Hi hon! Happy anniversary! " Sigaw ko pagpasok ko sa kwarto. Nilagay ko ang cake sa lamesa at lumapit sa kanya.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya at nilagay sa pisnge ko. "Happy 5th year anniversary hon! Gising kana oh? " Sabi ko.

" Miss ko na yung halik mo. Yung yakap mo. Yung paghawak mo ng kusa sa pisnge ko. Yung pagyakap mo sakin tuwing nalulungkot ako. Yung pagpahid mo sa mga luha ko. Gising kana please? " Umiiyak kong sabi.

" Hi hon! It's been five years. Hindi ka parin ba gigising? Sabi ng doctor ko. Ay sorry di ko ba nasabi sayo na I've been seeing a psychiatrist this past year? I've been having break downs hon. Naka-usap ko yung doctor mo. And he said na yung machine nalang ang nagpapahinga sayo. Your doctor and my physciatrist suggested na tanggalin yung machine. Because di ka na daw gigising at nakaka sama sakin ang mga nangyayare. But you know what hon? I'm not giving up on you.  Wala akong pake kahit mabaliw ako. I love you and that's all that matters to me. " Sabi ko at hinalikan ang nuo niya.

" Hi hon! It's been 6 years, 5 months, 2 weeks and 11 days. Ayaw mo parin gumising? 5 years old na yung pamangkin natin. Ikakasal na si Deca. Si Dianne din she's engaged, si Jojo naman sinagot na siya nung niligawan niya. Si Cacai she's pregnant. Magkaka pamangkin na uli tayo. Hon, ang rami nang nangyayare ayaw mo pa rin ba? " Tanong ko habanag hinahaplos ang pisnge niya at hawak ang kamay niya.

" Hon, I'm not giving up. " I said.

" Hon! " Sigaw ko nang makapasok ako sa kwarto pero mga doctor ang nadatnan ko.

" Anong nangyari? " Tanong ko habang naglalakad palapit. I looked at the bed at may blanket na nakalagay sa buong katawan ng asawa ko.

" I'm sorry, Mrs. Alcasid. Bigla nalang huminto ang tibok ng puso ng pasyente. And sadly we couldn't revive him. Condolence po." Sabi nito na ikinagalit ko.

" Condolence? Condolence? I endured 7 long years para lang di marinig ang salitang yan yet now you tell me na Condolence? Diba doctor kayo? Ba't di niyo pinagaling ang asawa ko!! " Sigaw ko.

Napa upo ako dahil sa sakit. Natutulog ka lang naman non hon. Ba't mo naman ginawang habang buhay?

I looked at my husband inside his coffin.

You told me not to cry, When you are gone. But here I am crying in front of you.

" Hi hon! Nubayan sabi ko gising kana. Ba't naman matutulog ka habang buhay?" Biro ko habang nagtutuluan ang mga luha ko.

" Balik ka please? " Sabi ko habang umiiyak.

I told you I won't give up, pero bakit ikaw yung bumitaw?

You told me not to cry when you are gone, yet you didn't tell me how.

The end.

Happy reading!!

One shot storiesWhere stories live. Discover now