Chapter 18

82 5 0
                                    

Kirino's pov

Nag taka ako kasi nag paalam si Hilary pag tingin ko nga sa labas ang daming bantay sabi ni Hilary para daw safe kami kay nakakapag taka talaga

"Paano una na ako Kirino ah ikaw na ang bahala sa anak ko" tumango nalang ako sa sinabi nya bago sya umalis

"Mommy bumalik ka rin ah" sabi ni Milary

"Don't worry nandito naman si tita mo kaya hindi ka maboboring" sagot nya

"Opo mommy mag iingat ka po ah" napangiti nalang ako sa kasweetan ni Milary ng sumakit bigla ang ulo ko

"Mommy balik ka po ah palagi kang mag iingat"

"Oo naman anak ikaw rin pati ang kuya mo mag iingat kayo palagi dito"

"Opo mommy"

"ARAY!!!!" napasigaw ako dahil sa sakit ng ulo ko

"Kirino!!/Tita!!" sabay na sabi ng mag ina kaso biglang nang labo ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay

Hilary's pov

Nagulat ako ng sumigaw si Kirino habang hawak ang ulo nya muhkang sumakit iyon bigla kaya bataranta ako

"Anak kunin mo ang bag ko paki dial ang number ni tito Yuuichi mo dali" baling ko sa anak ko tumango naman ito at dali-daling kinuha ang cellphone ko sa may bag

"Kayo tulungan nyo akong dalhin si Queen sa may kwarto nya!!!" baling ko sa mga nag babantay dali-dali naman silang lumapit sa akin at binuhat si Kirino papuntang kwarto nya

'May kutob ako na may biglang pumasok sa utak nya o di kaya ay may naalala sya noon'

"Mommy on the way na daw po sya" baling ng anak ko sa akin

"Mabuti naman, puntahan mo muna si tita Kirino mo ako na ang bahalang sumalubong kay tito Yuuichi mo" sabi ko sa bulilit kong anak tumango naman ito at dali-daling umakyat sa kwarto nya

Habang nag hahantay ako sa may living room ay may bumisina bigla

"Princess nandito na po si Master Yuuichi" tumango naman ako sa sinabi ng bantay namin ng pumasok si yuuichi dito sa loob

"Anong nangyari? Bat bigla syang sumigaw at nawalan ng malay?" yan agad ang bungad nya sa akin

"Hindi ko alam baka naman may bigla syang naalala kaya ganon ang nangyari sa kanya" sagot ko sa kanya

"Sana naman ok na sya paano ang laban natin ngayon di ba matutuloy?" tanong ko sa kanya

"Hindi ko alam sabi ni Okatsu baka daw maatras k di kaya matuloy sinabi ko sa kanya na may emergency kaya di ako makakasama" sagot nya sa akin

"Mommy nag kamalay na po si tita" napatingin kami ni Yuuichi sa nag salita si Milary lang pala

Dali-dali kaming umakyat sa taas nakita naming tulala si Kirino di namin alam kung bakit kaya nag katinginan naman kaming dalawa

"Kirino ok ka na ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo na kung meron?" tuloy-tuloy na tanong ni Yuuichi

"Wala akong sakit sadyang sumakit lang ang ulo ko may nag flashback sa akin na di ko alam may kausap akong bata na kulay gray ang buhok nya kaso di ko nakita ang muhka ng bata at nakita ko nalang angsarili ko na kausap ang batang babae at tinawag ko itong 'anak' naguguluhan ako di ko alam kung bat sinabi ko ang katagang yon" mahabang lintanya nya

"Sinabi na ng doctor sa akin na nag karoon ako ng amensia kaso di sinabi ni Mnamisawa kung nag karoon nga ba ako o wala" dagdag nya pa

"Hayaan mo na yon Kirino ang mahala unti-unti nang bumabalik ang ala-ala mo" sabi ko sa kanya

"May anak ba ako o asawa?" biglang tanong nya kaya nag katinginan naman kami ni Yuuichi

"Malalaman mo rin kapag bumalik na ang ala-ala mo sa ngayon ay kaylangan mo munang mag pahinga" sagot ni Yuuichi

"Hmm sige" yon na lang ang sinabi nya bago pumikit

"Mommy ako nalang po ang mag babantay kay tita Kirino" napangiti kaming pareho at ginulo naman nya tito nya ang buhok nya

"Good girl ka talaga Milary sige na bantayan mo na si Tita Kirino mo" pumunta na agad si Milary sa kama ni Kirino tumalon pa yon kaya napamulat si Kirino natawa kami kasi akala nya mamatay sya ng maaga dahil sa gulat nya

Lumabas kami ng kwarto ni Kirino nag iisip ako kung hanggang saan pa kaya ang kakayanin namin para lang maibalik ang ala-ala nya at maibalik na rin sya sa totoong mahal nya pati pamilya

"Nag tanong na ba si Kyouske sayo?" tanong ko sa kanya

"Oo nag tanong na sya sa akin pero di ko muna sinagot ang tanong nya" sagot nya

"Hanggang kaylan ba natin hahantayin na makabalik ang ala-ala nya?" tanong nya sa akin

"Di ko alam kung hanggang kaylan ang mas kaylangan ngayon ay ma protektahan si Kirino baka isang araw biglang sumulpot si Minamisawa" sagot ko sa kanya tumango naman sya bago kami lumabas ng mansion

Continue

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Di ako makapag publish kabag ala load HAHAHAHAHA  babawi nalang ako ngayong buwan na ito kaya hintay nalang kayo ah

ENJOY READING!!!!

My Wife Is Alive But She Have Amensia (Season 2 AMFKG)*Complete*Where stories live. Discover now