✨CHAPTER 12✨

321 9 0
                                    

*ALEXANDREA POV*

Kasalukoyan siya ngayon mag-isa at nakahiga sa kama habang naka-tulala sa kisame. Napaka-bilis ng mga pang-yayari hindi niya akalain na sa mga sandaling iyun ay maraming na agad nang-yari parang kanina lang umaga pumunta siya sa office ng mga montere para sana humingi pa dito ng palugit. Hanggang sa makarating siya sa mansion ng mga ito ! Napailing na lamang siya! Alam niyang napakalaking pag-kakamali ang nagawa niya at hindi niya ito matatakasan ! Lalo pa ngayon at itinakda na ang kasal nila! At higit sa lahat na-angkin na siya nito .

Muli na manang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata ! Kanina pa siya umiiyak pero parang hindi maubos ang kanyang mga luha! Pinag-sisisihan niya nag nagawa ngunit wala naman siyang ibang alam na paraan para manatili pa sila ng matagal sa mansion na iyun!

Anak? Rinig niyang tawag ng kanyang ina sa labas ng pintuan kasabay nito ang ilang mga katok!

Pasok ho mama! Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha at umupo ng maayos sa kama. Hindi niya ininda ang sakit ng katawan ang mahalaga hindi makita ng kanyang ina na umiiyak siya.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kaniyang ina na mukang nag-aalala!

Bakit gising kapa anak? Makakasama iyan sa ipinag-bubuntis mo.

Matutulog narin ho ako mama.

Mabuti yan!

Opo.

Natahimik silang pareho ng kanyang ina alam niyang may nais itong itanong sa kanya hindi lamang nito masabi sa kanya.

Anak? Basag nito sa kanilang katahimikan!

Ano po iyun mama?

Tapatin mo nga ako? Kelan pa kayo nag-karoon ng relasyon? At kelan kapa nabuntis?

Mama. Matagal na ho-

Pero bakit hindi mo agad sa amin sinabi? Putol na tanong nito sa mga sasabihin pa sana niya!

K-kasi ma alam kung madi-disappiont kayo sakin na papa! Nakayukong sagot niya!

Yun naman pala eh! Bakit ginawa at inilihim mo parin?

Sorry mama! Naiiyak na siya ngunit hindi lang niya ito pinahalata sa kanyang ina!

Walang magagawa ang sorry anak! Hindi na mababago ng sorry mo ang mga nang-yari !

Mama! Patawarin nyo po ako! Tuloyan nag bumagsak ang mga luha na kanina pa niya pinigilan.

Sssh.  Tahan na anak! Hindi ako galit sayo! Lalo na ngayon at mag-kaka apo na kami ng papa mo! Malumanay na Wika ng kanyang ina

Talaga ho ma?

Oo anak! Kaya wag kanang mag-isip ng kung ano-ano! Makakasama sayo at sa baby ang ma stress!

Pero ma si papa po?

Ako na ang kaka-usap sa papa mo ! Masama lang ang loob niya sayo! Pero hindi siya galit! Pag-aalo nito sa kanya!

Tumango siya sa ina! Sino ba naman kasi ang hindi sasama ang loob kapag nalaman na ang anak nila ay nabuntis ng ganito ka-aga at sa ganito pang sitwasyon! Napa-buntong hininga na lamang siya! Andito na ito ang kailangan siguro niyang gawin ay panindigan na lang ang lahat.

Salamat ng marami mama!

Wala yun anak! Tsaka ang gusto ko anak kahit ganyan na kalagayan mo magp-tuloy ka parin sa pag-aaral. Isang buwan na lang naman eh graduate kana!

Oo naman po ma! Wala naman po akong balak tumigil !

Mabuti kung ganun! Oh sya matulog kana bawal sayo ang mag-puyat! mag-aala una na ng madaling araw!

Sige ho !

Lumabas na ng pintuan ang kanyang ina! Muli ay napa buntong hininga siya ! Alam niyang marami pang mang-yayari sa mga susunod na araw!

Bigla ay naiisip niya ang matalik na kaibiga! Magalit kaya sa kanya si allyson kapag nalaman nito ang lahat! Matanggap pa kaya siya nito bilang kaibigan? Hays'

Bahala na!

MINE❤️ [Completed]Where stories live. Discover now